"Jho!" I shouted as I went through her. I immediately hug her nang makalapit ako sa kanya. "I thought you wouldn't make it. I love you," sabi ko at mabilis syang hinalikan."Wait love! Wag mo naman ipahalata na miss na miss mo na ako" she cheerfully said as she chuckled. "I love you too! Sobrang na miss kita damulag kooo" sabi nya at niyakap ako ulit.
Hay. I missed this.
"Will you stay here until game 2? Or 3?"
"I can't answer that pa love, ang dami kong ginagawa para sa mga client na nag e-expect ng magandang designs,"
"Hay, it's okay. I love you! Pa hug nga na miss talaga kita," sabi ko sa kanya at niyakap ko ulit sya kahit maraming nakakakita samin ngayon dito.
"Hoy tama na 'yan!" Binato naman kami ni Jia ng water bottle na iniinuman nya. "De Leon! Tawag ka na, player of the game ka raw!"
"Wow! I'm so proud of you my MVP, Go na! Punta na ako sa kanila" Tinanguan ko lang sya at saka nag punta sa court para sa saglitang interview.
"Icha prank!" Sabi sakin ni Maddie nang makarating kami sa resto na pina reserve kanina nila Mommy. "Tawang tawa ako sa itsura mo kanina ih!"
Tinignan ko lang sya with no reaction. "Okay ka na?" Tanong ko sa kanya nang tumigil sya.
Nag thumbs up lang sya at nagpipigil pa rin ng tawa. "So as I said earlier, we need to stay here until game 2. Yun na lang sana hindi na umabot sa game 3." Sabi ni Daddy.
"Uh Tito, hindi po ako makakapag stay dito, babalik din po ako sa Pinas ngayon," agad akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi nya.
"What?! Ngayon din?" Napayuko na lang sya at tumango tango. "Jho naman, naiintindihan ko naman na kailangan mo mag trabaho eh pero kahit saglit lang Jho, kahit bukas ka na lang umuwi," pag mamakaawa ko sa kanya kahit nasa harapan kami ng pamilya ko at kaibigan namin.
Naramdaman ko namang hinawakan nya 'ko sa braso ko. "We will talk later," sabi nya at hindi ko na lang pinansin at kumain na kahit nawalan ako ng gana.
"Bakit kailangan mong umuwi ngayon din Jho?" Agad kong tanong sa kanya nang kaming dalawa na lang ang nandito sa kwarto na pinag check-in nila Maddie.
"Bea akala ko ba naiintindihan mo? Kailangan kong umuwi, kailangan ako ng firm namin."
Tumingin naman ako sa kanya kahit pakiramdam ko maiiyak na ako.
"Ako ba hindi kita kailangan dito?"
YOU ARE READING
Unexpected Love
FanfictionWhat if we are really meant for each other but we're always in the wrong time and place. Would you still wait for me? Will you still fight for us until our dreams come true?