- C H A P T E R 42 -

658 46 9
                                    

- C H A P T E R  42 -

(>,<)

Pagkatapos na'ming ayusin ang lugar ay napagdesisyunan na na'ming bumalik sa bayan. May ilang bagay pa kaming kailangan na ilagay at makukuha lang na'min iyon sa labas ng Elven Forest. Mukang kailangan na'ming gumawa ng excuse para makalabas.

Pagkarating na'min sa bayan, si Gail agad ang hinanap ng mga mata ko. I saw her kasama ang iilang kababaihang elves na parang may kung anong pinag-uusapan. It seems that they have a problem.

"Pwede namang bumili sa labas–"

"Naku. Delikado po." agad na pigil ng isang babaeng elf.

"Di na po bali na konti lang ang magiging preparasyon ang mahalaga ay ligtas ang lahat." pangangatwiran ng isa pa.

Natahimik si Gail at nag-isip. Habang nag-iisip ay nagtagpo ang mga mata na'ming dalawa, sa hindi malamang dahilan, biglang umaliwalas ang mukha nito na parang may naisip na magandang ideya. Gail smiled widely tsaka kami kinawayan at pinalapit sa kanila.

Nagsilingunan tuloy silang lahat sa amin.

"Ano pong meron?" inosenting tanong ni Athena sa kanila.

Agad namang sinabi ni Gail ang problema nila, "Kulang kami sa iilang bagay. Actually, makikita naman sana sya rito sa loob ng Elven Forest pero dahil sa naging pinsala ng miasma, mukang malabo na makahanap sila sa ngayon. So, our only option is sa labas bilihin ang mga iyon pero ayaw naman nila dahil sa delikado raw. So, hihi, pwedeng humingi ng favor?"

Lihim naman akong napangisi dahil sa ang swerte ko. Mukang ito na ang hinahanap kong dahilan para lumabas.

"Mukang sasang-ayun lang sila kung kayo ang lalabas, so, pwede?" nakangusong pagpapacute ni Gail.

Lihim naman akong ngimisi, 'Kiss muna–'

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nung pinangdilatan ako ng dalaga at inirapan. I heard Athena's chuckled kaya napaiwas ng tingin si Gail habang namumula ang mukha. Ngiting-ngiti na nagtaas naman ng kamay si Athena kaya nabaling sa kanya ang atensyon ng lahat.

"Bakit hindi nalang po sina Kuya Kage at Kuya Xander ang bibili ng kakailanganin ninyo sa labas?" she suggested, "Kita nyo naman po, pogi itong dalawa kong kuya. Hindi po ba mas maganda kung alam din nila kung paano mamalengke? Alam nyo na, pogi points kung baga. Sila po ang patunay na hindi lang sa pakikipaglaban ang kayang gawin ng mga lalaki." panghihikayat pa ni Athena. "Hindi po ba maganda sa isang lalaki ang marunong ng mga ganitong bagay. Husband material sabi nga nila."

The elves murmured to each other. Kung kanina ay duda pa sila na kailangang may isang babae ang sumama, ngayon naman ay sunod sunod na silang nagsisang-ayunan sa gusto nito. I saw how her smile widened tsaka kami tiningnan at nginitian ng malapad, pasimple pa syang kumindat sa amin.

At kami na nga ni Kage ang naatasang bumili. Kage's holding  the list habang ako ay nakasunod naman sa kanya. Walang imik na binagtas na'min ang daan papunta sa wagon na bitbit na'min. Nung marating na'min ang kinaruruonan nito, I saw the Elder silently feeding and petting the horses. Nang mapansin na nandito na kami ay nakangiting binalingan nya kami ng tingin and it seems that he's waiting for us.

'Alam ba nya na pupunta kami rito?'

Instead of answering my silent question, the Elder simply gave way para makuha na'min sa pagkakatali ang dalawang kabayo na gagamitin na'min ni Kage. He remained silent and smiling.

"Huwag kayong magdalawang isip na tumulong sa nangangailanagan, Ginoong Xander, Ginoong Kage. Bukas ang aming tahanan para sa taong sugatan." matalinhagang saad nito na syang nagpakunot sa noo ko, but knowing him, wala rin syang iba pang sasabihin, "Mag-iingat kayo sa inyong gagawin." with that, he turned his back and left us confused.

The Summoned Hero (Turtle Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon