Chapter 35

292 22 0
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan dahil nag-ayos pa ako ng gamit naming mag-ina. I asked Bebang to call Kaius para sunduin kami.

"Uuwi na po ba tayo, Mommy?" tanong ng anak ko na halos kakagising lamang.

"Yes, anak. Halika, let's freshen up."

I washed her up at saka inayusan. I made her wear a barbie top and pants upang komportable lamang para sa kaniya.

"Do I look pretty po?" she said and twirled.

"Always." I kissed her on the cheeks.

Maya-maya pa ay isang pamilyar na amoy ang dumaan sa aking ilong. It was him. Naka-shades siya at dumeretso agad kay Francia at nilampasan ako.

Para akong hangin sa paningin niya at di man lamang dumampi ang balat niya sa akin, para bang iwas na iwas siya at ingat na ingat na malapitan ako.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa presensya niya. Tila ba hindi pa rin ito sanay kapag malapit siya, naghuhurumentado pa rin ito.

"Daddy!" sigaw ni Francia at tumalon upang mabuhat ni Kaius.

He's wearing gray pants and a body-hugging t-shirt that reveals his abs. Hindi na naman kami lulubayan ng tingin ng mga nurses. Paniguradong papak na naman siya sa puri mula kay Lena.

Nagsimula na akong kuhanin ang mga gamit namin na hindi ko pa naiilagay sa aking bag upang makaalis na kami. Hinayaan ko na silang mag-ama na mag-usap muna.

"Bakit mo tinatago ang eyes mo, Daddy?" Francia asked. "I love your scar nga po riyan sa eyes mo! It looks so cool."

Natigilan ako sa aking ginagawa at ganoon din si Kaius, hindi siguro inasahan sa sasabihin ng anak namin. Kahit ako ay bahagyang nagulat dahil hindi naman niya nababanggit ang kahit anong tungkol sa sugat na iyon sa mata Kaius.

"You love it?"

Mabilis na tumango ang ang batang babae na nakaupo sa kaniyang hita.

"Because I love it too." dagdag ni Kaius.

"Parang si Mommy lang po pala iyang scar mo, pareho nating love!" she giggled.

Hindi na ako magkaintindihan sa damit at mga gamit na inilalagay ko sa aking bag. Namamawis na ang aking palad at kung ano na lamang madampot ko sa aking harapan ay iyon na lamang ay inilalagay ko, hindi ko na tinitingnan.

Wala akong narinig na kahit anong sagot ni Kaius sa sinabing iyon ng anak namin. Ang sakit ah. Hindi pala. Bawal akong masaktan dahil ako ang pumili nito at dapat panindigan ko, hindi ako dapat masaktan.

"Kamusta ang sleep ng baby ko?" pag-iiba niya.

Sasagot na sana ako. Hindi nga pala ako ang baby niya.

"Napanaginipan ko kita." masiglang kwento nito.

"Ano naman daw ginagawa ko?" kuryosong tanong naman ni Kaius at tila ba interesadong-interesadong marinig ang kwento ng anak.

"Naghahanap ka na raw po ng isa ko pang Mommy."

Bigla akong nasamid sa sarili kong laway kaya naman nakuha ko ang atensyon nilang dalawa. Hindi ako sigurado kung nagtama ang tingin namin dahil naka-shades pa rin ito.

"May nahanap na raw ba ako?" tanong ni Kaius.

Hindi ko napigilan ang pagtaas ng isa ko pang kilay. Talagang inilalagay niya pa sa utak ng anak ko ang paghahanap niya ng isa pang nanay.

"Wala pa raw po." inosenteng sagot naman ng anak namin.

Pa? PA?! So okay lang sa kaniya kahit makahanap ang Daddy niya ng isa pang Mommy? Jusko. Sa sobrang kabaitan ng anak ko ay gusto niya talaga at tanggap pa na marami siyang nanay.

The Inevitable Call of Love |  ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon