"Ang hirap ng daan papunta dito. Buti na lang there was a mabait na mga tambay doon sa may labasan." nagmamaktol na sabi ni Leigh.
Sumunod sila nina Verity at Dash dito. Pinasabay ko na siya sa dalawa para isang pagkakaligaw na lang, nangyari nga. Kasama din nila si Nathan.
"Dalawang cottage lang ang kinuha ko para sa inyo. Dash and Nathan, kayo ang magkasama sa room." natigil ako dahil sa mabilis na pagsibangot ni Dash.
Binatukan naman siya agad ni Nathan. Kaius was busy smelling my hair, wala na namang pakialam sa mga nangyayari.
Mga boys lamang ang natira dito kasama ako. Si Verity at Leigh ay busy sa pag-iikot, I was telling them na mamaya ng gabi mag-ikot pero hindi sila nagpaawat.
I gave Dash and Nathan the keys para sa kanilang cottage at sa cottage ng girls since sila naman ang maglalagay ng gamit ng mga iyon.
"Gosh, Chane. You should go sa part na iyon, super ganda ng sand plus the scenery." masayang-masayang sabi ni Verity.
Nahahawa na siya sa pagiging jolly ni Dash. Hindi na siya gaanong nahihirapang makipag-socialize.
"Mahirap nga lang umakyat kasi matatalas 'yung mga bato pero definitely worth it." dagdag naman ni Leigh.
I was walking sa buhanginan dahil iniwan ko si Kaius with his friends for them to catch up. He agreed.
I was so happy hearing them enjoy. This is the point of this vacation. Hanggang ngayon ay nalulungkot pa din ako dahil hindi kami buo pero itinatawa ko na lamang iyon.
"Sarap ng hangin." mahinang bulong ko.
Nakaupo kaming tatlo sa buhanginan sa ilalim ng isang coconut tree. We were watching the people pass by. I wonder what's the story behind these people.
I've always wondered bakit may magkakaiba tayong takbo ng buhay. Bakit may mga taong fortunate? Bakit may mga taong hindi?
"Tibay din talaga ng ngala-ngala nina Miranda, ano? Puro parinig nang parinig kahit patapos na noon ang school year." biglang inis na sabi ni Leigh.
Mabilis na siniko siya ni Verity.
Hindi ko alam ang tungkol sa mga bagay na iyon. Wala akong ideya na may parinigan pala na naganap.
"Ano 'yon?" kuryoso kong tanong.
Sinalipot ko ang aking maxi white beach dress para makaharap nang maayos sa kanila.
Verity is wearing a gray see thru beach pants and a spaghetti strapped top habang si Leigh naman ay spaghetti pink-strapped flowy dress.
"Wala, Chane. Hindi naman na iyon relevant since tapos na 'yung school year." ani Verity.
I can sense the hesitation in her voice.
"No, Verity. Tell me." seryoso kong sabi.
I want to know everything. Lalo na at may kutob akong ang mga parinig na iyon ay tungkol sa amin, at tungkol kay Kaius.
So that's why they're avoiding me?
Bawat ihip ng hangin ay ang pagsabay ng bigat ng aking damdamin. Sa lahat ng nangyaring iyon ay wala akong kalam-alam manlang?
"Look, Chane. Hindi ko din alam bakit ganoon ang kwentong ipinapakalat nila ng mga new so-called friends nila." panimula ni Verity.
Atentibo akong nakikinig sa kaniya. I don't want to miss any details.
"They're spreading na you are a liar dahil sinabi mo daw na hindi mo gusto si Kai and there you are at kating-kati ka daw na makayakap palagi sa kaniya..." sa pahuling sinabi ni Verity ay pahina na ito nang pahina.
BINABASA MO ANG
The Inevitable Call of Love | ✓
DragosteMaraming stages sa buhay natin kung saan nagiging in denial tayo sa mga emotions at nararamdaman natin. Sometimes, we do it for the better or para lamang maiwasan ang mga kinatatakutan natin. Pero paano kung kahit anong iwas mo ay pilit ka nitong h...