- C H A P T E R 1 -

3.3K 151 1
                                    

- C H A P T E R 1 -

\\(*0*)//

Napatayo ako bigla tsaka ako nagpalinga. Nasa kagubatan ako. Wala akong ibang makita kundi puno at halaman tas napatingin ako sa aking sarili at ang suot ko kanina ay syang suot ko rin ngayon. Isang plain white vneck tshirt, khake short, at tennis. Pero pansin ko talaga na mas gumaan ang katawan ko tas mas lumakas pa, mas naging firm na kasi ang muscles ko sa katawan ko. Since di naman ako ganong nagmamadali ay kinalikot ko nalang ang VS ko.

"Profile!"

***
[ PROFILE ]

Name: Alexander Craige Cohan
Level: 1
Race: Human
Class: Weapon Master
Titles: [Summoned Hero ]
HP: 1000/1000
MP: 600/600
SP: 750/750

Attack: 70-80

Defense: 45
Speed: 60

***

Napakurap kurap ako. OP naman ata ako para sa isang level 1. Tas what's with my class? Kinalikot ko ang profile ko at dun ko nga nasagot ang tanong na gumugulo sa utak ko.

***
[ TITLE ]

Summoned Hero
Being the summoned hero grants you a sturdy body to withstand attacks, firm muscles to heighten your power and strong leg power to boost your agility. You also acquire the knowledge to understand other races' language. And being the chosen one, you can wield different weapons at their utmost capacities, thus, being a Weapon Master. And lastly, with Goddess Euriel's blessing, improvements will be doubled.

***

Bow! Wala ako masabi. No wonder mataas ang stat ko para sa isang level one. Ano pa kaya ang mangyayari sa'kin sa mga susunod na paglevel ko. Lol! Okay! Sunod!

***
[ STATUS ]

<< Power [ 0 ] >>
<< Dexterity [ 0 ] >>
<< Intelligence [ 0 ] >>
<< Vitality [ 0 ] >>
<< Luck [ 0 ] >>
<< Resistance [ 0 ] >>

>> Stat Points [ 0 ] <<

***

Ayon sa aking kaalaman ang Power ay syang nagpapadagdag sa iyong Physical Damage, Physical Strength at Stamina na syang tumutulong sa'yo upang makapagbuhat ng mga mabibigat na bagay at mas sumasakit rin ang atake mo kahit wala kang equip na weapon. Ang Dexterity naman ay sa critical hit, dito rin mas dumadagdag ang iyong speed, both attack and movement. Syempre kung mataas ang speed mo mas malaki rin ang tsansang makaiwas at masangga mo ang atake ng iyong kalaban. At dito rin papasok si accuracy, para mas marami kang maitatama. Si Intelligence naman ay nakafocus sa iyong mahika, dito tumataas ang damage kapag magical attack ang iyong gamit tas mas tataas rin ang iyong Max MP. Vitality naman tayo, dito naman ay mas tumataas ang iyong buhay or ang Max HP mo, in short, kukunat ka. Tas panghuli, Luck. Dito tataas ang tsansa ng drops mula sa mobs o ang tsansa ma mag-iwan ng isang rare o pataas na kalidad ang mga mobs at syempre, ang gold drop ay tataas rin. Tas makukuha mo naman ang Stat Points kapag maglelevel up ka, di ko lang alam kung ilan bibigay dito.

***
[ INVENTORY ]

• Starter Pack ×1
• Euriel's Gift ×1

The Summoned Hero (Turtle Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon