"Jho!"Anak ka ng nanay mo Maddie!
Napatingin lang ako sa kanya nang bigla nyang tawagin si Jhoana at lumapit ito. "Uhh if you don't mind, sama na lang kayo samin" sabi naman ni Jia.
"Wala namang problema kung sasama na lang tayo sa kanila diba?" Tanong ni Jho kay Ged. Nakatalikod ako sa kanila kaya hindi nya pa ako nakikita.
"Hoy Bea! Andito jowa mo oh!" Tawag sakin ni Ate Ella kaya wala na akong magawa kundi humarap sa kanila.
"Hi Beh!" What??? Beh??
"Hi," sabi ko dahil pakiramdam ko ako pa nahihiya sa kanila nung Ged na 'yon.
Tsh tama nga mas maganda lahi ko dito. Napairap na lang ako ng palihim sa naisip ko.
"Tara, order" hinila naman ako ni Maddie at wala na akong magawa dahil nahila na nya 'ko.
"Ano? Buhay ka pa ba?" Tanong nya nang makapila kami. Medyo mahaba pa naman ang pila dito.
"Hmm, slight," simpleng sagot ko habang naka tingala at sumisipol sipol.
"Hala! Si Ged hahalikan si Jho!" Biglang sabi nya kaya bigla akong napalingon. "Icha prank!"
"Tangina mo," sabi ko sa kanya na ngayon tawang tawa na.
"Hahaha! Bakit kapag ikaw nag mumura ang classy pa rin ng dating?! Grabe yorn!" Sabi nya at tumigil na kakatawa dahil kami na oorder. "Hala di ko nakuha order nila. Pakikuha naman"
Inirapan ko na lang sya bago ako pumunta sa table namin. "Order nyo daw?" Simpleng tanong ko sa kanila at nakita kong magkatabi pa yung dalawa.
Wow gatas at kape pero mas masarap ako maging gatas para kay Jho na kape.
"Alam mo na sakin, Beh" sabi ni Jho kaya tinanguan ko na lang sya. "Problema nun?" Rinig ko pang tanong nya sa kasama nya pero hindi ko na pinansin.
Ano yon kapag sya pwede sumama sa iba tapos kapag ako galit na galit?
Nakaorder naman na kami ni Maddie at bumalik na sa table. "San na?" Tanong ni Ate Ella.
"Ikalma mo, serving pa lang" sagot sa kanya ni Maddie kaya natawa sila sa kanila.
Hindi ako natutuwa at hinding hindi ako matutuwa ngayon.
"Okay ka lang?" Tanong ni Jho na katabi ko na pala ngayon.
"Yeah, baka si Ged na o-op, talk to him muna" sabi ko sa kanya at nag cellphone na lang.
"Huy love,"
"Oh?"
"Selos ka?" Umiling lang ako sa kanya. "Yiee selos sya,"
"Jho wag, nakakahiya" sabi ko at tumigil sya at hindi na nagulit.
Tahimik lang kaming nakain nang biglang nagsalita si Jho. "Ay si Ged pala. Engineer Gerard Cotoco," sabi nya na pinapakilala ang kasama nya.
Ngumiti lang ako sa kanya at kumain ulit ng tahimik. Yung tatlo naman natahimik na lang din nang mapansin nilang wala ako sa wisyo.
"Sabay ka ba samin Jhow?" Tanong sa kanya ni Jia.
"Ay hindi na dadaan pa kami sa site bago ako umuwi eh," sabi nya kaya lalo ako napasimangot.
"Tara na, kanina pa 'ko late. Thanks"
Pagkasabi ko non nauna na akong umalis sa kanila at dire-diretsong sumakay sa kotse ko.
Tahimik lang akong nag d-drive habang si Jia at Ella sa likod ay nag ce-cellphone lang din.
"Bei," sabi ni Maddie na ngayon katabi ko. "Ayos ka lang?"
"Yeah, pagod lang siguro"
"I know you're not. Daan tayo sa condo pagkahatid sa kanila. Tapos na time ko eh."
YOU ARE READING
Unexpected Love
FanfictionWhat if we are really meant for each other but we're always in the wrong time and place. Would you still wait for me? Will you still fight for us until our dreams come true?