BEA
Tulog na si Jho at ako binabagabag pa rin kung anong ibig sabihin ni Jia kanina nang tanungin nya kung masarap ba.
Sana hindi nya nakita.
Humarap ako kay Jho at inayos yung mga buhok nya na nakalat sa mukha nya.
"Trust me, it's not my intention to cheat on you, I didn't like it. I don't want to cheat on you neither lie to you pero natatakot ako." Sabi ko habang nakatingin sa kanya. "Mahal na mahal kita, hindi kita kayang saktan."
Hinalikan ko sya bago ako natulog ng nakatalikod sa kanya. Hindi ko kayang humarap sa taong mahal ko knowing na may ginawa ako.
"Beatriz, gising! Malilintikan tayo parehas nito eh," naririnig kong sabi nya. "Late na tayo parehas"
"Oh shit! I'm sorry, nadamay ka pa"
"Ano ba kasing ginawa mo kagabi at mukang late na late ka na natulog?"
"Kumain ulit ako..." pag sisinungaling ko. "Nagutom ako, sarap ng luto eh." Sabi ko at hinampas nya 'ko.
"Maligo ka na! Nag prepare na 'ko ng pagkain natin, dun ka na lang kumain, ganon din ako. Sobrang late na natin!"
Mabilis lang akong kumilos at mukha namang nakikiayon ang tadhana dahil hindi traffic ngayon.
"Sunduin mo ko ha" sabi nya at hinalikan ako. "Ingat! I love you"
"See you! Love you too!"
When I'm on my way nakita ko na naman si Margaux na mukhang naiinip na kaka antay ng sasakyan nya. Napailing naman ako. Wala na sana akong balak isabay sya ng bigla namang umulan.
"Shit! Fuck it!" Sabi ko at wala na 'kong nagawa kundi balikan sya at huminto sa harap nya. Lumabas naman akong may dalang payong. "Get in" utos ko. "Wala tayong dapat pag usapan. Isasabay lang kita."
Gaya ng sinabi ko wala ngang nagsasalita sa aming dalawa. Akala ko lang pala.
"Bea, i'm really sorry" sabi nya habang naka tingin sakin. "Hindi ko sinasadya,"
"Hayaan mo na. Nangyari na eh" sabi ko at nauna nang bumaba sa kanya papuntang office. Bahala na sya.
Mabilis lang na tumakbo ang oras at mukhang mag o-overtime pa 'ko dahil ang daming dapat ayusin!
"Pakshet naman kasi eh! Ang dami nito" May naisip naman akong paraan at inayos ko na ang gamit ko. "Bahala na, iuuwi ko na lang 'to."
Tinapos ko muna ang iba para pag uwi ko konti na lang ang gagawin ko. Hindi ko na napansin na 10 p.m na pala.
"Sunduin mo 'ko ha?"
Agad akong napatayo at mabilis na inayos ang gamit ko nang maalala kong susunduin ko pala ngayon si Jhoana.
"Asan yun?" Sabi ko nang makarating ako sa firm nila. Sarado na lahat ng ilaw at mukhang kanina pa sila nag out. Bubuksan ko na sana ang cellphone ko nang makitang lowbat ito.
"Tang ina." Napamura na lang ako out of frustration. Imbis na umistambay pa umuwi na lang ako.
"Love," bati ko nang makita ko si Jho na nagaayos ng lamesa. Mukhang ngayon pa lang kakain. "I'm sorry.." sabi ko sa kanya.
Tumango lang sya at lumapit ako para sana halikan sya sa noo pero umiwas sya. "Pawis ako. Sumabay ka na sakin kumain" malamig na sabi nya at nagsandok ng sarili nya "May kamay ka, kaya mo mag lagay at kumain mag isa."
Hindi na ako sumagot. Hindi ako sanay ng ganito. Masyado kaming tahimik hanggang sa matapos kami kumain.
"How's work?" Panimula ko habang parehas namin nililigpit ang pinag kainan namin.
"Okay naman so far. Nakakapagod." Simpleng sabi nya.
Iniwan ko na muna sya don at pumuntang living room para magpahangin.
Nakita ko naman syang umakyat na kaya nagpalipas muna ako ng oras bago sumunod. Nang makapasok ako ay nakita kong tapos na sya maligo. Hindi ako pinapansin. Naglinis muna ako ng katawan.
"Love, may problema ba?" Tanong ko sa kanya nang lumapit ako. Sa pangalawang pag kakataon I was trying to kiss her on her forehead pero umiwas na naman sya.
"Hey," hinila ko sya nang akmang tatayo sya. "Anong problema?"
"Ikaw Bea, ano nga bang problema?" Tanong nito pabalik sakin. "Bakit kailangan sumabay sayo kahapon si Margaux?" Tanong nya na ikinabigla ko. "Hindi lang pala kahapon, kanina rin."
"May nakakita sa inyo," dagdag nya kaya lalo akong kinabahan. Hindi nya pwedeng malaman. Ayokong kamuhian nya 'ko. "Tapos ngayon malaman-laman ko, sumabay na naman sayo?" Tanong nya kaya nagtataka ako.
Pinakita nya ang cellphone nya at nandun ang pciture namin ni Margaux kanina habang pinapayungan ko sya. "Anong problema dyan? Sasabay lang yung tao Jho," kalmadong sabi ko. "Umuulan. Alam mong kahit sino tutulungan ko,"
"Anong problema? Ha? Problema?!" Nang gigigil na tanong nya. "Ikaw sa tingin mo sumabay ako ngayon sa taong minsan ko na rin naging gusto, anong problema don?!"
"Jhoana please" sabi ko sa kanya at hinawakan ang sintido ko. "Pwedeng wag na natin pag usapan yan?"
"At bakit?! Ano kailangan lahat tulungan mo? Kung ganon edi sana lahat ng tao sinabay mo!"
"Pagod ako ngayon Jho wag ngayon," pakiusap ko sa kanya.
"Ah ngayon pagod ka? Kasalanan ko?!"
"Ano bang kinagagalit mo?! 'Yang selos mo na 'yan ilugar mo naman," hindi ko na napigilan ang sarili koat napasigaw na rin.
Ang husay mo. Ikaw na may kasalanan ikaw pa magagalit, bea!
"Alam mong sa lahat ng tao na inaasahan ko, ikaw ang mas may kilala sakin! She's our friend for pete's sake!"
Umupo naman ako at napahawak na lang sa sentido ko. Huminga muna ako bago lumapit sa kanya. "Look, I... I'm sorry. Hindi ko gustong masigawan ka,"
"Bea kung pagod ka na, mas pagod ako" nagulat naman ako nang sabihin nya 'yon.
"Ipapaalala ko lang sayo. Bukam-bibig mo sakin dati yan si Margaux," nagtataka naman akong tumingin sa kanya. "Kung purihin mo mula ulo hanggang paa,"
"Love, what are you trying to say?"
"Na bago mo 'ko maging girlfriend, naging bestfriend mo muna ako." Sabi nya at pinunasan ang luha nya.
"Matagal na 'yon love," sabi ko at niyakap sya.
"Pero mas kapuri puri mo 'yon sakin dati pa." Umiling iling naman ako sa sinabi nya.
"Wag mo sabihing pagod ka na Beatriz, dahil mas pagod na ako."
YOU ARE READING
Unexpected Love
FanfictionWhat if we are really meant for each other but we're always in the wrong time and place. Would you still wait for me? Will you still fight for us until our dreams come true?