Prologue

757 30 0
                                    

Bakit ba ang hirap-hirap magpatawad? Hindi ba dapat inuuna natin iyon kasi sobrang nakakapagpagaan ng loob? Bakit ang hirap pa din gawin? 

Bakit ang daming sumusugal sa pag-ibig na iyan? Is it worth it? Bakit ganoon na lamang sila kabaliw makahanap ng kanilang one great love? Is it really exciting?

Paano ka naman kapag nag-fade na yung love niya? Edi nganga ka na? How can you be so sure that his love won't fade? How can you be so sure that everyday he will wake up na ikaw pa din ang mahal niya? See? Nothing in this world is permanent. Kahit ang pagmamahal niyo sa isa't-isa.


"What the?! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo ha?!"

"Ikaw ang hindi tumitingin, basa ka nang basa alam mo namang naglalakad ka."

"So kasalanan ko pa talaga? ikaw nga itong bulag. Nakita mo na nga na ngang dumadaan ako at nakatungo hindi pa ikaw 'tong nag-adjust. Yan! Kita mo ba yung mga libro ko!" sigaw ko. 

Naiiyak ako nang makita ko ang kalagayan ng aking mga libro. Kinakain na sila ng makakapal na putik. 

"Miss. Kung sana ay nakatingin ka sa dinadaanan mo, hindi 'yan mangyayari sa libro mo. Sa akin mo pa isisisi." sagot niya. 

Aba at lumalaban pa talaga. Kita na nga niya na mangiyak-ngiyak na ako ay wala pa din siyang pakialam. Ganoon pa din siyang sumagot, walang modo. 

"Bayadan mo yang libro ko!" sigaw ko sa kaniya. 

"Okay, I'll send the pambayad mamaya sa'yo. Ngayon, tumabi ka na sa dadaanan ko." sagot niya at tumitig sa mga mata ko. 

I hate boys. Mga basura. 

The Inevitable Call of Love |  ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon