Chapter 16

325 31 0
                                    

Surviving the days after the breakup is a different kind of torture for me. Para bang kailangan mo ng sanayin ang sarili mo sa mga bagay na wala na ngayon sa iyo dahil lamang wala kang choice.

You were never given a choice.

This is our last week as college students pero hanggang ngayon ay sobrang dami pa ding pinapagawa ng mga professor. Wala talagang makakaawat sa kanila.

"Deadline will be tomorrow. Class dismissed."

Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at inilagay sa bag para makaalis na. I want to go home. Ayokong makasalubong na ang kung sino-sino pang tao na magha-harm na naman ng mental health ko.

This is my daily routine. As much as possible, I am avoiding people na I decided to cut ties with.

I needed to help myself. Walang ibang tutulong sa akin kung hindi ang sarili ko lamang din kaya I better need to keep going.

"Daming deadline, buti tapos na ako sa iba." pagmamaktol ni Leigh.

Nasa condo nila ako. Pinayagan na ako nina Mama na kumuha ng condo unit na malapit lang dito kina Leigh para mas convenient din para sa akin kapag papunta ako sa school.

"Tulungan mo ako magawa ng project ha." sabi ko. She's good at designing things kaya nakakahanga ang mga output niya. "Ubos na ubos na katalinuhan ko sa pagintindi kung bakit siya nagsinungaling sa rason niyang pakikipag-break." dagdag ko pa at mabirong humawak sa aking ulo.

Isang batok ang natanggap ko mula sa kaniya. "Gaga. Walang perfect na design sa project para diyan sa katangahan mo."

Napakamot na lamang ako sa aking ulo at ngumiti nang malaki sa kaniya. I owe a big part of my healing journey to Leigh and Nathan. Hindi sila nagsasawang makinig sa paulit-ulit kong katangahan when I comes to my past relationship.

We stayed up all night doing our projects. Sa kagustuhan kong makatapos na ay pinagdidikit ko na lamang ang mga natitirang pang-design. Para abstract ang atake.

"Tulog na me, ayoko na." sambit ko at itinapon ang sarili sa kama.

Kinabukasan paggising ko ay mabilis akong kumain at nag-ayos para makarating na sa school nang maaga. Pumasok ako mag-isa dahil magkasabay si Leigh at Nathan.

This is the last day na may ipapasa kami pero sabay-sabay.

"Pagkatapos nito, tapos na. Laban lang." bulong ko sa sarili ko habang nakasubsob ang mukha sa desk.

Antok na antok pa din ako kahit nakatulog naman ako kagabi. Nag-angat lamang ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Miranda at Elliana sa labas ng classroom namin.

Anong ginagawa nila dito?

Nang magtama ang tingin namin ni Elliana ay mabilis itong sumenyas na lumapit ako sa kaniya. Noong una ay nagdadalawang-isip ako ngunit naisip kong kaibigan ko pa din naman sila kaya naman lumapit pa din ako.

"Anong kailangan n'yo?" tanong ko nang sa wakas ay makalapit na ako sa kanila.

"Ikaw. We just want to say at ipamukha na wala na sa'yo si Kaius kaya huwag ka ng umasta na parang napakataas mo." Miranda said.

Anong sinasabi niya? Never akong umasta na mataas ako kahit noong kami pa ni Kaius. Sila ang palagi akong sinisiraan at kung ano-anong ikinakalat tungkol sa akin na wala namang katotohanan.

"I just want you two to know na wala na din akong pakialam sa lalaking iyon." sagot ko. "At kahit ngayong wala na kami, hindi naman ako umaastang ang taas ko, sa inyo lamang iyan nanggagaling. Kaya oo, mataas ako, mas mataas sa inyo."

The Inevitable Call of Love |  ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon