- C H A P T E R 26 -

1.3K 81 6
                                    

- C H A P T E R  26 -

⊙︿⊙

Pagkababa na'min ay sumalubong sa'min ang magulo at sira-sirang Isu City. Sunod sunod na pagsabog at sigawan ang tanging maririnig mo sa lugar. Mukang dinaanan ng bagyo ang lugar.

"I'll lead the way." pahayag ni Kage bago sya tumingin sa'kin, "Back me up. And the rest of you, protect them."

Nagsitanguhan lang kami sa sinabi nito. Habang naglalakad kami sa syudad ay kitang kita kung gaano kasira ang buong lugar. It's a good thing na we decided to evacuate them at kung hindi ay siguradong maraming casualties ngayon. Habang palapit na palapit kami sa Isu Arena, mas lumalakas ang mga pagsabog at sigawan. I tried calling Athena and Luxiel again pero mayroon pa'ring pumipigil sa mindlink na'min.

Agad na kumuha ako ng isang palaso at pinakawalan iyon sa isang Snow Vulcan na papalapit sa amin. Mabilis na sumugod naman si Kage sa mga naglalabang adventurers at ilang Palace Knights laban sa napakaraming mobs. Mukang hindi lang Snow Vulcan ang naakit ng anino na'yun, mukang lahat ng mobs ay napaamo nya. Halos lahat ng adventurer na naiwan, maging ang Palace Knights ay puro sugatan. Tanging si Colonel Lotte kasama 'yung isang adventurer na knight ang class ang tanging natitirang wala masyadong galos, yun nga lang ay halata na ang pagod sa kanilang mukha.

I heaved a sigh, they caught us off guard.

Kage run towards the direction of an adventurer who was nailed in his place at sinalo gamit ng nagbabaga nitong espada ang kamay ng mobs, kumuha naman ako ng isang palaso at itinira iyon sa mobs.

"Wow! One hit.." rinig kong bulong ni Khaled sa likod ko. Di ko nalang sya pinansin at gumawa na nga ako ng daan para sa kanila.

Marami na ang sugatan sa side na'min kahit na sobrang dami pa ng mobs na natitira.

"Launch." mahinang bulong ko sa aking sarili bago ko sunod sunod na pinakawalan ang aking arrow. Dahil nga sa taas ng stat ko ay one hit lang talaga lahat ng aking natatamaan maging sina Athena ay ganun rin.

"Khaled, rescue the wounded and bring them inside the arena. We'll hold the mobs here." sabi ko sa lalaki

"Pero.."

"Just do it." pampuputol ko sa kung ano pang sasabihin nya. Wala na'rin naman syang nagawa pa at sinunod na ang sinabi ko. Pagkatapos nilang ipasok ang mga hostages kanina sa loob ng arena, sunod naman nilang pinagpupulot ay ang mga sugatang nakipaglaban rito habang inaalayan na'min sila. Di nga nagtagal ay ay nakuha na nila lahat ng sugatan at nagpaalam dito sa labas na'min sina Colonel Lotte, Khaled, the knight adventurer, Luxiel, Kage, Athena at ako.

Tahimik na pinagmasdan ko silang lahat habang pasimpleng hinahanap ang anino.

"Yey! Let's get started na po!" si Athena na syang nakaharap sa amin. She's wearing a thick armour, in her left hands ay nandun ang isang panangga na parang sa bahay ng pagong habang sa isa naman nyang kamay ay isang lance na nasa isang metro ang haba. That's her Fusion form with Trecko, her gigantic tortoise, a beast that is best in defense.

"Trecko, disperse." pagkatapos nyang sabihin 'yun ay biglang nawala ang kakaibang suot nya, maging ang kanyang shield at lance. Sunod na lumabas ay ang kanyang pagong na ubod ng laki kumpara sa isang normal na pagong, it's about two meters high with sturdy shell. "Pahinga ka na muna, Trecko. Salamat!" with that, her tortoise disappeared.

"I summon you, Freya! Luthor!" sigaw ni Athena. Pagkasabi ng bata nun ay biglang umilaw ang bato sa kanyang gremoire at isang bumubulusok na kung ano ang biglang lumabas sa batong 'yun, followed by a loud squeal coming from above.

The Summoned Hero (Turtle Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon