Chapter 8

411 31 0
                                    

Napagdesisyunan kong mag-jogging para naman kahit papaano ay may maayos akong magawa for the day.

Plano kong hanggang sa may labas ng village ako mag-jog at titigil na lang muna ako sa may park. Pinag-uusapan kasi iyon dahil maaliwalas at sobrang mahangin, magandang lugar upang mag-relax at magisip-isip.

I put my earphones on at lumabas na ako. I'm wearing a pink and black sports bra and a legging. Ipinuyod ko ang aking buhok para hindi sagabal sa akin mamaya.

Mabagal lamang ang takbo ko at dinadama ang bawat dampi ng hangin sa aking balat. Maaga pa at hindi pa gaanong masakit ang tama ng araw sa balat.

I was scanning the establishments and scenery here in our village. Napadaan ako sa isa sa pinakamalaking bahay dito sa village namin. Owned by Hueno's. 

Hindi na kailangang itanong pa kung gaano sila kayaman dahil ang mga properties na nila ang nagsasalita para sa kanila. 

There's a part naman ng village na magandang pagtambayan dahil maraming puno at maganda ang pagkakapatag ng lupa.

"Aray!" naagaw nito ang atensyon ko dahil nadapa na ito. "Kuya!" sigaw nito sa pagitan ng pag-iyak.

I removed my earphones and rushed towards her.

"Hey, baby girl. Sinong kasama mo?" mahinahon kong tanong.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Basang-basa na agad ang mukha niya dahil sa ginawa niyang pag-iyak. Hindi pantay ang pigtails niya, but it looks so good on her. Naka-sling bag siya ng barbie and she's wearing a blue dress with ruffles.

I don't want her to be afraid. Baka ang isipin pa ng mga tao ay kung anong ginagawa ko sa batang ito.

Ipinahid niya ang braso niya sa mukha niya dahil nabasa na ito ng luha. Dirty.

Kinuha ko sa balikat ko ang aking panyo at iyon ang ipinunas sa kaniya. It's my favorite pink towel with my name embroidered on it.

But I don't mind dahil mas kailangan naman nitong bata.

Itinayo ko siya at pinagpagan ang tuhod nito. Sobrang na-relieve ako noong nakita kong wala itong sugat sa tuhod. Kaunting gasgas lamang dahil siguro sa impak ng pagkakadapa.

"Stop crying na. You look more beautiful when you're not crying." I smiled at her and wiped her tears.

Tumigil naman ito at niyakap ako na ikinagulat ko. Muntik pa ako ma-out of balance, buti na lamang at napigilan ko.

Tatanungin ko pa sana kung sinong kasama niya nang kumalas siya ng yakap at tumakbo papunta sa likod ko.

"Kuya! Nadapa ako..." sumbong nito sa isang maliit na boses.

Nilingon ko ito kaagad dahil baka ako ang pagbintangan, mahirap na. Natuod ako sa kinatatayuan ko nang makita si Kaius na buhat-buhat ang bata.

"Si Ate Ganda 'yung nag-help sa akin." sambit noong bata at itinuro ako.

Inayos ko ang aking buhok at saka lumapit sa kanila.

"Stop crying na para pretty lang always." I said and pinched her cheeks.

She chuckles and covers her mouth. Kikay. Cute.

Inangat ko naman ang tingin ko kay Kaius na ngayon ay nakataas ang kilay habang pinapanood kami ng kapatid niya.

Tinaasan ko din siya ng kilay. Bakit nga pala walang kasama ang kapatid niya kanina?

"Saan ka galing? Hindi mo dapat hinahayaan na mawala siya sa paningin mo." may diin kong sabi.

The Inevitable Call of Love |  ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon