- C H A P T E R 3 -

2.2K 119 12
                                    

- C H A P T E R  3 -

= ^_^=

Halata naman ang gulat sa mukha nito. Nakaawang pa nga ang bunganga nito tas nakatingin sa'kin na para bang tinubuan ako ng dalawang ulo.

"Wag kang magselos kasi wala naman dapat na ikaselos. Okay?"

"Okay.." mahinang sagot nito at umiwas lang ng tingin. Mahiyain talaga sya.

"By the way Brit, anong class ka na as adventurer?" tanong ko rito. Drinks lang naman ang inorder ko kanina kaya nandito na sya.

"Class D palang ako. Merong walo kasing classes, from Class F at ang pinakamataas ay ang Class S+."

"Dito ba sa Ghorn, sino ang may pinakamataas na Class?"

"Dito, hmm, sa pagkakaalam ko ay si Clyde eh. Class B na sya at malapit ng maging Class A. Sya yung fiance ni Fumia. Ang iba kasing malalakas at may mataas na level na ay lumilipat sa mas malaking bayan o di kaya ay sa Capitol na talaga."

Napatango-tango ako, ang isa pa talagang dahilan sa pagtatanong ko aside sa nakakakuha ako ng impormasyon ay ang gusto kong maging komportable si Britney sa akin. Mukang epektibo naman.

"Kung ganun, paano ba tataas ang Adventurer's Class?"

"Ang class ay nakadepende sa Guild Points na ibinibigay ng Guild Associate, na dito sa Ghorn Town ay si Fumia nga. May dalawang paraan. Una ay ang paggawa ng requests, bawat request kasi ay may kaakibat na reward tas Guild Points. Ang ikalawa naman ay ang pagbibinta ng Monster Core. Ang monster core ay ang parang pinagkukunan ng buhay at mana ng isang mobs. Mas malakas ang mobs, mas maganda ang quality ng core, mas maganda nag quality mas mahal at mas maraming Guild Points."

"Eh bat ang mga low level mobs ay walang core?" tanong ko rito. Napansin ko kasi na ang wild boar at yung killer rabbit na nakalaban ko ay walang naibigay na monster core.

"Low level lang kasi sila, masyadong maliit ang kanilang core na kadalasan kapag namamatay sila ay nasisira yun. At isa pa, mahirap ang makakuha ng isang core."

Tumango ako rito. Kinalikot ko naman ang inventory ko at hinanap ang core na nakuha ko kanina.

***
[ INVENTORY ]

Omewolf Core
Quality: Normal
A stone that is best to use in making jewelries. Can be sold in a high price.

***

So in short, wala 'tong pakinabang sa pakikipaglaban at isang palamuti lang?

"Kadalasan ay palamuti ang mga ito at ang mga mayayaman ang bumibili. Ang bato kasi nito kumikinang-kinang. Pero sa pakikipaglaban? Walang maitutulong ang batong 'yan."

Napatango-tango ako. "Usually, magkano ang isang core?"

"Pinakamababa ay 350 Golds. Nakakuha ako before ng Slime Core na isang Normal Mobs at level 10 lang. Ayun, 350 ang presyo nya."

"Ito kaya magkano.." tsaka ko inilabas ang Omewolf Core. Napanganga naman ang kaharap ko habang napatitig sa greenish na batong nasa harapan ko. Siguro ang dahilan ng kulay nito ay dahil sa ang Alpha nila ay may affinity sa poison. Gaya medyo light lang ang pagka-green nitong hawak ko.

"S-san mo nakuha yan?"

"Bago mo kasi ako natagpuan kanina ay may mga lobo akong nakalaban. Ang core na'to ay galing sa isang level 12 Omewolf, isang normal mobs lang."

"Wow! Kahit ang mga higher level ay nahihirapan na kalabanin ang Omewolf dahil sa taglay nilang bilis. Teka nga muna, anong level ka na ba?"

"Level 21 ako ngayon. Hihi!"

The Summoned Hero (Turtle Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon