Chapter 4

498 33 0
                                    

Hinawakan niya ang magkabila kong braso. Hindi ko alam kung paanong ang maiingat na hawak na iyon ay magpapakalma sa mga iniisip ko.

"Are you mad?" tanong niya.

Iniiwasan kong tumingin sa kaniya dahil alam kong malulunod na naman ako. Ayokong maloko na naman ako ng mga kilos niya. Hindi kami gaanong magkakilala para maapektuhan ako nang ganito ka-sobra. Ginawa ko ang lahat para patibayin ang barriers na binuo ko para sa sarili ko at hindi ko hahayaan na masira iyon ng isang lalaki lamang.

Umiling ako. Ayokong malaman niya na may alam na ako sa mga plano niya. Gusto kong sa kaniya mismo manggaling ang lahat. Gusto kong sabihin niya mismo na gagamitin niya ako para sa kaibigan ko. Bakit ba ayaw niyang sabihin? Akala niya ba ay magagalit ako? 

"Ayokong iniipon mo ang mga worries mo. Gusto kong maging open ka sa akin hangga't maaari." panunuyo niya.

Gusto kong matawa. Gusto niyang maging open ako sa kaniya hangga't maaari. Para saan? Para mas alam niya kung paano ako gagamitin?

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at binawi ang braso ko. Narinig ko ang munting buntong-hininga niya. Pinulot ko ang aking shoulder bag at nag-martsa palabas. Pasalamat na lamang talaga at hindi niya na ako pinigilan pa.

Naglakad na ako papunta sa huling klase ko kung saan kaklase ko pa din si Everleigh. Ang tagal-tagal na din naming hindi nag-uusap dahil masyado akong naging busy sa mga old friends ko.

"Good afternoon! Kamusta?" masaya kong bati sa kaniya.

Nag-pout siya at sinamaan ako ng tingin. "Ang daya mo. Iniwan mo ako tapos may kasama ka na agad na new set of friends!"

Nakaramdam naman ako ng guilt dahil totoo ang sinabi niya. Hindi ko na siya masyadong nasasamahan dahil dumating ang mga kaibigan ko. Nilapitan ko siya at kinurot nang pabahagya.

"Sorry. Promise, bukas isasama at ipapakilala na kita sa kanila para tayo na yung magkakasama." lumapit ako at niyakap siya

Niyakap niya ako pabalik at nag-aya nang mag review para sa recitations mamaya. Pinaalalahanan kami na may graded recitation kaya naman kinakailangan talaga na mag-aral and browse sa notes.

Nang dumating na ang subject teacher namin ay wala siyang sinayang na oras. Nagsimula na agad siya, using her index card ay dito niya pinili ang sasagot sa bawat katanungan.

Mabilis naman na lumipas ang oras.

Marami pang tinanong si Ma'am pero hindi pa dun natapos ang discussion namin dahil binaliktad naman ni Ma'am ang mechanics ng recitation. Siya naman ang magsasabi ng branches at kami naman ang magsasabi kung ano ang pinag-aaralan doon.

Hindi naman ganoon kahirap iyon dahil nag-aral naman kaming dalawa. May mga block mates kaming nahirapan pero buti na lamang at alam ko ang mga tanong na napupunta sa akin.

Nang matapos ang klase ay pinuntahan ko na sina Elliana, Madali ko lamang naman silang nahanap dahil hindi kalayuan sa building naming ang pinaghintayan nila.

Hindi na sumama si Everleigh sapagkat may kinakailangan daw siyang puntahan na hindi naman niya sinabi kung saan.

Nang makarating naman ako sa pinagtatambayan nila ay may pinag-uusapan sila. Nakakapanliit na din talaga ng mata ang pagiging malapit ni Dash at Verity pati na din ni Elliana at Jared.

Mukhang wala na talaga akong magagawa dahil patagong kumilos ang dalawang mokong na ito.

"Alam mo ba kanina wala pa kaming klase so magkakasama kami nina Nathan, ang sungit-sungit ni Kaius ang moody niya," sambit ni Elliana.

The Inevitable Call of Love |  ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon