"Shit," Napa hinga ako ng malalim dahil sa panaginip na 'yon. "Tangina. Hinding hindi mangyayari na iiwan ulit kita," sabi ko at tumingin kay Jho na ngayon ay tulog pa rin.Hindi na ako nakatulog kaya bumangon ako at nag ayos ng sarili bago bumaba. "Ano kaya pwedeng lutuin?" Tanong ko sa sarili ko habang hawak pa ang chin ko.
"Hotdog and cornbeef with fried rice will do na siguro,"
Sinimulan ko ng magluto ng breakfast at nang matapos ako ay tulog pa rin si Jho kaya naligo na muna ako.
"Wake up. Breakfast in bed." Sabi ko habang naka ngiti ng magising sya.
"Wow?? You cooked this?"
Napakamot naman ako sa batok ko, "Yes. And uhmmm, sorry nakielam na ko sa kitchen mo" sabi ko habang nakangiti.
"Sus, okay lang! Tara sabayan mo na 'ko. Ay teka magaling ka na ba?"
Lumapit naman ako sa kanya at hinalikan sya sa noo. "Of course apaka galing ng nurse ko ih," sabi ko at medyo tumawa.
"Sira!"
Sinabayan ko na syang kumain at mabilis lang kaming natapos. "Pasok ka today?" Tanong nya nang makitang nag aayos na 'ko.
"Yes pooo" sabi ko sa kanya habang naka ngiti pa rin. "Ikaw?"
"Oo kailangan na,"
"Kailangan ka na nungh Engineer na hilaw?" Tanong ko sa kanya na tumawa pa ng mahina.
Hinampas naman nya 'ko. "Sira ka talaga! Mabait yun at may jowa na 'yun! Ka trabaho pa namin, tumigil tigil ka nga"
"Ah basta mas maganda genes ko sa kanya,"
Inirapan naman nya ako at sumabay na sakin palabas ng bahay nya. "Tara, sunduin kita mamaya, dinner tayo!" Sabi ko sa kanya.
Maayos naman na panahon ngayon at mabilis ko lang din syang hinatid. Dumiretso naman na ako sa company namin dahil may biglaang meeting ako ngayon.
"Stress!" Napaupo na ako sa swivel chair ko matapos ang meeting. "Ginagawa mo dito? Di ka welcome dito," sabi ko at inirapan sya.
"Kapal ng mukha neto, feeling entitled" sagot nya at inirapan ako.
"Excuse you, Miss Madayag?" Tanong ko sa kanya habang naka taas ang isang kilay sa kanya. Binato naman nya ako ng cup na ininoman nya ng milktea. Buti na lang wala ng laman.
"Ay sorry may title ka pala, sorry ha sorry" sabi nya in a sarcastic way. "Kamusta ka naman Miss entitled" Tanong nya at umirap.
"Okay naman medyo stress lang sa meeting kanina, imagine kukuha lang ng stocks for new project para sa client na maarte gusto fresh from New York pa!"
"Oh eh ano namang problema 'don? Edi magpadala ka ng tauhan sabihin mo kay Tito! Laki ng problema nitong taong 'to"
"Eh ang gusto ako pa mismo kukuha, apaka kapal! Kung hindi lang mlaki offer nya anak ng! Tatanggihan ko talaga sya! Pinahihirapan nya 'ko."
"Hay jusko, stress nga 'yan, oh eh kailan ang alis mo?"
"Tatanong ko pa si Jhoana"
"Ay bakit? Eroplano nya gagamitin?" Tanong nya at tumawa.
"Lumayas ka na nga dito! Syempre isasama ko sya!"
"Hoy baka nakakalimutan mo, inaasikaso nya yung bahay mo!"
Oo nga noh.
"Kung hindi mo maitatanong, hindi ako busy hehehe"
"Ayaw kitang kasama, Maddie"
YOU ARE READING
Unexpected Love
FanfictionWhat if we are really meant for each other but we're always in the wrong time and place. Would you still wait for me? Will you still fight for us until our dreams come true?