- C H A P T E R 4 -
- (∩_∩) -
"Xander.."
Nabaling ang tingin ko sa malumanay na boses na nanggaling sa aking likuran.
"Dyosang Euriel.." saad ko rito. Kaya pala pamilyar ang lugar kung nasaan ako.
"Kamusta ka na, Xander?" tanong nito.
Napabuntong hininga ako, "Alam kong alam mo ang ginagawa ko. Pero gusto ko talaga sya eh."
"Xander, walang pumipigil sa'yo na magkagusto, may tiwala ako sa mga desisyon mo. Ang sa akin lang ay dapat mong ipagtapat sa dalagang iyong napupusuan kung sino at ka ba talaga. Alam mong hindi ka tatagal sa isang lugar dahil sa iyong misyon. Nasa sa iyo ang desisyon."
Napayuko ako, "Alam ko po yun."
"Sa ngayon ay gumising ka na. Nag-aalala na sya sa'yo.." tsaka nya ako nginitian.
Habol ang hiningang napaubo ako bigla. Shit! Dinalaw pala nya ako sa panaginip ko.
"C-craige. Okay ka na ba?" Tanong ng katabi ko. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa akin.
Kinabig ko sya palapit sa'kin at niyakap ng mahigpit, "Gail, natatakot ko.." saad ko rito.
Ngayon lang kasi nag-sink in sa isipan ko na maaaring madamay ang babaeng 'to. Hindi pa ako ganun kalakas para maprotektahan sya. At isa pa, gaya nga ng sabi ni Euriel, di ako mamamalagi sa isang lugar. Maglalakbay ako at di ko alam kung okay lang ba sa ganung set-up ang dalaga. Isama ko sya? Kahit ako ay ayaw nun! Masyadong delikado!
"H-hoy! Bat ka biglang umiiyak dyan?"
Di ako sumagot bagkus ay mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya at isiniksik ang mukha ko sa leeg nito. Ramdam ko naman na nanigas sya bigla kaya nga natawa ako ng bahagya.
"Hoy lalaki, minamanyak mo na ata ako eh."
Nakangising lumayo ako sa kanya, "Ano palang ginagawa mo rito Gail? Gagapangin mo sana ako nuh?" pang-aasar ko pa sa kanya.
Well, pagkatapos kasi na'ming kumain kagabi at magkwentuhan ay naghanap ako ng isang inn na pwedeng matulugan. Yung malapit lang sa kanya, yung sakop ng detect na talent ko para mabilis akong makatakbo papunta sa kanya. Pero mukang kabaliktaran ata ang nangyari.
Nanlaki ang mata nito at biglang umusok ang ilong, pinalo pa ako sa dibdib ko, "Ang kapaaaal! Hooy nagpunta ako rito kasi bigla akong nag-alala sa'yo!" tas bubulong-bulong sya dun. Narinig ko pa ang tungkol sa di ko pagpayag na dun nalang sa bahay nya magpalipas ng gabi.
"Gail, babae ka at lalaki ako. Kahit gaano man kahaba ang pagtitimpi ko ay ayaw kong sumugal at baka ako ang gumapang sa'yo." seryosong sabi ko rito.
At napatawa ako ng sobrang lakas dahil pulang-pula na ang mukha nito. Whahahaha! Kaya ayun, kahit na namumula ay ang sakit ng tingin sa'kin, iniirapan pa ako.
"Dyan ka na nga! Hmph!" at nagmartsa na sya paalis. Pfft! Ang cute lang. Lol!
Bumangon na ako at tumunga sa bintana. Pag bukas ko ng bintana ay medyo naghehello na si haring araw. Naligo nalang ako tsaka na nagbihis. Maghahanap ako mamaya ng isang accessory na may hiding ability. Masyadong hassle kasi ang kapa ng kadiliman. Lol!
***
[ Tina's Inn ]
South Side of Ghorn Town
4:54 AM***
"Xander, morning!" bati sa'kin ni Tina pagkababa ko, "Aga na'tin ah, san punta mo?"
"May susuyuing nagtatampo na tuta." natatawang sagot ko rito. Mukang naiintindihan naman nya ako kaya natawa lang sya.
BINABASA MO ANG
The Summoned Hero (Turtle Update)
Pertualangan*** Ting! [ SPECIAL QUEST ] Save the Kingdom of Grandour by stoping the war and put this place in peace. Would you accept the responsibility and be the Summoned Hero? [ACCEPT] [DECLINE] *** Your typical summoned hero story. Read at your o...