- C H A P T E R 13 -
(ノ^o^)ノ
"Ahhmm." ungol ng kung sino na syang nagpagising sa diwa ko. Nung bumukas ang mata ko, unang sumalubong sa'kin ang kisame ng kwarto na pinagamit sa'kin kagabi ni Gail.
Speaking of Gail..
I sighed. So, tama nga ako. Nakahiga sa tabi ko ang himbing na natutulog na si Gail. Ginawa nyang unan ang braso ko habang nakayakap naman sya sa bewang ko. I heave another sigh at buong ingat na kinuha ang pagkakayakap sa'kin. Nung magawa ko na, inayos ko nalang ang pagkakahiga nito tsaka ko sya kinumutan.
Akmang aalis na sana ako nung napatingin ako sa maamong mukha nito. Buong ingat na inayos ko ang medyo nagulo nyang buhok bago ko sya ginawaran ng masuyong halik sa noo.
And with that, tuluyan na akong lumabas. Baka kasi kapag nagtagal ako dun ay kung anu-ano pang kademonyohan ang pumasok sa utak ko. At tsaka isa pa, waking up in the morning beside her feels so good. Fuck!
"Pre, morning!"
Nabaling ang tingin ko sa taong bumati sa'kin. There! I saw Clyde sitting in the sofa while sipping, ahm, a coffe? Sa tabi naman nito si Fumia na halatang bagong gising rin dahil sa magulong buhok nya.
"Gusto mo kape?" offer pa nito.
I sighed tsaka tumango. Tahimik na umupo naman ako sa harapan nito habang sya ay iniabot lang ang tasa sa'kin.
"Nga pala, bakit sa tabi ko natulog si Gail?" tanong ko sa dalawa. Kita ko naman ang pagkurba ng kakaibang ngiti sa labi ng dalawang kaharap ko. Napataas tuloy ang kilay ko sa kanila lalo na kay Fumia.
I looked at her flatly. Di ko sya nilubayan ng tingin kaya kitang-kita ko kung paano sya mag-iwas ng tingin at tsaka napanguso.
"Fine. It was my plan. The three of us were playing truth or dare last night, Gail chose dare, so ayun nga. Ang matulog sa tabi mo ang naging dare na'min sa kanya."
I sighed, "Tsk!" ang tanging tugon ko sa kanila. Kung ano anong kalokohan kasi ang nalalaman. Binubuyo talaga ako ng dalawa to sa temtasyon. Tss!
"Ay pre! Aga mo atang nagising?" tanong nito.
I gave him a loopsided smile, "I was about to jog outside. Since nandito rin naman kayong dalawa, pwede bang magtanong sa inyo?" kailangan ko na kasing simulan ang plano ko.
Nagkatinginan sila tsaka tumango, "Okay lang. Ask away."
"Gusto ko sanang malaman ang sistema ng Palace Knights dito."
Nawiwirduhan na napatitig naman sa'kin ang dalawa. Siguro nagtataka sila bakit hindi ko alam ang tungkol sa bagay na'yun. Psh! Kasalanan ko bang galing ako sa Earth?
Clyde sighed and dismissed the thought, "Merong anim na ranggo ang Palace Knights ng Grandour. Enlistee, Officer, Captain, Colonel, General at ang pinakamataas ay Commander."
Tumango naman ako habang mataman na nakikinig kay Clyde. Enlistee, sila daw 'yung under pa sa training. Kumbaga ay hindi pa sila opisyal na Palace Knights. Ang officer naman ay ang tawag kapag nakagraduate ka na at doon ka lamang pwedeng i-deploy sa ibang lugar. Sunod ay ang Captain, sila ang kapitan na may hawak sa mga officer. Sunod naman nun ay Colonel. Ang malalaking town gaya ng Ghorn ay may isang Colonel na nagsusupervise. Ang sabi pa ni Clyde, merong 32 na Colonel sa buong Grandour Kingdom at si Colonel Golemiun ang isa sa tinataguriang malakas at sakim. At ang 32 na Colonel na ito ay under sa apat na General. Ang apat na heneral ay ang apat na pinili mismo ng commander. Nasa level 150 na raw ang bawat isa sa kanila at kayang talunin ng isa ang isang buong batalyon sa loob lamang ng ilang minuto. At panghuli at ang pinakamalakas sa lahat, ang Commander. Kahit daw magsama sama ang apat na heneral, hindi raw nila kayang matalo ang Commander. Wala ring makakapagsabi ng totoong antas ng kakayahan nito. Sabi rin ni Clyde, ang Commander daw ay nagtatrabaho sa ilalim ng hari. Pero kung ang hari ay nakokontrol ng opisyales nito, basically, sa hawak rin nila ang Commander?
BINABASA MO ANG
The Summoned Hero (Turtle Update)
Приключения*** Ting! [ SPECIAL QUEST ] Save the Kingdom of Grandour by stoping the war and put this place in peace. Would you accept the responsibility and be the Summoned Hero? [ACCEPT] [DECLINE] *** Your typical summoned hero story. Read at your o...