"What?" Takang tanong ko sa kanilang dalawa."Jho, umalis na si Bea kahapon pa, pag hatid pa lang sayo" Sabi ni Maddie at nilapitan ako.
"Saan nag punta? Uuwi naman 'yun sure ako"
"Walang kasiguraduhan Jho kung babalik pa ba dito si Bea," sabi ni Ate Ella kaya napahinto ako.
Hindi pwede.
Agad akong lumabas at sumakay sa kotse ko, narinig kong tinatawag nila ako pero hindi ko na sila pinansin.
"Bea!" Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay ng mga de Leon. "Bea wag mo namang gawin sakin 'to,"
Habang naka tingin ako sa bahay nila biglang bumukas ang gate at si Manang ang lumabas.
"Manang, si B-Bea po? Nandyan po sya diba?"
"Ay hija, kahapon pa sila naka alis kasama ang pamilya nila, pero ang sabi ni Ma'am Bea kung gusto nyo daw pong tumuloy dito, pumasok lang daw po kayo."
Napayuko na lang ako sa sinabi nya at nagpasalamat, iniwan na lang nya ako sa labas dahil marami pang gawain.
Habang nakayuko ako bigla namang umulan ng malakas. "Grabe, bakit nyo 'to ginagawa sakin?"
Umalis na ako at bumalik na lang sa bahay ko. "Oh Jho! Jusko basang basa ka," si Jia ang sumalubong sa akin na wala dito kanina.
"Ju, iniwan na naman nya 'ko. Bakit ba sya ganyan? Gustong gusto nya yung nasasaktan ako eh noh?"
Pinaupo na muna nila ako at binigyan ng towel. "Maddie bakit ba ganyan 'yang kaibigan mo? Tuwang tuwa ba sya kapag nalalamang nasasaktan ako dahil sa kanya? Kasi tangina ako hindi eh! Hindi ako natutuwa sa tuwing ginaganito nya 'ko!"
"Jho, hindi natin alam ang dahilan bakit umalis na lang bigla si Bea,"
"Imposibleng hindi nyo alam, alam ko namang naka planong ikasal sya sa iba, pero sana nakipag hiwalay sya ng maayos hindi yung ganito,"
"J-jho hindi yun, hindi ganon si Bea" sabi naman ni Ate Ella.
"Eh ano?! Kay Tito? Eh gago pala 'yang kaibigan nyo eh! Anong akala nya.." napahinto ako dahil hindi ko na kinakaya ang sakit. "A-Anong akala nya papipiliin ko sya kung ako ba o si Tito? Hindi....hindi naman ako ganon,"
"Jho, alam namin" lumapit sila sakin at niyakap ako, mas lalo lang ako nasasaktan sa ginagawa nila.
"Akyat na muna ako Mads, Ju, Ate Ells," sabi ko sa kanila at tumango naman sila.
"Ang daya daya mo,"
YOU ARE READING
Unexpected Love
Fiksi PenggemarWhat if we are really meant for each other but we're always in the wrong time and place. Would you still wait for me? Will you still fight for us until our dreams come true?