Chapter 18

293 28 0
                                    

"Ikaw ah, hindi ka na nagkukwento sa amin porket Canadian ka na." emosyonal na sabi ni Leigh.

Tumawag sila sa aking tatlo. Magkakasama sila at kesyo nami-miss daw ako. Hindi nila kasama si Dash dahil maraming ginagawa sa trabaho at hindi kayang ipagpaliban. Ang sabi ay siya na lamang daw ang tatawag sa akin kapag maluwag na ang schedule niya.

Bago pa man ako makasagot sa kanila, someone stole my attention. It was Harrison.

"Let's eat lunch." he said at itinaas ang dala niyang pagkain. I immediately signaled wait dahil kausap ko pa ang mga kaibigan ko and he agreed.

"Sino iyon?" nakataas kilay na tanong ni Verity.

As expected, talagang hindi nila ako titigilan kapag itinago ko pa sa kanila kaya naman napagpasyahan kong sabihin na lamang kung anong namamagitan sa amin ni Harrison.

"Wala pa. Manliligaw ko lamang iyon." sagot ko na nakangiti.

It takes time for him bago ako tanungin kung maaari bang manligaw. He is a Filipino na dito na naka-base sa Canada kaya hindi ako nahirapan makipag-communicate sa kaniya.

After we graduated, I fixed my paper to work here in Canada. Gusto ko sanang isama si Leigh ngunit hindi siya pumayag dahil sa Pilipinas niya raw gustong magtrabaho kaya naman hinayaan ko na. We have different preferences naman.

"Courting? Kailan pa at bakit wala man lang heads up sa amin, aber?" mabilis na tanong din ni Leigh.

"Chill, okay?" pinakalma ko sila dahil pakiramdam ko ay anytime soon papasok na sila sa screen makapunta lang dito. "Last month lang naman saka wala pa namang nangyayari dahil wala pa naman akong balak na i-upgrade kung anong mayroon kami."

Ang dami nilang reaction ngunit ngiti lang ang naisagot ko. Hindi naman sila tutol. Actually, they are happy for me.

Sumingit naman si Nathan sa dalawa na halos dumikit na sa screen. "Tawagan mo kami kapag sinaktan ka ha, bibirahin talaga namin 'yan."

Siniko naman ito ni Everleigh at sinaway. "Huwag ka ngang maingay diyan, baka magulo si Chane."

"Kaya ko na itong birahin kapag sinaktan ako." I winked at them.

Ngumiwi si Verity habang si Leigh naman at Nathan ay tuwang-tuwa sa sinabi ko. I missed having this kind of conversation with them. After a few more minutes ay pinatay ko na ang tawag dahil kailangan na naming kumain.

"See u na lang kapag umuwi ako. I miss you all, pasabi din kay Dash ha!" I waved and ended the call. m

Pinatay ko na ang laptop at inayos na ang gamit ko. I retouched a bit bago ko tuluyang inaya si Harrison para kumain. "Tara?"

He nodded at sabay kaming lumabas.

"Are you tired already? I can finish some of your paper works so you ca-" I stopped him.

I'm so done having this conversation with him. Palagi na lamang siyang nagi-insist na siya na ang tatapos ng mga paper works ko dahil ayaw niya daw akong mapagod but hindi ko naman iyon hinahayaan.

"No, Harri. I can manage and finish my paper works, okay? Wala kang dapat ipag-alala." I said in a calm voice.

Dahan-dahan naman siyang tumango at ngumiti sa akin. Hindi mahirap mahalin si Harri. He's soft, gentleman, soft spoken at marami pang bagay na kamahal-mahal. But I can't find anything na mas ipagpapatindi ng pagmamahal ko sa kaniya.

Saktuhan lang ang tangkad niya at napakaputi. He's half Canadian kaya mababatid sa mukhang may lahi ito. I like him but I don't love him. Hindi pa ganoon ka-intense ang pagkakagusto ko sa kaniya para sagutin ko siya.

The Inevitable Call of Love |  ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon