Months passed by at madalang na lang kami magkita ni Jho sa condo. Maraming nag bago saming dalawa. Uuwi sya tulog na ako, minsan naman uuwi na ako pero tulog na sya.Akala ko nung una okay lang, maiintindihan namin ang isa't isa not until that day came.
"Remember the contract you signed last year?" Kinakausap ako ngayon ng isang coach na mula pa sa Thailand.
"Yes sir," sagot ko naman sa kanya.
"I think it's time for you to play in our team,"
Hindi ko pa nasasabi kay Jho ang bagay na 'yan dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin. We both hate long distance relationships.
Nandito ako ngayon sa condo namin dahil hindi ako pumasok para makapag isip.
"Bea?" Nagulat ako dahil biglang pumasok si Jhoana dito. "Bakit hindi ka pumasok?" Tanong nya.
"Wala love, may inayos lang ako dito. Ikaw? Ang aga mo naman?"
Umupo naman muna sya at nilapag ang gamit nya. Napangiti ako dahil ngayon lang kami nag pang-abot. "Maaga na ako nag out, construction na nung site na pinupuntahan ko, titignan ko na lang yun kapag tapos na,"
"Pupunta kang Thailand?" Biglang tanong nya kaya naman agad akong napatingin sa kanya. "Bakit hindi ko alam?"
"L-love, let me explain," sabi ko sa kanya at pinaharap sya sakin. "I signed the contract last year pa, hindi naman ako umaasa na matutuloy pa 'yun dahil ang alam ko hindi pa sure yun nung pumirma ako. You know how much I love volleyball right?" Tumango naman sya. "Nung nakaraan lang they went to my office to cleared some things, and yun nga sinasabi nila na next month kailangan ko na pumuntang Thailand."
"Bakit ngayon mo lang 'to sinabi? And worst sa ibang tao ko pa nalaman, Bea" seryosong sabi nya.
"Sasabihin ko naman sayo eh—"
"Kailan pa?! Kapag naka-alis ka na?!" Tanong nya sakin. "Ano ba sa tingin mo 'ko?! Na hindi kita maiintindihan?! Na hindi ako papayag dyan?! Masyado ka namang makasarili Bea,"
"H-hindi Love, hindi ganun yun, humahanap lang ako ng tyempo para masabi sayo,"
"Putcha naman Beatriz! Napaka dami mong sinayang na panahon para sabihin! Ano 'to malalaman ko na lang kung kailan malapit ka na umalis?! Anong plano mo?! Iwan ako basta basta?"
Napailing na lang ako sa sinabi nya. "Kung akala mo hindi kita kayang suportahan dyan, nagkakamali ka."
Yun lang ang sinabi nya at lumabas na. Hindi naman agad ako nakasunod dahil masyadong napuno ang isip ko kakaisip ng mga bagay bagay.
"Sir, I... I apologize, I don't want to play abroad," Wala na akong sinayang na oras at sinabi ko agad 'yun sa coach na kausap ko ngayon.
"What? Are you serious?" Tanong nya na hindi makapaniwala. "If that's what you want then I understand you. Just call us if you changed your mind"
"Thank you very much,"
Para kay Jho.
YOU ARE READING
Unexpected Love
FanfictionWhat if we are really meant for each other but we're always in the wrong time and place. Would you still wait for me? Will you still fight for us until our dreams come true?