- C H A P T E R 19 -
ƪ(˘⌣˘)┐
"Kelan nagsimula ang itim na marka sa katawan nya, Mayor?" tanong ni Gail pagkatapos na suriin ang katawan ng babaeng anak ng mayor.
"Mag-iisang linggo na, hija." mahinang tugon nito.
Natahimik ang dalaga at nauwi sa malalim na pag-iisip.
Natapos kasi ang surpresa ko sa kanya kagabi ay masayang pinagsaluhan na'min ang candlelight dinner na isang napakalaking success. Worth it na worth it! Hayop lang!
At ito na nga kami ngayon, kakatapos lang na suriin ng dalaga ang katawan ng anak ni Mayor Horace Gustavo, ang pinuno ng Pharoshia City. His daughter, Azeluna Gustavo, o mas kilala sa Luna ay parang isang prinsesa na natutulog sa isang napakagarang kama. Ang katawan nya ay nangangayayat at halos sakupin na ng itim na tinta ang buong katawan nya. Maraming manggagamot na ang sumubok na pagalingin si Luna pero walang nagtagumpay.
Nasabi sa'min ng ama nito na nakuha nya raw ang itim na tinta sa isang misyon nito. Isang adventurer si Luna despite sa pagtutol ng ama nito. Ang sabi ay parang sa nunal lang daw ito kalaki noong una pero pagkalipas ng tatlong araw ay lumaki na ito at halos sakupin na ang buong balikat nya. At dun na nga nagsimula ang sintomas nito. Sa umpisa ay palagi raw syang napapagod, kahit ang mga simpleng gawain raw ay hinihingal na sya. Hanggang sa nagsimula na syang mawalan ng gana sa pagkain at minsan ay nahihimatay pa sya. At ang pinakamalala raw ay nung nakaraang araw, nagsuka raw sya ng dugo at ito nga, nawalan ng malay. Ang itim na nasa balikat nya pa lang noon ay nasakot na halos ang buong katawan nya.
"Craige, can you feel it too?" baling sa'kin ni Gail.
Tumango ako tsaka napatitig na naman sa itim na tintang nasa katawan ng dalaga. May kakaiba kasi akong nararamdaman mula sa itim na mga marka. Hindi sya kalakasan pero katulad sya ng pakiramdam nung naencounter na'min si Deity Almera.
"Ang itim na marka sa kanyang katawan ay gawa ng isang corrupted na bagay. Pwedeng mobs, beast, kalikasan o kahit ano na kontaminado ng kasamaan. Ang itim na tinta na iyan ay ang kumukuha ng lakas ng inyong anak, Mayor Gustavo. Aside sa kanyang lakas, sinisira rin nito ang katawan ng anak mo. Swerte lang at hindi malaki ang naging pinsala nya."
"K-kaya mo bang gamutin ang anak ko, hija? P-paki-usap, gagawin ko ang lahat matulungan mo lang sya."
Marahang tumango ang dalaga kaya biglang lumiwanag ang mukha ng matanda. Gail looked at me and she nodded her head.
Nagbigay ng distansya si Gail kay Luna tsaka nya itinutok ang kanyang Divine Scepter dito. Lumayo naman kami sa kanila. Gail started her chant at kasabay nun ay ang pag-ilaw ng kanyang paanan.
"Hands graced by the holy being. Heal thy person infront of me. Inked by darkness, swallowed by evilness. With my name, reverse thy effect. Holy Light."
At ang liwanag na nagmumula sa asul na bato ng scepter nya ay pumunta kay Luna. Pagtama nito sa katawan nya ay bigla syang umilaw na syang sumakop sa buong silid. Napapikit tuloy kaming lahat.
Pagkawala ng liwanag ay syang pagdilat ko naman. At sumalubong sa'ming lahat ang inkless na katawan ng natutulog na babae. And with a blink of an eye, nasa tabi na ako ni Gail habang inaalalayan syang wag matumba. Ginawaran ko naman sya ng ngiti nang magtagpo ang tingin na'min.
"Salamat! Maraming salamat!" pahayag ng Mayor na halos lumuhod na sa harapan na'min ni Gail.
"Hayaan nyo nalang po munang makapagpahinga ang katawan nya sa loob ng isang araw at bukas na bukas rin ay babalik kami rito para sa ilang katanungan."
BINABASA MO ANG
The Summoned Hero (Turtle Update)
Adventure*** Ting! [ SPECIAL QUEST ] Save the Kingdom of Grandour by stoping the war and put this place in peace. Would you accept the responsibility and be the Summoned Hero? [ACCEPT] [DECLINE] *** Your typical summoned hero story. Read at your o...