"Ay! Ang engot bes!" Sinamaan ko sya ng tingin matapos akong batukan. Nandito ako kila Maddie ngayon sa condo nya dahil hindi na ako pumasok at nag out na lang ng maaga."Hindi ba't ang unfair naman kung hindi mo sya iintindihin?" Napakunot naman noo ko sa sinabi nya. "Ikaw nga naintindihan nya nung naghalikan kayo ni Margaux eh," sabi nya na medyo natawa pa.
"Correction Miss Madayag, hinalikan nya 'ko, hindi kami naghalikan. Magkaiba yon."
"Oh eh bakit sakin ka nagagalit? Alam mo kailangan nyo lang ng patience sa isa't isa. Hindi healthy sa relasyon yang ganyang selos selos."
"Wow may jowa?" Tanong ko sa kanya at tinawanan sya. "Lakas mag advice ah. Pero hindi naman kasi maiiwasan mag selos, mahal ko yung tao"
"Ewan ko sayo, wala akong masasabi, marupok ka. Ang mahalaga may girlfriend ka at si Jhoana 'yon."
"Tse! Uwi na 'ko ah! Salamat sa batok! Nakasakit ka." Inirapan ko muna sya bago ako umalis.
Mabuti na lang at walang traffic kaya nakauwi ako agad. "Love!" Bungad sakin ni Jho.
Niyakap ko lang sya at hinalikan sa noo at nag dire-diretso na papasok sa loob ng kwarto. Naligo na lang ako ng mabilis para makatulog na kagad. Ayoko muna makipag usap ngayon.
"Galit ka ba?" Tanong nya at hindi ko napansin na katabi ko na pala sya. "Ano bang ginawa ko?"
"Wala, pagod lang ako Jho," sabi ko sa kanya at nahiga na. "Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya at tumango naman sya. "Good. Tulog na Jho."
"You haven't called me love," sabi nya habang nakayuko. "Di mo na 'ko mahal?" Napatayo naman ako bigla sa sinabi nya.
"What? Mahal na mahal kita, I love to call yiur name lang," sabi ko at niyakap sya.
Certified marupok.
"Sorry na, hindi ko alam na biglang mag yayaya si Ged kumain," sabi nya "Di ko naman alam na magdadala ka ng lunch eh,"
"It's okay, hindi naman sating dalawa lang umiikot yung mundo, I understand."
"I love you,"
"I missed this," sabi ko sa kanya at nagtataka naman sya. "This, saying I love you and you love me too. Masyado tayo naging busy sa trabaho natin eh."
"Sus kahit naman busy tayo, magiging Mrs. de Leon mo pa rin ako!" Sabi nya kaya natawa ako. "Tinatawa mo dyan? Totoo naman!"
"Oo nga! Wala natuwa lang ako. Gusto mo na ba?"
"Sira! Mag ipon muna tayo parehas!"
We spent the night talking about our future. Hindi na namin namalayan ang oras at natulog na kami.
"Wakeey! Nag luto na ako ng breakfast!"
"I'm up!"
Bumaba na ako at nakita ko namang may pagkain na sa plate ko. "Wow na miss ko kumain ng maraming kanin!" Sabi ko at nagsimula ng kumain.
"Hatid kita ah" sabi ko sa kanya habang inaayos namin parehas ang gamit namin.
"Sundo mo rin ako," sabi nya nang makasakay.
"Of course!"
—
Wag nyo q awayin :(( hahaha. May twitter kayoo? Usap tayo don!
YOU ARE READING
Unexpected Love
FanficWhat if we are really meant for each other but we're always in the wrong time and place. Would you still wait for me? Will you still fight for us until our dreams come true?