- C H A P T E R 7 -

1.8K 91 2
                                    

- C H A P T E R  7 -

- o(^▽^)o -

"Maraming maraming salamat talaga sa inyong dalawa!" si Village Head Lauro. Actually nakakailang ulit na syang nagpapasalamat sa amin ni Gail mula pa kaninang nakabalik kami.

Akala nga nila ay di kami nagtagumpay sa Cave of the Blessed dahil daw di na kami nakabalik pero dahil sa may nakapansin na umayos na raw ang tubig nila, dun lang nila napagtatanto na nagtagumpay kami.

"Hijo, hija, mag-iingat kayo sa pagpunta ninyo kay Temyong. Masyadong delikado ang daan papunta sa kanyang tahanan, masyadong malalakas ang mga mobs doon."

Ngumiti si Gail sa matanda, "Opo. Maraming salamat ulit sa pagtuturo ng dereksyon sa amin."

Di nga nagtagal ay umalis na kami dun. Halos maiyak-iyak pa nga ang iba dahil sa sobrang saya. Ang sabi ni Village Head Lauro, ang lugar na kinaruruonan ng bahay ni Tandang Temyong ay kailangan daw na'ming tawirin ang dagat. Di kalayuan sa Craken Village may bayan daw na kung tawagin ay Ismaelita Town, o mas kilala bilang fishing port dahil sa nasa tabi ito ng dagat. Doon daw ay may barkong nakadaong na dumadaan sa isang munting isla kung tawagin ay Islet of Esoterika. Tanging malalakas na adventurers lang daw ang naliligaw sa lugar na 'yun dahil nga sa delikado at matataas ang lebel ng mobs dun. Tapos ang bahay ni Tandang Temyong ay nasa pinakagitna ng lugar pero ang sabi ni Village Head Lauro, piling tao lang daw ang makakakita nun. Kung paano nalaman ni Village Head Lauro ang bagay na 'yun, ayun, di na sinabi at nginitian lang kami.

***
Ting!

You got a new message from Clyde.

[open]   [close]   [delete]   [call]

***

Napabuntong hininga nalang ako tsaka ko pinindot ang call. At sa harapan ko ay may malaking screen na lumabas at kita roon ang pagmumukha ni Clyde na parang timang kung makangiti tas tumataas bumababa pa ang dalawang kilay. Bahagya ko iyong inilayo sa akin para maayos ko syang makausap. Don't worry, lumulutang naman sya.

"Pre! Kamusta? Di ata kayo nakauwi ng prinsesa na'min kagabi?"

Napabuntong hininga ako ulit. Sinasabi ko na nga ba eh. "Napagot kami kahapon kaya ayun, dito na kami nagpalipas ng gabi."

Napahalakhak ang loko, "Fumie koooo!! Napagod daw sila."

At sunod ko nalang na narinig ay ang tili ni Fumia at ang daing ni Clyde dahil siguro hinahampas hampas ito ng nobya. At di nga nagtagal, lumabas na ang mukha ni Fumia sa VS ko.

"Ano bang iniisip nyo? Nawalan ako ng malay dahil sa nakalaban na'min, gabi na nung magising ako at nananakit pa buong katawan ko kaya dun nalang kami nagpalipas ng gabi. Ang utak nyo talagang dalawa, ang dudumi." naiiling na sagot ko. Napatingin naman si Gail sa'kin with questioning look.

"Sino kausap mo?"

"Si Clyde at Fumia, may mensaheng pinadala. Tinawagan ko nalang ayun, gusto mo silang kausapin?"

She nodded her head kaya lumapit naman ako sa kanya at ipinakita ang mukha ni Fumia na nakanguso at si Clyde na nakangising aso pa'rin.

"Bes!! Wala talagang nangyari sa inyo?" nang-uusig na tanong ni Fumia.

Naguguluhan man ay ngumiti lang ang babae sa kausap, "Maraming nangyari bes! Hayaan mo ikukwento ko sa'yo kapag nakabalik kami dyan agad."

At gaya ng inaasahan, nagtitili na naman ang babaeng maingay. Natigil lang ito nung tinakpan ng kamay ni Clyde ang bunganga ni Fumia.

The Summoned Hero (Turtle Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon