- C H A P T E R 5 -
- (●__●) -
"Natagalan ata ang pag-uusap nyo?" nakataas ang kilay na bungad sa'min ni Fumia.
"Pre, isang payo pa pala. Wag na wag mong gagalitin ang mga babae. Bakit? Dahil mas nakakatakot pa silang magalit kaysa sa isang Epic Mobs na nasa Rage mode" mahinang bulong ng lalaki sa'kin.
Natawa naman ako dahil alam na alam ko iyon.
"Fumie ko, alam mo na, boys talk yun kaya sa'min nalang yun ni Pareng Xander. Di ba, pre?"
"Yup!" nasabi ko nalang tsaka na ako lumapit kay Gail, "Anong request ang nakuha mo?" ibinigay naman nya sa'kin ang isang kulay brown na papel.
***
Healing RequestDescription:
Cracken Village is currently experiencing unusual things and an unexplainable disease occured in that village. Solve the problem as soon as possible!Location: Cracken Village
Class D Quest
Guild Points: 600 Points (each)
Rewards: 2,000 Gold***
Tas may malaking pulang letter D ang nakalagay sa papel.
"Walang kumukuha ng ganyang request eh. Tas naisip ko si Britney, kaya sa inyo ko ibibigay."
"Bakit walang kumukuha ng mga ganitong quest?" tanong ko sa kanila.
"Kadalasan kasing kinukuha ng mga adventurer ay monster slaying quests dahil aside sa malaki ang rewards, may monster core rin silang makukuha. Hitting two birds with one stone ba. At medyo kalayuan ang Cracken Village dito sa Ghorn, at kokonti pa ang reward na nakalagay. Tas sabi nga dyan, healing request, wala namang adventurer dito na ganyan ang specialty aside kay Bes."
"Tsaka Pre, swerte rin kasi malapit lang dyan yung sinasabi ko sayo. Hindi kita matutulungan kasi bawat elemento ay iba iba raw ang kailangan, sabi ni Tandang Temyong. Itanong mo nalang kung saan sya makikita dyan sa Cracken, kilala naman nila si Tanda eh."
"Dalawang oras ang kailangan nyong bunuin para sa paglalakad tapos mga isang oras naman kapag sakay kayo sa kabayo. Ingat lngat lang kayo sa daan dahil baka may ligaw na mga mobs."
Tumango-tango ako sa kanila. "Salamat! Balik nalang kami as soon as matapos na'min 'to."
Pagkaalis na'min dun ay agad na dumiretso kami ni Gail sa isang tindahan. Bumili na'rin sya ng HP, MP at SP potions na kakailanganin na'min, tas idinistribute na'rin nya ang kanyang Stat Points. Limang Stat Points lang pala nakukuha nila kapag naglelevel-up sila tas akin sampu. Di ko nalang pinansin yun at pinagpatuloy lang ang paghahanap.
"Ano ba kasing hinahanap mo, Craige?"
"Isang item na may hiding ability." saad ko rito.
"Para san naman?" nagtatakang tanong nito
"Para sa'yo, may ibang adventurer kasi na may ability na makita ang stat ng iba. So, we need to hide your profile para walang may makakita sa information mo."
Biglang napatigil ito, napatingin tuloy ako sa kanya. "So, umpisa palang ay alam mo na?" tanong nito.
Napakamot ako sa batok ko at marahang tumango, "Oo pero hindi ang kung anong lahi."
She simply sighed tsaka sya na mismo ang umakay sa'kin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil di sya nagalit sa'kin.
Pasok, tingin, labas. Pasok, tingin, labas.
BINABASA MO ANG
The Summoned Hero (Turtle Update)
Adventure*** Ting! [ SPECIAL QUEST ] Save the Kingdom of Grandour by stoping the war and put this place in peace. Would you accept the responsibility and be the Summoned Hero? [ACCEPT] [DECLINE] *** Your typical summoned hero story. Read at your o...