CHAPTER 62

1.9K 41 1
                                    





"Kamusta na yung bahay?" Tanong ko kay Jho. Ngayon lang kami sabay kumain ng dinner dahil parehas kami minsan umuwing late.









"Malapit na syang matapos, kulang na lang naman don yung sa mga rooms then pwede ka na lumipat," Napatingin naman ako sa sinabi nya.









"What? Anong ako lang lilipat? Kasama ka, parehas tayong lilipat don,"









Tinignan naman nya ako, "No, bahay mo 'yun. Wala akong ginastos kahit piso para don, so ikaw lang ang titira don."









"Jho ano bang problema?" Tanong ko at binitawan ang utensils na hawak ko.









"Wala anong anong problema? Totoo naman ah, bahay mo 'yon dapat lang na ikaw ang tumira don." Sinpleng sagot nya at uminom ng tubig.









Napapikit naman ako sa sagot nya. "Galit ka ba sakin? Bakit ganyan ka?"









"Anong ganyan? Ganito talaga ako,"









"Bakit..." napatingin naman sya sakin. "Bakit pakiramdam ko ayaw mo na akong kasama?"









"Hindi sa ganun, hindi pwedeng masanay tayong kasama ang isa't isa. Lalo na kung ikakasal ka sa iba," May sinabi sya pero hindi ko narinig.









"Fine. Mauuna na ako, umakyat ka na lang kapag matutulog ka na. Good night,"









Pumanik na ako at hinayaan syang mag isa don. Nahiga naman kagad ako sa kama namin pero hindi ako makatulog.









'Bakit kailangan naming umabot sa ganito? Ano bang problema nya?'









Naramdaman kong papasok sya kaya nagkunyari akong tulog na ako. "Bea?" Tawag nya pero hindi ko pinansin.









Tumabi sya sakin at hinawakan ang pisngi ko. "I'm sorry pero hindi pwedeng sanayin natin ang isa't isa na magkasama tayo. Hindi natin sigurado kung tayo ba talaga,"









Hinayaan ko lang syang gawin kung ano gusto nyang gawin sakin. "Hindi ako galit sayo, at alam mong hinding hindi ko kayang magalit sayo,"









"Mahal na mahal kita," hinalikan nya ako at tumabi sakin pero nakatalikod sya.









Niyakap ko lang sya at alam kong hinawakan nya ang kamay ko na nakayakap sa kanya.









"Good morning love," bati ko nang magising ako pero magkatabi pa rin kami.










"I love you," sabi nya at hinalikan ako. "I missed this,"








"Mas na miss kita, uhm... sorry kagabi," nahihiya kong sabi sa kanya.









"Sus, nahalikan mo na nga ako mahihiya ka pa,"









"What? Ikaw kaya ang humalik sakin!"









"Kapag sinabi kong ikaw, ikaw ha? Wag kang kokontra," at inirapan ako, opo. Sweet sya noh?









Tumayo na sya at nakita kong nakabihis na sya papasok. "Bihis ka na pala bakit nakahiga ka pa?"








"Bakit ba, gusto kong ako una mong makikita pag gising mo eh," sabi nya at hinila ako para tumayo. "Ligo ka na, sabay tayo papasok"









"Kala ko sabay tayo maliligo eh," sabi ko at tumawa. Hinampas naman nya 'ko.









"Leche!"

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now