"Pass your papers, now."
Wala akong nagawa kung hindi ang ipasa ang halos kalahating blangko na papel ko.
Wala akong mapala sa mga stock knowledge ko dahil mukhang pati ang utak ko ay hindi alam kung saan huhugot ng knowledge.
"Okay, tapos na. Move on." bulong ko sa sarili ko.
Bakit ko iisipin pa iyon? Hindi ko na din naman ikakaganda ang score kong iyon kaya ang pinakamaayos na gawin ay ang mag-move on na lamang.
Hindi na kami lumabas ni Leigh dahil may kasunod na agad na subject.
Maya-maya pa ay dumating na din ang professor namin.
I didn't pay that much attention dahil gusto ko na lamang agad matapos ang period na iyon dahil gusto ko na umuwi.
I'm tired as hell.
Later, I heard my classmates whispering as if something was so interesting kaya naman nag-angat na ako ng tingin.
Sisikuhin pa lamang sana ako ni Leigh pero natanguan ko siya kaagad. Alam ko na agad ang naiisip niya.
"Bakit andito 'yang mga 'yan?"
Nagkibit-balikat ako. I saw Dash waved at me nang mamataan niya ako.
Wala talaga silang plano na patahimikin ang buhay ko. Talagang nag-effort pa ang mga loko na magpa-adjust ng schedule.
"I guess we didn't need to introduce ourselves..." panimula ni Dash. "Alam naming kilala n'yo na kami."
Kumindat pa ito bago umupo sa bakanteng mga upuan. Ang mga kaklase ko naman ay hindi magkaintindihan na parang mga uod na binudbudan nang isang kilong asin.
Kamalas-malasan na lamang talaga at malapit pa sa amin ni Leigh ang mga bakanteng upuan.
Nagtama ang tingin namin ni Kaius nang naglalakad na sila palapit. He is in his serious face na naman. Wala naman ng bago doon.
Hindi pa siya nakakalapit ay gumuhit na sa aking ilong ang kaniyang amoy. Manly.
He pointed the chair behind me. "Sinong nakaupo?"
Hindi kaagad ako nakagaalaw. Hindi alam kung anong isasagot.
Parang bigla akong na-estatwa kahit ang kinakailangan ko lamang namang gawin ay ang tingnan kung may nakaupo na ba dito.
Hindi niya na naintay ang isasagot ko. He then proceeds towards the chair and sit. Nakapikiy ako nang mariin sa nangyari.
What the heck, Chane?!
Nang nasa likod ko na siya ay marahan niyang pinasadahan ng daliri ang aking buhok. Weird.
"Chane!"
Nang marinig ko ang boses na iyon ay tinanggap ko na lamang talagang walang matatahimik hangga't nakaaligid sila.
"Ang pogi naman talaga ni Kaius, ang sama lang ng ugali." bulong ni Leigh sa akin.
Hindi ko na napigilan na lingunin si Kaius. I can tell that he's bored ngunit agad na umayos ng upon ang makita ang paglingon ko.
He smiled. At ganoon din ang ginawa ko bago muling ibaling ang atensyon sa harap.
Parang bigla akong nahirapan huminga. He smiled. Napaka-unusual dahil hindi naman ganoon ang pagkakakilala ko sa kaniya.
"Mali talaga na ilapit sa'yo si Kai, nababaliw ka bigla." agad nakuha 'non ang atensyon ko.
I saw Warren laughing pati na din si Jared at Nathan. Konti na lang talaga ay bibingo na sa akin si Dash. Binato ko sila ng ballpen.
"Bakit may nagsasalitang utot diyan sa gilid n'yo?"
BINABASA MO ANG
The Inevitable Call of Love | ✓
RomanceMaraming stages sa buhay natin kung saan nagiging in denial tayo sa mga emotions at nararamdaman natin. Sometimes, we do it for the better or para lamang maiwasan ang mga kinatatakutan natin. Pero paano kung kahit anong iwas mo ay pilit ka nitong h...