"Hindi ba natin dadalawin si Dash?" tanong ko.
Nakuha ko ang atensyon nilang lahat. Bigla ko na lamang kasi iyong naisip, that's one of the major reasons kung bakit ako pumayag na umuwi na dito sa Pilipinas.
"Maggo-grocery muna kami ni Nathan kaya baka mamayang hapon na kami dumaan doon." sagot ni Leigh.
"Ako na lang ang sasama sa'yo." singit naman ni Kaius.
Is that even a good idea? Ganoon pa man ay tumango na lamang ako upang matapos na ang usapan. Si Dash naman ang ipinunta ko at ang mahalaga ay makadalaw ako kahit man lang sa puntod niya.
"S-Sure."
Naligo na ako and wear a grayish rumper. I blow dried my hair at saka ipinuyod ito nang dalawang maliit na pigtails sa ibabaw. For my shoes, I wear a dirty white sandal. When I'm finally satisfied with my looks ay saka ako bumaba.
He's already waiting for me. Kaswal itong nakaupo sa couch. He's wearing a black long sleeve and a black pants. Napatingin tuloy ako sa suot ko. Pakiramdam ko ay magmumukha akong personal assistant niya.
Hindi pa man ako nakakakababa nang tuluyan ay nag-angat na ito ng tingin sa akin. He instantly smiled. Sana hindi magsala ang paa ko sa pababa, baka hindi ko kayanin ang kahihiyan.
"Let's go." he closed the magazine he was looking at, then watched me as I approach him.
"Tara." I pouted a little bit saka nauna ng maglakad. Rinig ko naman ang tunog ng sapatos niya kaya sigurado akong kasunod ko lamang siyang maglakad.
Pinagbuksan niya ako ng upuan sa front seat. "Okay lang ba sayong hawakan kita sa braso para maalalayan kita? Medyo mataas itong kotseng gamit ko."
Right. This a Chevrolet Suburban. Iba sa mga dinadala niyang kotse noon.
Hindi na ako nagsalita pa dahil baka kung ano pang masabi ko sa kaniya. Tumango na lamang ako. Ang paghawak niya ay puno ng pag-iingat.
"Nakausap mo na ba pala si Verity?"
"Hindi pa. Wala pa siyang kinikita kahit sino sa amin and we do understand her."
Ibinilin siya sa akin ni Dash. I want to fulfill my promise, I will listen and will serve as a shoulder para kay Verity lalo pa ngayong wala na siya.
Dash is my best friend at napakalaking kawalan niya sa akin. At hindi ko maisip kung gaanong kasakit para kay Verity iyon dahil hindi lamang siya nawalan ng boyfriend, kung hindi pati na din karamay at best friend.
Nang makarating kami kung saan naroroon ang puntod ni Dash ay tila ayaw ko ng bumaba. Biglang bumigat ang pakiramdam ko. I never got to see him even before he died. Buong akala ko ay maayos at busy lamang talaga siya, hindi pala.
Nauna si Kaius na maglakad dahil siya ang nakakaalam kung nasasaan iyon. Huli ko na nang makitang may dala siyang bulaklak. It was white tulips.
"He loves these." he chuckled as he looks at the flowers he was holding.
"Matutuwa iyon panigurado."
Tumigil siya sa isang parang bahay na gusali. Hindi gaanong kalaki ngunit saktong-sakto upang hindi mainitan ang kung sino mang dadalaw dito.
Nanlambot ang katawan ko when I saw his picture. As usual, he is wearing his big smile.
Dash Hezekiah Sanchez
BORN: January 13, 1999
DIED: June 15, 2024
You Will Forever Be Missed.
BINABASA MO ANG
The Inevitable Call of Love | ✓
RomanceMaraming stages sa buhay natin kung saan nagiging in denial tayo sa mga emotions at nararamdaman natin. Sometimes, we do it for the better or para lamang maiwasan ang mga kinatatakutan natin. Pero paano kung kahit anong iwas mo ay pilit ka nitong h...