Chapter 23

280 23 2
                                    

Bawat araw ay isang hamon. I have to focus on my self while guiding someone to move forward. Hindi naging madali, but it was worth it. Alam kong makakaya ko din ang mga bagay na itinutulong ko sa iba.

As usual, I woke up with a bouquet of flowers. It was pink tulips.

DAILY REMINDER FROM YOUR NOT-SO-SECRET ADMIRER:

Sana kayanin mong palayain ang sarili mo sa mga bagay na nagpapahirap sa'yo. I hope you find peace in your journey as you go through the path of forgiveness and reconciliation. It's a rough path ahead, Buwan but I will try and serve as a bright sun, not to guide you, but rather to make you realize that everyday is a chance to find forgiveness in your heart.

Your Back Up Fighter,

Kaius Zander Conception

How come these words can have a really great impact on me? Hindi ko kahit isang beses manlang magawang kwestyonin ang mga bagay na nakasulat dito. As if it was written directly for me.

Nang bumaba ako ay nagsisimula na silang kumain. Verity is sitting on my chair kaya lumihis ako ng pwesto. I sat beside Leigh and give them a smile. Nakakagulat na hindi ko nagawang big deal iyon.

Kadalasan ay nagkukumahog na ang aking damdamin kapag nangyayari iyon, ngunit ngayon ay walang nangyaring ganoon. Wala akong naramdamang kahit ano.

"Good morning, Beybe Chane."

I scrunch my nose and smile at Leigh. "Good morning. Kamusta ang tulog mo, Verity?" I asked then poured my attention to Verity.

She tucks a few strands of her hair behind her ear before looking at me. "Fine. Uuwi na din pala ako pagkatapos kong kumain ah, madami pa akong aasikasuhin sa bahay."

Sabay-sabay kaming tumango. Sino ba naman kami para pigilan siya sa mga planned agendas niya for today? Mas makakabuti nga iyon dahil may mapagkakaabalahan siya.

Pagkatapos naming kumain ay ipinahatid na namin si Verity. Nathan and Leigh went to the market para mamalengke ng mga kulang na rekados para sa gaganapin mamaya.

Nathan's parents will come kasama ang mga magulang ni Kaius. I was shocked also nang marinig kong kasama ang mga magulang ni Kaius. After all that had happened sa kanilang magkapatid ay may magulang pa pala sila?

"Do you want to come muna sa bahay namin, then let's go home na lang kapag nakauwi na sina Nathan? Zhara misses you."

Pinanliitan ko siya ng mata. "You should really stop using your sister for your own benefit, Kaius."

He pouted. Pabebe pa ang loko. "I'm not!" sagot nito. "She just really wanted to see you, kung hindi mo pa kaya ay ayos lang din, Bu-"

I immediately cut him off. "No. Tara na."

I saw the end of his lips arose. He's really expert in gaslighting me, nama-master niya na.

Mabilis lamang kaming nakarating sa bahay nila. If their other house was huge, this one is massive. I can't imagine how are they taken advantage of ng pamilya ko kung ganito naman kahalata na may kaya sila.

Dahan-dahan ang aking paglalakad. Yumuyuko ang mga Bermuda grass sa bawat yapak ng paa ko sa mga ito. Their garden is green and full of different flowers. I wonder if dito niya pinipitas ang mga bulaklak na ibinibigay niya sa akin?

There was a staircase before we could even reach their main door. Nang nakatapat na kami sa may pinto ay dahan-dahan itong bumukas. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan. Pakiramdam ko ay naka-aircon na sa loob ng bahay nila kahit hindi naman.

The Inevitable Call of Love |  ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon