- C H A P T E R 36 -

1.4K 84 16
                                    

- C H A P T E R  36 -

d(-_^)b

"Bes, mag-iingat kayo ah?" maluha-luhang pamamaalam ni Fumia kay Gail. Todo pahid pa ito sa kanyang imaginary luha, "Mamimiss kita." at ngumawa na po sya at tsaka nya niyakap ng sobrang higpit si Gail may kasamang gigil pa yan. Dahil nasa likuran ako ng dalaga, kitang-kita ko kung paano ako pandilatan ni Fumia at ipinakita pa sa akin ang kamao nya, 'Ingatan mo itong besty ko, Xander.'

Naiiling nalang talaga ako kay Fumia, may sayad talaga ang babaeng 'to.

"Baliw ka talaga, bes. Babalik pa naman ako at isa pa, malalakas kaya itong mga kasamahan ko." natatawang pangangatwiran ni Gail, "Oh sya, alis na kami."

After the unending drama, nakaalis na nga kami ng tuluyan sa harapan ng guild house. Para raw sa mas komportable ang magiging paglalakbay na'min papunta sa Elven Forest, isang wagon na may kalakihan ang ipinalit nila sa kabayong sasakyan na'min dapat. Dalawang kabayo ang humihila kaya di rin naman sya papahuli kung bilis lang din naman ang pagbabasihan. Makakaiwas pa kami sa araw dahil sa may takip itong wagon tapos salitan kami sa pagpapatakbo at sa ngayon ay si Kage ang nasa unahan, kasama nya si Kashmir, ang Elven Warrior.

Kashmir Fuani

He has a long blonde hair na tinali lang nito, he has this pair of gray orbs and pointy ears. Maputing tao at hindi rin nagkakalayo ang taas na'ming dalawa, a skinny body and he has a bow as his weapon. Well, elves are known for being a great archer, pero isang normal na bow lang naman tong dala nya. Elves might be superior being compared to humans pero itong Elven Warrior ay nasa level 49 palang. Buti at narating nito ang Ghorn Town na hindi nakaka-encounter ng mga taong affiliated sa Black Market. Madalas kasi sa mga rogue elves, iyong mga elves na mas pinipiling umalis sa Elven Forest, ay hinuhuli at ibinibenta para pagkakitaan. Kadalasan ay slavery ang inaabot nila. Nasabi na'rin kasi sa akin ni Gail na nung makita nya ito ay sugatan ito at kung hindi agad nagamot ay posibleng mamatay. Luckily he survived.

Natawa nalang ako nung makita ko si Athena na bahagyangg humikab. Ang aga ba naman na'ming umalis, no wonder inaantok pa ang batang 'to. Inilabas ko nalang ang VS ko tsaka ko tiningnan ang pinakamadaling rota papunta sa Elven Forest. As much as possible, dapat maging tahimik ang gagawin na'ming paglalakbay. This is a covert mission so ayaw na'ming makakuha ng atensyon.

Hinayaan ko nalang na matulog ulit sina Gail at Athena habang sa tabi nila si Luxiel na kanina pa tulog. Noong makita kong nakatulog na sila, kumuha nalang ako ng isang kumot tsaka ko iyon ipinatong sa kanilang dalawa pagkatapos tsaka ako pumunta sa harapan kung nasaan sina Kage at Kashmir.

"Papasikat na ang araw." pansin ni Kashmir. Nung tingnan ko sya ay nakatingala sya sa langit.

Tumango ako. Mahaba haba rin kasi ang kakahuyang kasalukuyan na'ming binabagtas kaya mukang dito kami masisikatan ng araw at hindi rin naman na'min kailangang pabilisan masyado ang takbo ng kabayo dahil nga sa madilim ang dinadaanan na'min.

"Take a rest, Kash. " sabi ko sa lalaking Elven Warrior. Wala na'rin naman na itong nagawa pa at pumasok nalang sa likuran at naghanap ng pwesto at dun sya sumandal at ipinikit ang mga mata.

Ako naman ang pumalit sa kinauupuan nya kanina. Mukang wala namang balak na magsalita si Kage kaya hinayaan ko nalang at itinuon ko nalang ang atensyon ko sa unahan kung saan may ilaw na syang nagsisilbing liwanag para makakita ang mga kabayo.

So far, tahimik naman ang naging paglalakbay na'min hanggang sa marating na nga na'min ang Habahoho. Kage presented a piece of paper sa Palace Knight na syang inabot naman nito at binasa.

"Pwede na kayong dumaan." sabi ng Palace Knight pagkatapos na ibalik ang nirolyong papel.

Tumango lang naman si Kage at di na nagsalita pa. It's a traveler's pass na syang ibinigay sa amin ng guild kahapon. It's an easy access for us to enter and leave and to avoid being questioned. Ipakita lang daw na'min yun at makakaraan na kami sa isang lugar.

The Summoned Hero (Turtle Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon