Funny how you feel like you're in jail when actually you're not."Ano? Hindi ka pa rin ba papayag?" Tanong sakin ngayon ng Daddy ni Margaux pagkarating ko dito sa Hospital. Wala sila Mommy at Kuya ngayon.
"Hinding hindi nyo 'ko mapapapayag sa gusto ninyo," sabi ko at tinignan silang dalawa.
"I think you need to see this," may pinakita sila saking papel at doon ko nakita kung paano kami unti unting nalulugi.
"Parang awa nyo na, tigilan nyo na ako, tigilan nyo na ang pamilya ko." Pagmamakaawa ko sa kanila dahil ayokong bumagsak ng tuluyan yung company na matagal na trinabaho ni Daddy.
"Alam mong isang paraan lang ang meron ka, and oh balita ko araw araw tumataas ang bills dito ni kumpadre ah? Kaya nyo pa ba?" Tanong nya habang naka ngisi.
"Gagawin ko 'yan pero wag na wag kayong aasang mamahalin ko 'yang anak nyo."
"Bea anak? Nandito ka na pala?" Tanong ni Mommy. "Anong nangyari dito?"
"Looks like pumayag na si Bea para kay Margaux," sabi ng Mommy nya na ngayon ay ngiting ngiti. "That's great right?"
Nakita ko kung paanong alanganing ngumiti si Mommy sa kanila at tinignan ako ng puno ng pag aalala pero nginitian ko lang sya.
'Paano ko ngayon 'to sasabihin kay Jho?'
Iniwan ko sya sa Batangas dahil nung tumawag si Mommy para sabihing nag 50/50 si Daddy ay agad agad akong nag paalam at sinabihan ko syang dito na muna sya at kaya ko naman.
"Tulog pa rin ba ang Daddy mo?" Tanong ni Mommy nang kaming dalawa na lang ang nandito.
Tumango lang ako sa kanya. Hindi naman na daw namin mag alala dahil ngayon ay maayos na ang lagay nya.
"Baby bakit ka pumayag?" Tanong sakin ni Mommy na ngayon ay nakahawak sakin. "Hindi mo kailangan gawin 'yun, kayang kaya naman natin ibalik sa dati yung company natin wag lang yung ganito, yung hindi ka masaya"
"Mommy kahit ngayon lang gusto kong matupad yung pangarap ni Daddy, yun naman yung gusto nya eh yung ikasal ako,"
"Pero ang gusto nya kay Jho, at yung masaya ka, galit ka ba samin?"
"No Mom, kayang kaya ko naman po 'to." Tinignan ko naman si Daddy. "Nagmana po ako sa kanya eh."
"Alam na ba ni Jhoana ito?"
"Ang alin po Tita?"
YOU ARE READING
Unexpected Love
FanfictionWhat if we are really meant for each other but we're always in the wrong time and place. Would you still wait for me? Will you still fight for us until our dreams come true?