Day 1. Para akong tanga dito sa kwarto ko at nagbibilang ng araw at nag iisip kung magkikita pa ba kami ni Jho.'Three days from now, if we met accidentally I'm gonna win you back, but if not, fate isn't really with us'
Accidentally huh. Syempre hindi ako papayag na hindi tayo mag kita! Kailangan natin mag kita aba!
"Maddeeeehhh!" Sabi ko pag kasagot nya ng tawag.
"Oh god, ang sakit pa ng ulo ko, have mercy!"
"Hehehe anong gusto mong breakfast?"
"Anong kailangan mo?"
Natawa naman ako sa sinagot nya pabalik sakin.
"Woah wait grabe naman 'to! Ako na nga nagmamagandang loob!"
"Ano ngang kailangan mo!?"
"Mall tayo, on the way na ako dyan. Bye!"
"Oh!" Binigay ko agad sa kanya yung binili kong breakfast meal sa mcdo pagkabukas nya ng pinto. "Kain ka na, bilis!"
"Teka nga! Ano bang meron at atat na atat ka mag mall? Eh jusko anong oras pa lang!"
"Eh dali na kasi,"
"Che!"
—
"So what do you want?" Tanong ko sa kanya ulit. Kailangan natin i spoil 'tong matandang 'to dahil 3 days ko syang guguluhin hehehe.
"Hoy ikaw napapansin ko na ah, kanina ka pa! Ano ba kasi talaga kailangan mo?"
"Wala nga! Dali na pumili ka na!" Pagkasabi ko non nilibot ko ang mata ko at nagbabakasaling makita dito si Jho.
"Hoy!" Napalingon ako sa kanya nang batukan nya ako "Ano ba talaga dahilan bakit ka nagyayaya?"
"Wala nga! Masama ka na ba i date? Sinasamahan na nga kita ilibang sarili mo dahil ghino—"
"Sige punyeta ka ituloy mo!" Sabi nya at dinuro pa ako. "Langyang 'to"
"Sorry na, ide-date na nga kita eh" sabi ko at inakbayan sya.
"Harot! Dun ka nga tumitingin ako ng kakainin!"
—
"Mads! Let's go na!" Sabi ko sa kanya at hinila na sya paalis. We're going to my condo na dahil anong oras na rin.
"Pagluluto na lang kita, anong bet mo?" Tanong ko sa kanya pag dating namin at natawa naman sya "what?" Natatawa ko ring tanong sa kanya.
"Gay ka sis?" Natatawa pa ring tanong nya. "Ay gay ka naman pala talaga hahahahah! I'll sleep here na lang, busog na busog na ako!"
Day 1 at wala ako Jhoana Maraguinot na nakita kahit na anino nito.
Papakita kaya sakin yun?
YOU ARE READING
Unexpected Love
FanfictionWhat if we are really meant for each other but we're always in the wrong time and place. Would you still wait for me? Will you still fight for us until our dreams come true?