CHAPTER 70

1.9K 42 6
                                    

JHO


Inihatid na ako ni Bea sa bahay dahil sabi nya hindi naman na daw sya makakatuloy sa condo dahil sya daw ang bantay kay Tito ngayon.









"Tsk, tagal naman ng tawag nun" Kanina pa ako nag hihintay ng tawag nya mula kanina dahil yun ang sabi nya.









Sinubukan ko ulit syang tawagan pero out of coverage na 'to. "Tinulugan pa nga yata ako tsk," napailing na lang ako.









Hinawakan ko ang necklace na bigay nya sakin kanina at napangiti naman ako ng maalala ko sya. "Tama ka nga, lagi kitang maaalala dito"










Natulog na ako dahil mukhang ganun naman ang ginawa ni Bea.









"Jho, gising na" Nagising ako dahil naramdaman kong may gumigising sakin. "Baka ma late ka," nakita ko si Maddie dito at mukhang maga pa ang mata nya.










"Pano ka nakapasok dito? Tsaka bakit maga yang mata mo?"









Umiling iling naman sya. "Sa sobrang tagal mo kasi gumising nanood na lang ako at ayon nakakaiyak,"









Bumaba na ako at nakita kong nandito si Ate Ella at inabutan ko syang nag hahanda ng breakfast.









"Wow??" Taka kong tanong, "Para sakin ba yan?"









"Ay hindi bes, naki luto lang kami. Para sakin 'to" sagot nya kaya inirapan ko sya. "Charot, satin 'tong tatlo wag selfish kaya ka nalaki eh"










"Che! Kahit lumaki ako, mahal ako ni Bea," sabi ko at parehas silang natigilan, ngayon ko lang din napansin na maga rin ang mata ni Ate Ells.










"Oh? Maga rin yang mata mo" sabi ko at tinuro pa ang mata nya.









"Kasi nga nanood kami," sagot ni Maddie.








Tahimik lang kaming nakain at sinabi nilang ihahatid na daw nila ako.









"Ay hindi na, pupunta si Bea dito eh, isasabay nya 'ko"









"Bes wala si Bea dito," sabi ni Ate Ella kaya napatingin kami ni Maddie sa kanya.









"Ate Ella," sabi sa kanya ni Maddie.









"She deserves to know," sabi sa kanya ni Ate Ells at humarap sya sakin.










"Wag mo nang hintayin si Bea."

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now