CHAPTER 57

2.1K 43 1
                                    







"Mads! Alagaan mo yan ha? Pag yan tumingin sa iba, dukutin mo kagad mata!" Pag babanta ni Jhoana habang naka tingin sakin.











"Katakot ka naman Jho!" Sabi ni Maddie. "Oo na oo na! Eh kung sumasama ka na lang diba?"









"Hindi nga pu-pwede! Oh sige sasama ako ikaw mag asikaso ng interior para sa bahay nyang kaibigan mo?" Nagtatalo pa silang dalawa dito sa airport pa mismo.








"Maddie ako size 9 ako ha," biglang sabi ni Jia. Yes. Jho, Jia, Maddie and Me. Magkakasama kami sa airport sinamahan kami nung dalawang J.










"Ay nandyan ka pala," biro sa kanya ni Maddie at tumawa ng malakas. "Sige yung nike store mismo iuuwi ko sa bahay nyo"










"Tinatawag na flight natin wala ba tayong balak umalis?" Tanong ko habang naka simangot.









Lumapit naman sakin si Jho at lumayo muna yung dalawa. "Paano ako makakatulog nyan kung aalis kang naka simangot? Isang araw lang naman kayo dun, babawi ako agad pag balik mo," sabi nya at niyakap ako.










"Tsh, napaka arte kasi nyang kliyente na 'yan! Nakaka inis!" Sabi ko at umirap.









"Sige na, Call ka agad pag dating nyo ha? Uwi agad kayo the day after tomorrow. I love you,"








"Yess, I love you too!"











"Hay salamat," sabi ni Maddie at pabalang na umupo sa couch dito sa hotel na tinuluyan namin.








"Tawagan ko lang Jho," sabi ko at tumango lang sya kaya lumayo muna ako.








"Hello?" Tanong nya na parang bagong gising lang.









"Ay sorry love! Nagising ba kita? Nakalimutan kong gabi na pala dyan," sabi ko at napakamot pa sa batok.









"Hindi baliw! Okay lang, hinihintay ko talaga tawag mo tapos nakatulog na ako, kakarating nyo lang?"








"Oo love eh, sige na pahinga ka na bukas na lang ha? I love you,"








"Ingat ka dyan, yang mata mo Beatriz! Sige na, labyutu"








Sya na ang nag end ng call dahil alam nyang hindi ko naman ito ibababa.








"Sana all mag lovelife noh?" Tanong ni Maddie bigla pagka pasok ko.








"Ba't mo 'ko dinadamay dyan sa sana all mo eh may jowa ako," pang aasar ko pa lalo sa kanya.









Inirapan naman nya 'ko. "Tulog tulog din, para maasikaso mo na mamaya yung kailangan ng client mong hilaw,"








"Sige sige gisingin mo na lang ako ha?" Inayos ko muna ang gamit namin. "Mag s-shopping ka naman diba? Pag uwi mo na lang ako gisingin,"








Natulog na ako dahil alam ko namang aalis na sya para hindi na sayang ang oras.









"Omg Beatriz! Nasusunog yung hotel!" Sigaw ni Maddie kaya agad agad akong napa bangon.








"Shit! Where?" Sabi ko at tumingin sa paligid pero wala naman. "Alam mo na kung bakit ayaw kitang kasama? Langya ka talaga eh noh?"








"Hahahaha! Kita mo 'yun Jho? Kita mo? Ang epic ng pagmumukha nya diba?" Sabi nya sa kausap nya na hindi ko naman napansin. "Hirap hirap gisingin,"









"Hahaha lagot ka na naman kay Beatriz, pinag tripan mo na naman, hahaha Hi Love!"








Kukunin ko na sana ang cellphone nya pero nilayo nya 'to agad sakin. "Oh, oh wag cellphone ko, diba may cellphone ka? Dun kayo mag landian! Tsaka pwede ba mamaya mo na kausapin si Jhoana, lumayas ka na,"









Inirapan ko na lang sya at pinabayaan kong kausapin nya yung girlfriend ko. Naligo na ako para asikasuhin yung dapat kong kunin dito.









"Alis na ko!" Sigaw ko at lumabas na. Tinignan ko naman yung address na nasa email ko dahil yun yung binigay nila.









"So you're the Isabel Beatriz de Leon? I'm Maris, Bianca's mom. Ngayon lang tayo nag meet, wala talaga akong gamit na ipapakuha sayo, I just want to talk to you,"









"I want you for my daughter, court her or else"







"Or else what?" Tanong ko habang naka tingin sa kanya.









"You'll lose your company,"









"Then go, I will not tolerate that attitude." Sininghalan ko sya at tumayo. "Do what you want, but I won't do whatever you want me to do. Excuse me."









"Bea! I promise you, you'll pay for this!"









"How much?" Sabi ko habang nakangisi sa kanya. "And please tell to your oh so loving daughter that I will never love her."

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now