- C H A P T E R 40 -

976 75 6
                                    

- C H A P T E R  40 -

ヾ(@^▽^@)ノ

Eksaktong alas sais ng umaga ay umalis kami sa bayan para puntahan ang Tempest Temple.

Ang Tempest Temple ay medyo may kalayuan sa bayan at ito ay nasa taas ng isang burol kaya medyo mahihirapan raw kami sa paglalakad lalo na at medyo may kalayuan ito mula sa paanan.

"Wow!" ang naisusal ni Athena habang nakatingin sa may kahabaang hagdan na dadaanan na'min bago kami tuluyang makarating sa Tempest Temple.

I ficused my eyesight and that's when my vision adjusted, nagmukha itong sa magnifying glass at kita ko na ang dulo. Tanging sirang-sira na bubong lamang ang nakikita ko mula sa kinatatayuan na'min and while looking at it, may kung anong madilim na nakapalibot sa buong templo. Habang papalapit kami kanina ay mas nararamdaman na'rin na'min ang kakaibang pakiramdam na hatid ng corrupted protector nila. Dahil sa miasma na nasa paligid, parang mga patay na punong kahoy ang mga naririto kaya dapat sana ay kita ang sikat ng araw pero dahil sa medyo makapal na ang miasma, wala masyadong liwanag na nagmumula mula sa haring araw.

"Kuya Sadclown, ilang steps po lahat bago na'tin marating ang tuktok?" excited na tanong ng bata. Totally not minding the heavy atmosphere surrounding us.

"Isang libo." maikling sagot ng lalaki tsaka na sya nagsimulang maglakad.

Well, di naman sya ganun katirik kaya di sya kataasan pero mahaba haba rin ang isang libo kaya medyo matatagalan rin kami. Walang imik na sumunod ako sa kanilang tatlo. Sadclown's leading the way, habang nagkukwentuhan naman sina Athena at Gail na naglalakad at ako naman ang pinakahuli at pinapakiramdaman ang paligid.

"Ako po ang pinakabata sa amin." rinig kong pagkukwento ni Athena kay Gail, "Palagi lang po ako sa loob ng kwarto ko pero kahit na ganun ay hindi naman sya boring. Si Uno, iyong pinakamatanda sa amin, ang palaging naghaharid ng pagkain ko. Sya rin po nagbibigay ng mga aklat na binabasa ko kaya naman enjoy na enjoy ako kahit nasa loob lang ako ng silid ko. Kasi Ate Brit kaya kong makapunta sa iba't-ibang lugar sa pamamagitan lang po ng pagbabasa. Alam mo Ate Brit, ang bait ni Uno. Sya po yung nagturo sa akin kung paano magbilang, kung paano magbasa at paano po gamitin ang gremoire ko. Parang sya nga po ang nagsilbing nanay ko doon."

Kahit na likod lang ng guardian ko ang nakikita ko, alam ko na nakangiti ito habang inaalala ang kanyang nakaraan.

"Ikaw ate, kamusta naman ang kabataan mo? Ang magulang mo po?"

"Lumaki akong ina ko lang ang kasama ko, hindi naman nagkulang si Ina kaya ayos lang din naman sa akin. Kahit na mag-isa lang sya ay pinalaki nya ako ng maayos, pangarap ko talaga noon pa na maging healer o di kaya ay adventurer. Well, adventurer pa'rin naman talaga ako pero nung makilala ko si Craige, parang namulat ako sa kung ano ba talaga ang gusto ko. Yung tipong, 'Ahh, gusto kong tulungan ang taong ito' then boom, I received my very own scepter kaya nung umuwi kaming dalawa sa Ghorn, I pursued my dream to be a healer."

"Ate, gusto mo po bang makilala ang ama mo?" inosenting tanong ni Athena sa dalaga.

Kahit na nakikiramdam ako sa posibleng panganib, hindi ko maiwasang hindi makinig sa dalawa at lalo na sa sagot ni Gail.

"Well, minsan. Sino bang hindi, di ba? Pero naiisip ko, kung gugustuhin ng tadhana na magkita kami, magkikita kami. Palaging sinasabi sa akin ni Ina noon na mahal na mahal raw ako ng ama ko pero may ilang bagay na kailangan nya lang na unahin kaya napilitan syang umalis."

"Hindi ka po galit sa kanya kasi iniwan ka nya?"

Marahang umiling si Gail rito, "Hindi, wala naman kasing dapat na ikagalit. Ama ko iyon, at gaya ng sabi ni Ina, may dahilan sya kung bakit nya ginawa iyon. Ikaw ba, wala kang balita sa mga magulang mo, baby Athena?"

The Summoned Hero (Turtle Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon