- P R O L O G U E -
v (^_^) v
Pagkadilat ng mga mata ko ay isang pares ng maamong mga mata ang sumalubong sa'kin.
"Asan ako?" tanong ko sa nakapangalumbabang babae na nakasuot ng puting bestida. Kung titingnan mo sya, di naglalayo ang edad na'ming dalawa. May maamo syang mukha, nakalugay lang ang buhok nitong kulay light brown tapos may flower crown pa syang suot sa ulo. Nagmukha tuloy syang diwata. Haay!
Di sya sumagot kaya tinanong ko syang muli, "Nasaan ako at sino ka?" this time, seryoso na ako.
Sa pagkakaalala ko kasi ay namatay ako pagkatapos kong itulak ang isang batang bigla nalang na tumakbo sa gitna ng daan dahil sa hinabol nito ang laruang bola nya. Di ata nito napansin ang mabilis na pagpapatakbo ng isang truck kaya ayun, adrenaline rush kung tawagin, ako ang nasagasaan imbis na sya.
"Huling pagkakataon, sino ka? Nasaan ako? I thought I died?"
Napabuntong-hininga ang babaeng nasa harapan ko tsaka sya tumayo at nagsimulang lumutang sa ere. At habang nasa ere ay umupo ito, yoga style.
"Tama ka, you died saving a kid. Because of what you did, I summoned you here to give you a second chance to live again in another world."
"What's the catch?" seryosong saad ko. Hindi naman ako bobo para di mapansin na may kapalit ang muling pagkabuhay ko. Wala na'rin naman akong babalikan pa, so, why not hear her side of story?
"My name is Euriel, and I am the goddess and the guardian of the Kingdom of Grandour. Grandour is facing a huge crisis right now, they are battling their own kin, the supposed friend turned to each other and become mortal enemies. Races versus races. Slavery is everywhere. Drought is approaching. Lives of many innocent people will shed once the war break loose. And that's the reason why I summoned you here, I want you to stop the war and of course, defeat the real enemy."
Natahimik ako at pilit na dinadigest ang mga pinagsasabi ng babaeng nasa harapan ko. Naniniwala naman ako sa kanya, wala naman kasing imposible sa mundo, ang iniisip ko lang ay..
"Of all people, bakit ako? Okay, I can picture out the situation, naniniwala naman ako sa mga pinagsasabi mo pero isa lang talaga ang pinagtataka ko. Sa dami ng namamatay sa buong mundo, bakit ako ang napili mong magligtas sa kahariang ginagabayan mo? Bakit hindi ikaw mismo?"
"Dahil dito.." sabi nya sabay turo sa dibdib nya kung saan ang puso nito, "kulay puti ang iyong kalooban, isang patunay lamang na malinis ang iyong puso. Isa na'rin dun ang iyong pag-iisip, katalinuhan, diskarte sa buhay, lakas ng loob at di pagsuko sa ano mang problema."
Natahimik naman ako. Haaay!
"Ako ay isang taga gabay lamang, bilang isang dyosa ay hindi kami maaaring makialam sa mga nilalang na nasa ibaba. Pero dahil sa naaawa na ako sa mga nangyayari sa aking nasasakupan, ginawa ko ito upang tulungan sila."
Kita ko ang lungkot sa magaganda nitong mata kaya napabuntong hininga nalang ako, "Sabihin mo sa akin ang mga dapat kong malaman, at pagkatapos ay dun ako magdedesisyon kung papayag ba ako o hindi."
"Ang Kaharian ng Grandour ay bukas para sa lahat mapa tao ka man, elf, dwarve o demihuman. Pero dahil sa kasakiman ng kasalukuyang hari, nagkakagulo na ang lahat. Ang hari ay kasalukuyang pinapaikot ng kanyang mga opisyales na hindi nito namamalayaan, dahil doon ang ibang lahi gaya ng elves at demihuman ay ginawa nilang mga alipin tapos ang mga dwarves naman na likas na magagaling sa paggawa ng mga sandata at pananggalang ay ginawa nilang trabahador na kung saan hindi sapat ang pasahod. Dahil dito, nagkakagulo na silang lahat. Nag-aaway away na ang iba't-ibang lahi, marami na ang namatay at ayaw kong makita na ang dating masaya at maginhawang Grandour Kingdom ay masisira."
BINABASA MO ANG
The Summoned Hero (Turtle Update)
Avventura*** Ting! [ SPECIAL QUEST ] Save the Kingdom of Grandour by stoping the war and put this place in peace. Would you accept the responsibility and be the Summoned Hero? [ACCEPT] [DECLINE] *** Your typical summoned hero story. Read at your o...