- C H A P T E R 27 -

1.3K 93 2
                                    

- C H A P T E R  27 -

(^_^)

Kisame na gawa sa wood materials ang unang sumalubong sa akin pagkadilat ko ng mga mata ko. Mukang nawalan ako ng malay pagkatapos ng nangyaring paglalaban na'min ni Ikaruga.

Nabapuntong hininga nalang ako upon remembering what happened. Di ko talaga inaasahan na maririnig ko ang boses ng Commander at hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa'rin ang kilabot na hatid nun sa akin. Buti nalang at nakatago ang pagkatao ko nun kung hindi ay nabunyag na sana ang buong pagkatao ko na ayaw kong mangyari.

I heaved another sighed as my eyes landed beside me. Maingat na inayos ko ang pagkakakumot kay Athena na ngayon ko lang napansin, tumabi pala sya saking matulog habang nasa mahabang sofa naman nakahiga si Kage at si Luxiel naman ay sa pang-isahang sofa na nasa kanyang pet mode. The three of them were snooring and sleeping peacefully.

Binuksan ko nalang ang VS ko at tiningnan kung meron bang notification akong nakaligtaan. Well, I leveled up. Level 203 na ako at nakatanggap rin ako ng ilang drops mula sa mga Snow Vulcan na natalo na'min. Mukang ang sobra sa monster core na nakuha ko ay ibibigay ko nalang sa kanila. Sapat na ang sampu na maiiwan sa akin para sa misyon ni kinuha ko sa Dowo Tribe.

Umaga na pala, mukhang napahaba ang tulog ko kaya medyo maayos na ang pakiramdam ko. Buong ingat na umalis ako sa tabi ni Athena at dumiretsong banyo para makapagsimula na ako ng mga gagawin ko sa araw na ito. Pagkalabas ko ng CR, tanging fitted shirt and black jogger pants lang ang suot ko, ang tuwalya ay nasa ulo ko. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko ay muling inilabas ko ang aking VS at tinawagan ko si Gail na agad naman nitong sinagot.

"Craige! How are you? Maayos na ba ang pakiramdam mo? Di ba nananakit ang katawan mo? Kumain ka na? Gosh! I was so worried lalo na at nakarating na sa'min dito ang nangyari dyan sa Isu City at di rin kita matawagan! Kaasar ka! Pinag-alala mo ako!"

May kung anong humaplos sa puso ko habang nakatingin lang ako sa dalaga na patuloy pa'rin akong sinisermunan.

"Hoooy, Alexander Craige Cohan! Nakikinig ka ba?" naasar na turan ng dalaga na inirapan pa ako.

"Opo. Don't worry, okay lang ako maging sina Athena ay mahimbing rin na natutulog rito. Isa pa, naayos na na'min ang gulo na meron ang syudad na'to."

Para namang nakahinga ito ng maluwanag dahil sa sinabi ko, "Hindi ko naman kasi maiwasan na hindi mag-alala sa inyo. Oh sya, kumain ka na dyan, okay? Wag magpapagutom. Malaman ko lang talaga na nalilipasan ka, masasakal talaga kita kapag nagkita tayong muli." at nandidilat pa ang mga mata nito habang dinuduro ako.

Pero imbis na kabahan ay natawa lang, sino ba ang matatakot kung mukhang anghel pa'rin sya kahit na ganun ang ekspresyon nya? Darn! My Gail is so cute!

"Alam ko yang kislap ng mga mata mo, huh, Craige. Totohanin ko talaga 'yung sakal ko sa'yo kapag pinabayaan mo ang sarili mo."

I laughed na syang mas nagpainis pa rito, "Ang cute mo lang kasi."

"Tseh! Di mo ako madadala dyan sa pangbobola mo. Okay? Tss! Dyan ka na nga!" at bigla nalang nawala ang mukha nya sa harapan ko. Natatawa at naiiling nalang talaga ako sa kanya.

***
Ting!

You received a message from Gail. What would you do?

[ open ]   [ close ]   [ delete ]   [ call ]

***

I clicked the open at di ko na talaga napigilan ang ngiti ko pagkabasa ko sa mensahe nito.

***
[ New Message ]

The Summoned Hero (Turtle Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon