"Oh eh ano na nga kayo ngayon?" Tanong ni Maddie sa kabilang linya matapos kong sabihin na baka dito ako mag stay."Friends?"
"Ulul! Ligawan mo na ulit, botong boto naman ako sa inyo, wag ka mag alala babe hindi ako masasaktan," sabi nya kaya natawa ako sa kanya.
"Look, may boyfriend sya at it's not the right time babe wag ka magselos mahal naman kita eh," sabi ko at sakto namang nakarinig ako ng pagbagsak ng pinto.
"Oh-owh, mukhang yari ka. Bye bye! Get well soon! Ako na magsasabi kila Tita kung kanino ka naki tanan!"
Napailing na lang ako matapos namin mag usap ni Maddie at sakto namang dating ni Jho. "Oh," simpleng sabi nya at inabot sakin ang tubig at may kasamang meds.
"Ahh, t-thank you, sorry naabala ka pa," sabi ko at sakto namang napatingin ako sa daliri nyang may singsing pa rin.
"Wala akong boyfriend," simpleng sabi nya bago lumabas ng kwarto.
What?! Kung wala syang boyfriend eh bakit sya may ring? Ay sabagay, hindi na nya siguro boyfriend kasi fiancée na nya.
"Paasa," sabi ko at ininom na lang ang gamot na binigay nya.
"Hindi ako paasa, kagaya mo" nagulat ako at muntikan pang mapatayo nang bigla syang nagsalita! Akala ko lumabas na 'to?!
"What?"
"Wag mo akong ma what-what dyan! Oh!" Binatuhan nya ako ng damit at inutusang magpalit. "Tapos ka na ba?" Sigaw nya mula sa kwarto dahil nasa cr ako.
"Atat mo naman," sabi ko nang makalabas ako. Napansin ko namang meron na doon towel at tubig sa may parang bowl na malaki. "Ano yan?"
"Alak." Sagot nya at umirap pa. "Pupunasan kita wag kang malikot." Pagkasabi nya non mabilis lang din nya akong nilinisan at nilagay sa noo ko yung towel na may warm water.
Iniwan nya na ako mag isa don at hinayaan ko na lang din ang sarili kong makatulog dahil pakiramdam ko ito yung kulang sa akin.
"Dinner na, kaya mo ba umupo? Susubuan na lang kita," sabi nya nang makita nyang gising na ako. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko pero masakit pa rin ang ulo ko at nahihilo.
Hindi na ako kumontra sa kanya at hinayaan na lang syang kumilos para sakin.
"Jho I'm really really sorry talaga sa abala ko sayo ngayon." Sabi ko nang matapos kong inumin yung meds na bigay nya at nang makahiga sya sa tabi ko.
"Okay lang, wala 'yun"
"Ah Jho, tanong ko lang, bakit ka may ring? Are you.... are you e-engage now with someone?"
"Bigay sakin 'to nung batang nakasama ko sa isang wedding event. She promise to me na kapag nagkita ulit kami, tototohanin na daw nyang bigyan ako nito eh,"
YOU ARE READING
Unexpected Love
FanfictionWhat if we are really meant for each other but we're always in the wrong time and place. Would you still wait for me? Will you still fight for us until our dreams come true?