"Uuwi muna ako. Babalik na lang ako bukas kapag susunduin ko na kayo." malamig na sabi nito at marahang hinalikan si Francia.
Pagkabalik namin galing sa cafeteria ay parang biglang may kung anong barang na sa pagitan naming dalawa. Hindi niya na rin ako magawang tingnan at sobrang limit na kung kausapin niya ako.
Kay Francia na lamang siya palaging naka-focus which is good naman dahil ganoon lamang din ang plano ko.
"Bakit ka po uuwi, Daddy?"
Napadako ang tingin ko kay Kaius na ngayon ay may napakalamig na aura at mukhang wala sa mood ngunit sinisigurado na tuwing haharap siya kay Francia ay palagi siyang nakangiti.
"May aayusin lang sa work si Daddy, anak." sagot naman nito.
Isang ngiti ang isinagot sa kaniya ni Francia at niyakap siya.
"Sama ka sa hug, Mommy!" aya ni Francia.
And before I could even say something ay naunahan na ako ni Kaius.
"Anak, Daddy has to go."
Hindi ko alam kung bakit may parang dumagan sa aking dibdib dahil sa narinig ko. Pakiramdam ko ay sampal iyon sa akin dahil siya na ang tumanggi.
Bakit ba? Dapat pa nga akong magpasalamat sa kaniya, he's doing me a favor.
Umalis ito na hindi man lang ako tinatapunan ng kahit isang tingin o kahit nagpaalam man lang ngunit ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon.
"Mommy... kailan po babalik si Daddy?"
Wala pang isang oras na umalis si Kaius ay nagtatanong na kaagad si Francia, paniguradong kung sino man ang magbabantay sa kaniya hanggang mamaya ay mabubugbog ng tanong tungkol sa ama niya.
"Nasa work anak, sinabi na niya sa'yo 'di ba?" inayos ko ang kaniyang buhok na nakaharang sa kaniyang mukha.
"Babalik pa po ba tayo sa isla?" tanong nito.
"Hindi na." sagot ko. "Bakit? Gusto mo bang bumalik doon?"
Tumitig lamang siya sa akin. "Kasama po ba natin si Daddy kung babalik tayo doon?"
"Kung gusto ni Daddy mo."
Alam kong gusto niyang kasama si Kaius kung babalik man kami sa isla. Hindi na ako na-surpresa sa nabuo niyang koneksyon sa anak namin sa maikling panahon na mayroon sila.
Gagawin ko ang lahat para sa anak ko at kung kinakailangan na magsakripisyo ako ay hindi ako magdadalawang-isip na gawin iyon.
"Bakit naman po niya hindi gugustuhin?" kuryosong tanong ng anak ko.
Gusto ko na lamang mapakamot sa aking batok dahil sa mga tanong na ibinabato niya sa akin kung minsan. Nahihirapan akong maghanap ng sagot.
"Mahirap kasi anak. May work siya rito at hindi iyon pwedeng basta-basta na lamang iwan ni Daddy mo."
Tumango ito na tila naiintindihan ang aking punto. "Edi huwag na lang po tayo bumalik sa isla." she chuckled.
Marahan kong pinisil ang kaniyang mapupulang pisngi.
"Ma'am, sadya po bang masungit na si Sir?" tanong ni Lena.
Kunot-noo ko siyang hinarap. "Bakit naman?"
"Aba'y kulang na lang ho ay magsanib pwersa na ang kilay pagkalabas dito kanina."
So, he's really affected. O baka naman sobrang exaggerated lamang ang pagkakalarawan ni Lena.
"Baka bad mood lang." palusot ko.
"Kahit bad mood 'yan noon ay nagagawa pa rin ngumiti sa amin, lalo na sa akin." may himig ng kilig sa boses nito at isinayaw pa ang balikat.
BINABASA MO ANG
The Inevitable Call of Love | ✓
RomanceMaraming stages sa buhay natin kung saan nagiging in denial tayo sa mga emotions at nararamdaman natin. Sometimes, we do it for the better or para lamang maiwasan ang mga kinatatakutan natin. Pero paano kung kahit anong iwas mo ay pilit ka nitong h...