CHAPTER 3

5K 88 6
                                    

BEA

DAMN. BEA UMAYOS KA! DIBA NAG MO-MOVE ON KA NA? ACT NORMAL.

"A-Ahh, A-ano....Ano" Teka, putcha naman eh! Hindi ako handa. Bakit ba ako nauutal kingina naman.

Natawa naman sya. Fuck. "Padaan ako" sabi nya at bago pa sya makalagpas sakin may binulong sya. "Umayos ka, para kang tanga dyan hahaha"


Nakahinga lang ako ng maluwag nang makalagpas na sya sakin. Potaena ano ba nangyayari sakin.

"Hoy Bea de Leon! Dumaan lang si Jhoana aba hindi ka na nakapag salita dyan?" Sabi ni Ate Ella na nakapag balik sakin sa wisyo.

"Uh-oh baka mahal pa Ate Ella" sabi ni Jia.

"Hahaha bokarets din 'to eh! Sabi nya mag mo-move on na daw sya, eh nung tumawa lang si Jho, natulala pa amputa" Singit ni Maddie habang tawang tawa sakin.


"Talaga? Nako, wag mo na ituloy yang move on, move on na yan. Magbalikan na kayo. Ang aarte parehas naman mahal pa yung isa't isa" Sabi ni Ate Ella pero hindi ko na narinig yung huli.



Halos lahat kami ay marami na ang nainom. Nagulat pa nga ako dahil yung dating mga rookies na hindi pwede, mas malakas na uminom sakin ngayon.

Nandito ako sa table kung saan pwesto ng mga bartender. Bigla namang may lumapit saking babae.

"Hi!" Masiglang bati nya sakin. She's cute naman.

"Oh" medyo nagugulat ko pang sabi. "Hello haha"


"Drinks?"

"No, thank you. Btw, I'm Bea de Leon"

"Of course, I know you" Imbid na handshake ang gawin namin. Iba.

Bigla nya akong hinalikan, tumama na din yung alak na kanina ko pa iniinom. Pakshet naman oh! Hindi ako nakapalag dahil aaminin ko, ang galing nya humalik.

"What the hell?!" Natigil lang kami dahil sa biglang nagsalita. "Di na nahiya, dito pa talaga?!" Tanong nya habang masama ang tingin samin. Sakin pala.



"Excuse me??" Tanong nung babaeng hindi naman nagpakilala pero hinalikan ako.


"Oh ano? Masarap ba humalik yan?!" Tanong nya sa babae at tinuro ako.

"Yes hihi" sabi nya at nagulat ako sa ginawa ni Jho. Sinampal nya ng malakas yung babae.

Tangina?? Bea kumilos ka! Buti na lang hindi kami gaano pansin dito dahil medyo madilim dito at malapit sa exit.



"And who the hell are you to slap me?!" Gigil na tanong nung babae kay Jho.





"I'm the goddamn wife"

Nanlalaki akong matang napatingin kay Jho. Halatang lasing na sya dahil mamungay mungay na mata nya.

Paniguradong pagsisisihan mo pag nalaman mo to bukas. Wife pala ah.

Hinatak ko sya palabas dahil wala naman na dapat pang gawin don.


"Ano ba! Bitawan mo nga ako!"


"Matagal na kitang binitawan, Jho" seryosong sabi ko sa kanya nang makalabas kami.


"Bea" sabi nya at halatang paiyak na. "Please, let me explain"




"No need Jho, matagal naman na tayong tapos"

Tatalikod na sana ako kaso bigla nya akong niyakap. Tangina yung wall na matagal kong binuo sa isang yakap nya bumagsak lahat.


"Jho, mali 'to Jho. May boyfriend ka, sawa na akong masaktan. Tigilan mo na"



"Bea, hindi mo na ba ako mahal?" Tanong nya kaya napatingin ako sa kanya.



"Mahal? Putangina naman Jho!" Nagulat sya sa sinabi ko. Hindi ko na kaya pigilan. Sobrang sakit na, parang sasabog ako kapag hindi ko ito nalabas. "Alam mo bang sa sobrang pagmamahal ko sayo nagawa kitang isuko? Kasi tangina naman, sinong gugustuhin na yung taong mahal mo, unti unti nang nawawalan ng gana sayo?! Sige nga Jho! Sinuko kita kahit sobrang sakit para sakin, kasi mas gusto ko yung kaligayan mo eh"



"Bea, tama na"





"Hindi Jho! Diba ito naman yung gusto mo?! Ang daya mo eh! Tinaas mo ko ng sobra, sa sobrang taas nakalimutan ko na pababa. Mahal na mahal kita to the point na hindi ko na inintindi yung sarili ko, maging masaya ka lang. Tapos ngayon tatanungin mo kung mahal paba kita? Eh kung ikaw kaya tanungin ko? Mahal mo pa ba ako?"


"Bea sabing tama na eh."



"See? Hindi mo masagot. Tapos may nalalaman ka pang wife doon kanina? Ano yon Jho? Ano, papaasahin mo na naman ako? Palibhasa alam na alam mo kung paano ako kunin!"



"Tangina Bea, oo mahal pa din kita! Oh ano masaya ka na?! Hindi mo alam kung gaano kahirap para sakin isipin araw araw, gabi gabi na kung bakit ganon na lang kadali para sayong isuko ako! At totoo naman sana yun ah? Asawa mo na sana ako kung hindi mo ako sinuko!" Sabi nya at napaupo na lang habang umiiyak.


What the hell is happening?


"Bea, wala kang alam kung gaano ako nasaktan nung araw na yon"

(Flashback)

"Jho, ayoko na" Napatigil naman sya sa sinabi ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

Kakatapos lang ng season 80 at hindi kami nakapasok sa finals.

"Pagod na ako, ayoko na. Itigil na natin to"


"T-Teka lang naman Bea, bakit?"


"Jho, alam ko namang hindi ka na masaya sakin, kaya kahit ang sakit, sige.... I'm letting you go."



"Ano bea?! Ganon na lang kadali yon? Bakit? May iba ka na ba? Mas maganda ba sya sakin? Mas maputi? Ano? Tangina naman eh!"


"Ako ba ang may iba Jho, o ikaw?"

Natigilan naman sya sa sinabi ko. That's it. Alam ko naman na hindi na ako.

"See? Alam ko matagal na. Napalitan na ako ni Nico dyan sa puso mo. No wonder maging kayo agad" pagkatapos kong sabihin yun, nakaramdam ako ng palad sa pisngi ko.



"Who are you to judge me? Wala ka namang alam. Puro ka kasi selos!"




"Magsusumbatan na ba tayo ngayon Jho? Bakit sino ba naunang ma fall out of love satin? Ako ba?"






"Hindi totoo yang sinasabi mo."





"Eh kung hindi totoo, bakit nakita ko kayong magkahalikan?"



(End of flashback)




"Hindi lang ikaw nasaktan Jho. Tsaka yan naman parati mong sinasabi eh! Wala akong alam."







"Kung may alam ka, hindi mo ako isusuko ng ganon ganon lang. Walang pali-paliwanag, iniwan mo ko."

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now