Pagod na pagod ako nang makauwi ako. Pinilit naming tapusin ang project para hindi na ito makadagdag pa sa isipin sa mga susunod na araw.
Worth it naman dahil maayos din ang kinalabasan nito.
Nagising ako sa tawanan sa baba. Pagtingin ko ng cellphone ko ay gabi na. Umuwi ako ng hapon kanina, akala ko ay umaga na paggising ko.
Dumeretso ako sa kusina. Andoon si Maia.
Babalik na sana ako pero nakita na ako ni Maia kaya naman hindi na ako nakabalik.
Ate Maia didn't hesitate to smile at me. Hindi ba ay dapat akward kaming dalawa?
I smiled back at her. I guess ay hindi ko kailangan na gawing big deal ang mga nangyari dahil sa kaniya ay hindi iyon big deal.
Magkasunod kaming lumabas mula sa kusina. Kaming dalawa lamang ang nasa sala habang sina Mama ay patuloy ang tawanan sa labas.
Umupo ako at ganoon din ang ginawa niya. Hindi ko alam bakit nanlalamig ako.
Maia is pretty. She dresses so well at talagang walang tapon sa taste niya lalo na pagdating sa fashion.
"You like him, do you?" mahina ngunit may diin sa boses niya nang sabihin niya iyon.
Ako ba ang kausap niya? At sino ang tinutukoy niya? Si Kaius?
Nasingit na naman ang lalaking iyon sa usapan. Hindi nga kami nagpapansinan pero binabagabag at hindi ako pinapatahimik ng pangalan niya.
"Hindi, Ate Maia." mahinahon kong sagot.
Nasa sa kaniya na iyon kung paniniwalaan niya ba o hindi. Dahil para sa akin ay hindi ko naman gusto ang lalaking iyon at wala akong nararamdaman para sa kaniya.
"Admit it, Chane. Wala naman akong gagawin sa iyo even if you admit it." sagot nito.
Kunot noo ko siyang hinarap. Saan nanggagaling ang mga sinasabi niya?
Wala naman talaga siyang dapat gawin dahil matagal na siyang nasa nakaraan. Bakit ngayon sa himig ng boses niya ay para bang ako pa ang may ginawang mali sa kaniya?
Kahit na kaming dalawa lamang dito sa sala ay parang nakaka-suffocate pa din. Sobrang bigat at awkward sa pakiramdam.
"Ate Maia, hindi ko siya gusto at wala lalong wala sa plano ko ang gustuhin siya. You don't have to squeeze me into spilling out something na hindi naman ikaw nakakaramdam." seryoso kong sagot.
She sounds so threatened.
I respect her a lot lalo na at best friend siya ni Ate Winter. Para na din silang pamilya sa amin kaya hangga't maaari ay inaayos ko ang sagot at paraan ng pagsagot sa kanila.
Lumaban siya ng tingin sa akin at sa huli ay tumayo ito at lumabas. Walang kahit anong response.
Her eyes are saying something na hindi ko mabasa. But one thing is for sure, malungkot ito.
Mabilis na lamang lumipas ang gabing iyon na hindi na kami ulit nakapag-usap ni Ate Maia. Wala na din ako sa mood para gumawa pa ng isang hakbang para mag-initiate ng conversation.
I'm so drained to do that.
"Bilisan mo. Lagotn a tayo, nagsisimula na ang klase." hindi na ako mapakali dahil walang pagmamadali sa kilos ni Leigh.
Bumili kami sa labas ng campus at unexpectedly ay na-adjust ang oras ng pasok namin.
"Sandali! Ito na." saktong labas niya sa bilihan.
Hindi na ako sumagot pa, hinila ko na lamang siya at sabay na kaming tumakbo pabalik.
Hindi ako mapakali dahil din kinakabahan ako. Maaari naman na huwag na lamang kaming pumasok sa first period ngunit mahalaga ang klase naming iyon dahil ipapasa din namin ang ginawa naming project.
BINABASA MO ANG
The Inevitable Call of Love | ✓
RomanceMaraming stages sa buhay natin kung saan nagiging in denial tayo sa mga emotions at nararamdaman natin. Sometimes, we do it for the better or para lamang maiwasan ang mga kinatatakutan natin. Pero paano kung kahit anong iwas mo ay pilit ka nitong h...