CHAPTER 20

3.3K 64 8
                                    






"Wow baby you are grown up na talaga," maluha luhang sabi ni Mommy "Yung mga plano mo baby pang matured na talaga,"







"Mom, I need to be matured and independent, hindi naman po pwedeng habang buhay sa inyo po ako aasa,"







"That's my princess!"







"May balak ka na ba mag pakasal, Isabel?" Tanong ni Daddy na nakangiti. Naramdaman ko namang medyo nailang si Jho.







"Daddy! Iniilang mo naman po si Jho eh! But to honestly answer your question, yes." Sabi ko at tumingin kay Jho. "Sa kanya lang,"








"This is it! Wala ng hiwalayan yan ah!" Sabi ni Kuya Loel kaya natawa kaming lahat sa kanya.







"Wala na po talaga Kuya, forever na kami" sabi ni Jho kaya todo akong napangiti.






Nang matapos kaming kumain nag stay lang kami ni Jho sa room ko since wala naman kaming gagawin ngayon and mamayang gabi pa yung inaasahang ganap.








"Bei?"






"Hmm?"







"Are you really planning to be married by me?" Tanong nya.







Humarap ako sa kanya para makita ko sya. "Of course naman sayo ko lang balak mag pakasal, wala ng iba,"








"Eh paano kung may dumating na mas better sakin?"







"Sus, ikaw na nga pinaka da best sa akin may mas tataas pa ba dun! Tsaka stop with your ganyang thoughts nga, matagal tagal pa naman bago tayo ikasal ano ka ba hahahaha kaka 23 lang natin oh," sabi ko at hinawakan ang mukha nya. "Unless, Gusto mo na talagang ikasal tayo?"








"Bakit may ipon ka na ba?" Tanong nya na mukhang hinahamon ako.







"Oh God I swear! Don't me!" Sabi ko sa kanya. "Kahit ngayon pwedeng pwede na tayo mag pakasal eh, but syempre kailangan natin mag ipon, paano na yung mga bata kung magiging mag asawa tayo nang ganito kaaga? Paano na yung gawaing bahay? Paano?"






"Mga bata talaga Beatriz? Mga?" Natatawang tanong nya.






"Kung kaya naman buhayin edi Mga talaga! Hahahaha!"






"Leche tumigil ka hindi ikaw mag bubuntis!"







Natawa na lang kami parehas sa kalokohan naming dalawa. Ang sarap lang ng ganito, yung kayo na mismo gagawa ng future nyo, yung sigurado na kayo sa isa't isa.







"Bihis ka na love," pang gigising ko sa kanya. Kanina pa sya tulog, napasarap nga eh haha.








"Alright, tapos ka na?" Tumango ako sa kanya habang nakangiti. I'm wearing white polo and then 2 buttons unlocked sa taas na part and then pants then my LV shoe. "Ganda mo nakakainis! Baka mag mukha akong alalay!"









"Yeah alalay ka talaga" sabi ko at hinampas naman nya 'ko "Alalay ng mga magiging anak natin hehehe. I love you!"








"Tse! Mahal din kita"





Mabilis lang natapos si Jho and she's wearing a simple sleeveless black dress na above knee and then her white shoe.







"Ang ganda," I said out of nowhere. "Sobrang namangha ako sa ganda mo ngayon, payakap nga" sabi ko at wala akong sinayang na oras at niyakap ko sya.








"Kaya nga bagay na bagay tayo eh, tsh", the she rolled her big eyes on me.








"Hello Tita, Tito," bati ko sa magulang ni Jho "Ja!"







"Hi Ate Bei! I miss you hehehe"







Matapos namin magkamustahan sakto namang dating ng order namin.





"So by now, ang dalawang 'to kanina nagpa-plano na ng kanilang kasal," biglang sabi ni Mommy kaya napatingin kami sa kanya.







"Mom!" Sabi ko at pinipigilan sya.






"Eh kung ako lang rin naman, si Bea ang gusto kong makatuluyan ng anak ko," sabi ni Tita Lovel na malawak ang ngiti samin ngayon.








"Ang gusto ko lang naman apo mula sa inyong dalawa, pero masyado pa kayong bata para dyan, but if you two are really sure about this, then we'll go for that plan." Sabi ni Tito John na tumatango tangi habang nakangiti.









"Magpakasal na kayo, ate!" Sabi ni Jaja kaya natawa kami sa kanya.






"Atat ka? Mauna ka na" sabi sa kanya ni Jho kaya lalo kami natawa sa sagutan ng dalawa.







"But seriously, sabihin nyo lang kung kailan nyo plano kami na ang bahala para dyan basta ba't kayong dalawa," sabi ni Daddy.







"Sus Dad! Mukha pa bang maghihiwalay yang dalawa na yan eh maski sa entrance sa mall hindi mapapaghiwalay yan!"







"Omg Kuya you're so funny," sabi ko na tawang tawa sa sinabi nya. "Okay I'm sorry" sabi ko nang mapansin kong tapos na silang tumawa at ako na lang pala hindi.










"But seriously po, kung gugustuhin po ni Jho na ngayon na kami magpakasal, ora mismo po magpapakasal na kami."








"You know what," sabi ni Jho at hinawakan ako sa mukha. "Kahit gaano pa tayo katagal mag plano para sa kasal natin, sigurado naman akong sayo pa rin ako ikakasal,"









"The only assurance I need,"

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now