"Jho, tama na 'yan" sabi nya pero hindi ko sya pinakinggan."Akala ko ba gusto mo 'ko samahan? Edi samahan mo ako!"
"Tsk, ilang linggo ka nang araw araw na lasing, hindi ka ba nagsasawa?"
"Sus! Hayaan mo nga ako Nico! Magsasawa rin ako gaya ng ginawa nya, wag ka mag alala,"
Tama kayo ng pagkakabasa, hindi dahil lasing ako o ano, si Nico ang kasama ko ngayon. Wala namang choice eh, sya lang yung nandyan para sakin nitong mga nakaraan.
"Bakit mo kasi ako niloko tanga ka eh! Ayan tuloy nasaktan na naman ako," sabi ko sa kanya at pabiro syang tinulak.
"Woah, I already apologize na ah!"
"Ganyan ba kayong mga naging ex ko? Nagiging conyo? Ay! Hindi pa pala kami nag be-break!" Sigaw ko sa kanya nakita ko namang natawa sya.
"Tigilan mo 'ko oy! Last na 'yan ah, uuwi na kita, lasing na lasing ka na ghorl," sabi nya at tumono pa na parang bakla kaya natawa ako, "Yie nakakakilig naman napatawa kita Madame,"
"Aminin mo nga, Bakla ka ba?" Tanong ko sa kanya kaya agad nya 'kong binatukan. "Aray naman! Mapanakit ka teh!"
Ampota.
"Tara na nga ihahatid na kita!" Sabi nya na parang nauubusan na ng pasensya sakin.
"Look, nagmamadali ka ba? Kung may importante ka pang pupuntahan pwede ka na mauna, promise I'll be good"
"Wait, tawagan ko na lang si Jia," sabi nya at lumabas, iniwan ako amp.
Uminom lang ako ng uminom hanggang sa hindi ko napansin na ang tagal ni Nico. "San na ba 'yun?" Tumayo ako at muntik pang matumba buti na lang may sumalo.
Wow sana lahat sinasalo.
"Hop! Ingat ka sa susunod Miss," sabi nya kaya agad akong napatingin dahil sobrang pamilyar ng boses nya.
Too late dahil likod na lang nya ang nakita ko. She's wearing a black hoodie.
Sa sobrang curiosity na meron ako sinubukan kong sundan yung taong 'yun, lumingon sya at doon ko lang narealize na sya 'yon.
"Bea!"
YOU ARE READING
Unexpected Love
FanfictionWhat if we are really meant for each other but we're always in the wrong time and place. Would you still wait for me? Will you still fight for us until our dreams come true?