- C H A P T E R 39 -
(>y<)
"Okay!" masayang tugon ni Athena na nakataas pa ang dalawang kamay, "Ang mobs na apektado sa miasmang inilalabas ng protektor ninyo ay umaatake kahit anong oras nila gustuhin at ang kailangang gawin ay tapusin silang lahat. Tama?"
Makon nodded his head as approval.
"At habang patagal ng patagal ang pangyayaring ito ay mas lalo silang lumalakas habang kayo ay pahina nang pahina na ang kinalabasan ay ang mga sugatan ninyong kasamahan. Idagdag pa na wala na kayo masyadong makain, wala na kayo masyadong lakas at halos lahat ng warrior ninyo ay sugatan na'rin."
Nagsitanguhan ulit sila.
"Masakit mang sabihin pero magiging mahirap ng dependahan ang susunod nilang pag-atake." si Elder Haldir, "Sa ngayon, si Legolas at sampong Elven Warrior nalang ang may lakas na lumabas. Ang iba'y sugatan at ang iba'y may sakit. Ang bilang na'min na iyon ay hindi tatagal sa posibleng lulusob sa amin."
Tahimik na nakikinig lang ako sa kanila rito sa tabi. Si Gail ay umalis na kanina pagkarinig ng sitwasyon para tulungan ang mga may sakit at sugatan na nasa Bahay Pagamutan. Dito kasi kami nag-uusap sa maliit na bahay na ginawa nila ng madalian para madali nilang madepensahan ang lugar. It's like a tower. The place is higher but its sturdy and big enough to accomodate us all and since its high, mas madali nilang makita kung may papalapit.
Lihim akong napa-iling ng biglang lumawak ang pagkakangiti ni Athena at kumikinang ang mata. She looks so eager for whatever reason she has.
"Ahm, si Kuya Kage na po ang bahala dun sa pagpoprotekta dito sa bayan." si Athena na para bang nag-iimbita lang, "Sabi nyo nga po, ang mobs ay sumusugod bilang grupo at sa iisang lugar lang, that made his work easier." at mas ngumiti pa sya ng maluwag. "Para makasigurado, iiwan rin po na'min sina Luxiel at Skylar rito in case na biglang umiba ang takbo ng hangin at bigla silang sumugod sa iba't-ibang lugar. Habang ako, si Ate Brit, Kuya Xander at Kuya Sadclown ang haharap sa protector ninyo. Sama ka Kuya Sadclown sa'min, assassin ka po di ba? Sa sitwasyon ngayon, mas mabuti na tapusin na'tin ito hanggang sa maaga pa. Pero wag po kayong mag-aalala, yan lang naman po ay mangyayari kapag sumugod ang mobs na wala kami rito pero kung nandito kami, syempre tutulong kami sa abot ng makakaya na–"
"Teka bata, hindi sa nakikialam ako ah, pero masyado mo naman atang minamaliit ang mobs at ang protector." ang isa sa sampong natitirang Elven Warrior. "Kahit dalawa na kami sa iisang mob ay nahihirapan na kami, pano pa kaya kung iisa lang sya sa maraming mobs at apat lang kayo sa isang corrupted na protector na'min? Nahihibang ka na ba, bata?"
Sa tono ng pananalita ng warrior na'to, halata na minamaliit nya ang kakayahan ni Athena. The guy is bulky and about six feet tall. As far as I can see it, sya ang ikalawang may pinakamataas na level, ang una ay si Legolas. Legolas is Level 72, the muscle guy named Askon is level 68, Makon's 67, Sadclown is 66 habang ang iba pa ay nasa line of five na. It seems that their peaceful life here made their level a bit lower.
Imbis na maasar sa klase ng pananalita ni Askon, ngimiti pa ng inosente si Athena rito, "Kuya Askon, hindi po ba isa sa pinakamadali at simpleng plano na may maiiwan rito habang ang iba ay gagawin ang mission sa paglilinis sa dragon. Isa pa, mas gusto ni Kuya Kage ang laban sa maramihan habang ako gamit si Luthor at si Kuya Xander gamit ang ang bow nya ay kayang patigilin ang galaw ng dragon dahil sa affinity na lightning na kayang mang-stun at dun na papasok si Ate Brit at boom, ayos na. Si Kuya Sadclown naman, aside sa assassin sya ay sya rin ang mas nakakaalam ng lugar na'yun dahil na'rin sa dun sya naka assign at kailangan na'min po ng tao na may alam tungkol sa lugar." mahabang paliwanag ni Athena at nagawa pa nitong pamaywangan ang hindi na nakapagsalitang lalaki.
BINABASA MO ANG
The Summoned Hero (Turtle Update)
Phiêu lưu*** Ting! [ SPECIAL QUEST ] Save the Kingdom of Grandour by stoping the war and put this place in peace. Would you accept the responsibility and be the Summoned Hero? [ACCEPT] [DECLINE] *** Your typical summoned hero story. Read at your o...