- C H A P T E R 17 -
╮(─▽─)╭
"So.. what are you all doing here?" tanong ko habang nakatingin sa apat na tao sa harapan ko. Fumia gave me a toothy smile habang nakaupo sa lapag na nakasandal ang likuran sa sofa, sa tabi nya ay ang nakangising si Clyde. Kaharap Katabi naman ni Clyde ay si Ate Tina na syang feel at home kung makaupo maging si Ate Luka ay di naman alam ang gagawin na parang nahihiya pa.
Gabi na ngayon. Same day na pinatawag kaming dalawa ni Clyde upang kausapin ang colonel. At dahil sa masayang balita, mabilis na nagpatawag ng pagpupulong ang Town Head at dun ay inianunsyo nya ang paglaya ng Ghorn Town mula sa kasakiman ni Colonel Golemiun at ng Palace Knight na nandito sa bayan.
Marami ang hindi makapaniwala pero bago matapos ang araw ay napatunayan ng Palace Knights ang mga binitawang salita ng pinuno nila dito. Nagkaroon tuloy ng salo salo ang buong bayan dahil sa nangyari, tutol man ang ibang kawal ay wala na silang nagawa pa. Kaya ayun, kasalukuyang nagkakaroon ng kasiyahan ang buong Ghorn Town kaya nga hindi ko alam kung bakit nandito ang apat na ito sa pamamahay ni Gail.
"Actually.. I messaged them." nakangiwing saad ni Gail habang nakataas pa ang kamay. "May kaunting inihanda kasi ako kaya inimbitahan ko sila rito."
Ano pa nga bang magagawa ko? Oh well, tapos ko na'rin kasi ang mission ko rito sa Ghorn Town kaya I spent my whole day enjoying with Gail. Alam ko, ramdam ko, na gusto rin nyang mag-enjoy kasama ako habang di ko pa nasisimulan ang paglalakbay ko.
"Kelan mo sisimulan ang paglalakbay mo?" untag ng dalaga na syang nagpatahimik sa lahat.
I sighed, pakiramdam ko ay may biglang bumara na kung ano sa lalamunan ko. Lahat ng pares ng mata ay napako sa akin.
"Sa susunod na tatlong araw, pagsapit ng unang araw ng susunod na buwan."
"Kung may kakailanganin ka pa sa paglalakbay mo, we are more than willing to help, Xander." saad ni Ate Luka sa'kin na tinanguan naman ng iba pa.
Upon seeing my friends and the one that I love the most, napapangiti nalang ako and at the same time nalulungkot.
"Salamat!" tanging nasabi ko.
"Nga pala.." untag ni Fumia habang nakalahad ang kamay sa harapan ni Ate Luka, "Ako pala si Fumia Natividad. Hihi! Di pa kasi tayo nagkakilala eh."
Ow? Di sila magkakilala? I thought magkakilala na sila since it was Clyde who recommended Ate Tina. Nung sinabi ko naman kasi kay Gail ang tungkol sa kanya ay wala namang kakaibang reaksyon ang dalaga. Psh! Naguguluhang napatingin tuloy ako kay Ate Tina.
"Well, lahat ata kilala ang babaeng ito but only few actually saw her." si Ate Tina, "Btw, this nerdy is a friend of mine. Rae Alluka Huxley."
Biglang nagulantang naman si Fumia habang si Clyde ay nanlalaki ang mata at hindi makapaniwala. Natatawang nakipagkamay nga si Ate Luka sa tulala pa'ring si Fumia.
"Pleasure is mine, Fumia."
"Kyaaaaah!!!" at nagtitili na po sya. Anong nangyayari? "I meet my idol! My gosh! Sinasabi ko na nga ba na ang swerteng kaibigan nitong si Xander eh." at halos sambahin na nya ang kanyang kamay na hinawakan ni Ate Luka.
"Well, Luka is known as the mage goddess before we decided to quit being an adventurer. Pero konti lang talaga ang nakakita ng pagmumukha nya. Pangit kasi kaya pa mysterious epek kunwari."
"Nagsalita ang archer na ang grupo lang ang nakakakilala." ganti naman ng isa, "Well, to inform everyone, this person as you all know as Ate Tina is actually Athena, the huntress." ganti ni Ate Luka na umirap pa kay Ate Tina.
BINABASA MO ANG
The Summoned Hero (Turtle Update)
Aventura*** Ting! [ SPECIAL QUEST ] Save the Kingdom of Grandour by stoping the war and put this place in peace. Would you accept the responsibility and be the Summoned Hero? [ACCEPT] [DECLINE] *** Your typical summoned hero story. Read at your o...