CHAPTER 4

4.6K 71 1
                                    

BEA

"So, bye for now?" Tanong ko sa kanila. Kasama ko si Maddie, Ate Ells, Jia at family ko.

"Don't forget to call us kapag nandon ka na Isabel anak ha?" Sabi ni mommy na naiiyak iyak pa.

"Yes Mom, I love you, Dad, Kuya" sabi ko at niyakap sila.


"Mads, Ate Ella, Ju" lumapit ako sa kanila at niyakap sila. "Wag kayo mag alala, pag balik ko kayong tatlo pinaka madaming pasalubong! Hahahaha" sabi ko kaya pare parehas nag liwanag mukha nila.

Tss. Walang pagbabago, basta talaga pagkain!

"Bey huhuhu" sabi ni Maddie

"Naiiyak ako anoba! Oo na tatawagan pa din kita! Wag ka mag alala mamimiss din kita incase na sabihan mo akong I miss you"

Hinampas naman nya ako at tumawa. "Ang kapal ng mukha! Sige na lumayas ka na. Mag iingat ka don ha?"

"Yes Mam! Love you po!"

"Hi San Francisco! It's been a while!"

Binuksan ko ang bintana at napaka ganda nga naman talaga dito. Walang pinagbago.

Totoo ngang makakalimot ka dito.

Kakatapos ko lang tawagan sila Mommy & yung friends ko kaya naman pwedeng pwede na ako mag pahinga.

(Flashback)

"Kung may alam ka, hindi mo ako pinagpaliwanag iniwan mo 'ko ng ganon ganon lang. Walang pali-paliwanag, iniwan mo ko"


"Bakit? Kung tatanungin ba kita kung bakit mo ko niloko, magsasalita ka ba?"


Naghintay akong magsalita sya pero walang lumabas sa bibig nya.

"Kita mo na? Maski ikaw, alam mo sa sarili mo na kapag tinanong kita hinding hindi mo din sasabihin kung bakit mo nagawa yon"


Tinignan ko sya saglit bago ako magsalita ulit. "Tell me now Jho, saan ba ako nag kulang sayo?"

Umiling naman sya na sunod sunod. "H-hindi Bea, w-wala, wala kang pagkukulang, sobra sobra ka pa nga.. I'm sorry"


"Then, bakit mo ko niloko? Paano nyo nagawa sakin yun?" Umiiyak na tanong ko sa kanya.

Pakshet naman! Sabi ko hindi ako iiyak eh!

"H-hindi ko alam.."

Aaminin ko, nasaktan ako ngayon sa sagot nya. Puctha! Niloko nya ako tapos hindi nya alam yung dahilan? Ang gago naman nun!

"Mauuna na ako. Kung babalik ka sa loob, mag iingat ka. Don't worry this will be the last time. Pakisabi na lang sa kanila emergency. Salamat"

(End of flashback)

"Don't worry Mahal, hindi na kita guguluhin" sabi ko sa hangin at bumalik na sa kwarto para magpahinga.

One week na akong nandito sa San Francisco and I'm living my life to the fullest! Wala akong panahon mag isip ng mga negative thoughts. Kaya nga ako nandito eh.





Calling Maddie the old lady....





Napatingin ako sa cellphone ko at napangiti ng makita kung sino yung tumatawag.





"Yes hello? This is Bea de Leon, how can I help you Mam?"






"Gaga! Sunduin mo ako now na! Nandito ako sa airport!"





"What?!"





"Dalian mo na jusmiyo Beatriz!" Sabi nya at pinatayan ako ng tawag.





Bastos ampota.






Nagpalit lang ako ng damit at sumakay na sa sasakyan na kakabili ko lang last week din, at sinundo na ang matandang nirarayuma.

"Anak ka ng potchi! Anong gagawin mo ba dito? Napaka dami mong bitbitin!" Singhal ko sa kanya ng makarating kami dito sa bahay namin.

"Aba hoy de Leon, ganyan ka na ba tumanggap ngayon ng bisita?! At tsaka for your information, nag paalam na po ako sa magulang mo na dito ako."



"Planadong planado talaga mga matatanda ano? Hahahahahahaha!" Tawang tawa kong sabi sa kanya. "Pwes, ayusin mo mag isa yan!" Biglang seryosong sabi ko sa kanya.


"Hoy anong matanda ka dyan?! Excuse you?! Tsaka bakit ba hindi mo na lang ako tulungan kesa dada ka ng dada dyan! You have no choice okay?! Kasama mo ako dito hehehehe"

"Ayan! Nakapag plano ka nga mag isa diba? Edi sa simpleng pag aayos kaya mo na yan!" Sabi ko at nilayasan naman sya. Bahala sya dyan hahaha.

Hindi naman sa ayaw kong nandito sya, nabigla lang ako at gusto ko syang pag tripang. Lumabas na ako at nagpunta sa Market para bumili ng iluluto at ng makakain yon. Remember bawal gutumin ang matanda.

Nang makabalik na ako ay nakita kong pa chill chill na lang sya. Malamang tapos na 'to mag ayos.

"Oh ayan magluto ka, pinamili na kita. Baka isipin mo tinataboy kita" sabi ko at binigay sa kanya ang pinamili ko.

Sinamaan naman nya ako ng tingin. Aba nga naman at kokontra pa! "Ang laki laki ng bahay walang kasambahay! Nagtitipid ka teh?"


"Magluluto ka o hindi ka kakain?"


"Eto na! Bwisit bwisit bwiseeeeet!!!!"

"Ayan ang kwarto mo matandang babae! Inayos ko na yan para sayo. Welcome!" Sabi ko at umalis na. "Bakit nandito ka?" Tanong ko dahil nandito sya sa kwarto ko.




"Ang sungit mo nakakainis ka" sabi nya.




"Hahahahah! Panget mo! Pinag ttripan lang kita eh" sabi ko at inakbayan naman sya.



Nandito kami ngayon ni Maddie sa veranda. Nagpapahangin lang.

"So, kamusta ka naman?"




"Okay naman?? I guess"




"Psh! Bat kasi di na lang balikan, pinapahirapan pa sarili"




Tinignan ko naman sya ng masama.





"What the hell are you saying? Nasaktan na ako, babalikan ko pa? Hindi na ako tanga Mads. For pete's sake. Nasasaktan din ako. Hindi ganun kadali yon."



Unexpected LoveWhere stories live. Discover now