Mabilis lamang na lumipas ang isang linggo. Parang kung iisipin ay naka-timelapse na ang mundo. Pagod na din siguro at naiinip na.
"Tita..." tawag ni Logan pagkapasok niya sa bahay.
Agad namang tumugon si Mama. "Nasa kusina ako. Bakit?"
"Pwede ko po ba i-invite ang mga tropa ko dito? Nagpaalam na din po ako kay Mommy na baka dito ko na ako matulog."
"Sige. Magpatulong ka na lang kay Luna na mag-ayos ng mga kakailanganin mo."
Napasibangot naman ako sa narinig. Bakit ako na naman?
"Ma naman. Magpapahinga ako, ang dami-dami ko ng ginawa." apila ko.
Napalabas si Mama sa kusina habang pinupunasan ang kamay sa kaniyang apron.
"Bahay natin ang pupuntahan kaya kailangan na gumalaw ang taong naririto. Huwag ka ng magreklamo." nakapameywang niyang sabi.
Hindi na ako sumagot dahil hindi din naman ako mananalo sa kaniya.
Gaya ng sinabi ni Mama ay tumulong ako sa kanila sa pag-aayos. Panay naman ang pangungulit sa akin ni Logan.
"Tita! Ang sama-sama ng mukha nitong anak nyo oh. Ayaw ata na tumulong." sumbong nito.
Hindi na ako lumaban pa. Binato ko na lamang siya ng unan na nasambot naman niya.
Sa dinami-dami kasi ng pupwede nilang pag-hangout-an ng mga kaibigan niya ay dito pa talaga sa bahay namin ang napili niya.
Masyado na atang komportable ang pinsan kong ito sa pamilya namin.
"Dalhin na ang barbeque dito tsaka yung sauce." ani Mama na siyang sinunod ko.
Inilagay ko sa isang malaking plato ang mga barbeque habang sa hiwalay na maliit na mangkok ko naman inilagay ang sawsawan.
Hawak-hawak ko pa lamang ay natatakam na ako.
Ibinaba ko ito sa lamesa at inayos ang pagkakasalansan. Dalawang lalagyan naman ang kanin, habang nakalatag na ang iba't-ibang putahe.
Mayroong liempo na tinadtad na. May inihaw na tilapia. Hotdogs. Pork belly. At itong inihaw namin barbeque.
Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang mga kaibigan ni Kuya habang nagbibihis ako. Siguro ay kasabay dumating ng mga ito sina Verity dahil umalingawngaw na agad ang boses ni Miranda sa baba.
May ibang pakiramdam talaga ako everytime may mga handaan o di kaya ay okasyon sa bahay namin.
I like it kapag madaming tao. No, I love it.
Pakiramdam ko kasi ay sobrang saya at masigla ang bahay namin compared sa kapag kami lamang minsan ni Mama o ako lamang mag-isa.
I'm wearing a plain gray maxi palda paired with a white off-shoulder top. Pinuyod ko ang buhok ko ng kaunti, just to get rid of the strands of my hair.
Naglagay ako ng maliit na butterfly clips sa aking buhok. These are cute.
And when I'm satisfied with my looks, tsaka ako bumaba.
Habang bumababa ako ay wala akong tinapunan ng tingin at binati. I was busy fixing my off shoulders.
"Ganda. Kinakabog mo na naman kami." tsaka lamang ako nag-angat ng tingin nang magsalita si Miranda. I smiled at her.
Pinasadahan ko ng tingin ang lahat. Everyone was looking very extra tonight. Hindi gaanong kayos ngunit makikita ang pagtingkad ng kanilang ganda. They are all wearing dress. Buti na lamang at mahaba din ang naisuot ko, nagmukhang dress kahit papaano.
BINABASA MO ANG
The Inevitable Call of Love | ✓
RomansaMaraming stages sa buhay natin kung saan nagiging in denial tayo sa mga emotions at nararamdaman natin. Sometimes, we do it for the better or para lamang maiwasan ang mga kinatatakutan natin. Pero paano kung kahit anong iwas mo ay pilit ka nitong h...