CHAPTER 74

2K 42 5
                                    







"Hindi Jia, hindi ako pwedeng magkamali! Si Bea yung nakita ko!" Sabi ko habang naiyak, nandito ako ngayon sa condo ni Maddie, sila ni Jia ang kasama ko.









"Jho, wala si Bea dito, lasing ka lang kaya kala mo sya yung nakita mo," sabi ni Maddie kaya napayuko na lang ako.









'Tama, lasing lang siguro ako'









"Si Nico ba umuwi na?" Tanong ko habang nakayuko, um-oo naman si Jia. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext sya na nagpapasalamat ako.










"Bakit pala si Nico kasama mo?" Tanong ni Jia. "Pansin lang namin ha, sya na palagi mong kasama"









"Nag sorry naman na yung tao, matagal na rin yun, wala ng problema sakin." Tumango tango lang sila sakin.









"Oh inumin mo 'to lasengga ka," Binigyan ako ni Maddie ng kape at may kasamang gamot, pang hang over siguro.









Ininom ko naman agad ito dahil panigurado kapag natulog na ako at kinabukasan ay sasakit lang ang ulo ko.









"Jho, ilang linggo na nakalipas hindi ka pa rin ba papasok?" Out of nowhere na tanong ni Jia.









"Titignan ko bukas Ju," sagot ko dahil alam ko sa sarili kong hindi rin ako sigurado.









"Ano bang plano mo bes?" Tanong naman ni Maddie kaya napatingin ako sa kanya. "Lahat tayo dito hindi sigurado kung ano ba talagang pinunta ni Bea at ng pamilya nila doon,"










"Pwedeng dahil sa kasal at opera ni Tito, pero pwede ring dahil lang sa opera ni Tito?" Sabi naman ni Jia.









"Hindi ko alam," sagot ko sa kanila. "Gusto ko lang mag patuloy,"









Tinignan naman nila akong dalawa at napayuko naman ako. "Kahit wala sya, gusto kong magpatuloy. Kung babalik man sya, masaya ako para sa kanya pero wag syang aasa na meron pa syang ako,"










"Jho," hinawakan ako ni Maddie, "yung envelope ba na binigay ko sayo nabasa mo na?" Nagtataka naman akong napatingin sa kanya.










'Nabuksan mo na ba? Mas okay yun kapag bukas mo na buksan, surprise yun!'








Bigla kong naalala yung sinabi nya sakin noong huli kaming magkasama sa Antipolo, "Hindi pa, pag uwi ko na lang siguro,"









"Importante raw 'yun, basahin mo ha? Siguro nandoon lahat."










"Nothing important naman na siguro 'yun, iniwan naman nya na ako,"









"Jho wag ka mag salita ng tapos." Sabi ni Jia. "Alam naman nating lahat na mahal mo pa rin sya kahit ilang beses ka nyang iwan,"









"Mahal ko sya pero kailangan ko nang tapusin ang lahat na meron sa aming dalawa."

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now