CHAPTER 60

2K 45 0
                                    






"O-oh, Mar-Margaux," bati ko nang tawagin nya 'ko. Hindi ko alam na nandito sya.









"Nice to see you here, kayo rin Jho, Maddie" bati nya sa dalawa at nginitian lang sya nito.









"Ginagawa mo dito? Vacation ka rin?" Tanong sa kanya ni Jhoana.








Umiling naman sa kanya si Margaux. "Hindi, kasama ko Mother ko dito, may inaalok kasi kami kay Bea,"









"Oh so kayo yung client nya?" Tanong nya at nakita kong sinulyapan nya ko. Tahimik lang kami ni Maddie.








"Yes,"









"At dito pa talaga ang meeting place?" Tanong ni Jho na tumaas pa ang isang kilay.










"Yeah, and oh Bei, tinanggap mo na ba yung offer ni Mommy sayo?"








"Hindi, at wala akong balak tanggapin 'yon." Hinawakan ko ang kamay ni Jho. "Sorry but we have to go,"









Naghanap na lang kami ng ibang makakainan at umuwi na rin pagkatapos.









"Bakit hindi ko na naman 'to alam?" Tanong nya nang makauwi kami. Lumayo naman muna si Maddie sa amin.










"Sasabihin ko naman sayo,"









"Kailan na naman yan Beatriz! Ilang beses na 'to. Parati ka na lang ba maglilihim?" Tanong nya habang naka tingin sakin. Napayuko na lang ako.








"Hindi ganun yun love, sasabihin ko na sana sayo kaso naunahan mo ako,"









Napapikit naman sya kasabay ng pag upo nya, "Bea bakit ba ganito na lang tayo parati? Magtataguan na lang ba tayo?"









"H-hindi love," sabi ko at hinawakan sya.









"Anong offer 'yon?"









"She wants me to marry her,"









"Ayokong marinig kung pumayag ka,"










"Hindi love, hinding hindi ako papayag. Alam mong ikaw lang gusto kong makasama habang buhay diba?" Hinawakan ko ang pisngi nya at pinatingin sakin. "Kahit isipin na lokohin ka hindi ko magawa, mahal na mahal kita,"

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now