Shes' his babysitter
"Kasper! Ilang beses ko bang sasabihin sayo? Wag kang uminom ng coke sa umaga!"
"Bakit hindi mo kinain yang gulay"
"Bilisan mo nang kumain at malelate na tayo sa school"
Rinding rindi na si Kasper sa boses ng kaniyang katulong/babysitter na si Mikella. Ngunit hindi na lamang siya nagsalita pa dahil alam niyang sandamakmak na namang pagbubunganga ang lalabas sa bibig ng babae.
"Ano na! Bilisan mo na sabi!"
"Bakit ka ba nagmamadali? We still have more time. It's not like malelate na tayo or something" Reklamo ni Kasper ngunit hindi na rin siya umangal at tumayo na sa dining table matapos humigop muli sa baso niyang may lamang coke.
"Tsk! Tiningnan ko ang dyaryo kanina at may sunod malapit satin. Magrereoute pa tayo at mapapatagal ang byahe kaya't kailangan nating bilisan."
Naparolyo na lamang ng mata si Kasper at muli ay hindi na sumabat. Kinuha niya ang bag niya bago sumunod kay Mikella.
Katulad niya ay nakasuot na rin ito ng uniporme ng eskwelahan nila. Pinagaral si Mikella ng magulang ni Kasper sa eskwelahan pinapasukan din ni Kasper. Ngunit Di tulad ng ibang mayayamang pamilya ay sa middle class na school lamang sila ipinasok. Private din ito ngunit hindi magarbo at magagara ang mga estudyante rito. Inisip ng kaniyang magulang na mabuting maranasan ni Kasper ang buhay ng normal na tao upang matuto siyang makuntento sa kung ano ang meron siya.
Nang makasakay sila sa kotse kung asan ang driver ng kanilang pamilya ay bumuntong hininga si Kasper at ipinikit ang mata upang ituloy ang tulog na hindi niya nakumpleto dahil maaga siyang ginising ni Mikella.
Ilang minuto ang nakalipas ay kinapkap niya ang kaniyang bulsa at napagtantong hindi niya pala nadala ang kaniyang cellphone.
"Kuya! Ikot po tayo! Nakalimutan ko ang cellphone ko."
"Oh." Napatingin si Kasper kay Mikella na hawak ang kaniyang cellphone.
"Alam kong makakalimutan mo na naman yan," inabot ni Mikella kay Kasper ang kaniyang cellphone bago hinarap muli nito ang librong binabasa nito.
"Thanks," maikling tugon ni Kasper at sikretong napangiti nang pagmasdan si Mikella. 'kahit na nakakairita minsan ang ugali nito ay maaasahan ito. Kaya siguro siya ang pinili ng mga magulang ni Kasper.
"Hindi ba lumabo ang mata mo niyan?" Tanong ni Kasper kay Mikella.
"Malabo naman na mata ko."
"Bakit Di ka bumili ng salamin?"
"Dagdag gastos."
At dun na tumigil ang kanilang usapan. Alam ni Kasper na kuripot talaga si Mikella at hindi niya basta basta sasayangin ang sinasahod niya bilang katulong para lamang ipangbili ng salamin.Lunch break
"Guys! May nagaaway sa cafeteria" sigaw ng isang ka klase ni Mikella. Hindi niya ito pinansin at pinagpatuloy ang kaniyang pagaaral.
"Sino?"
"Si Kasper at yung buong barkada ni Lyon"
Nanlaki ang mata ni Mikella at bigla siyang napatayo sa upuan.
"Asan sila?"
"Sa cafeteria sa building B-" hindi na pinatapos ni Mikella ang pagsasalita ng lalaki at kumaripas palabas ng classroom nila.
"Pinagkakatiwalaan ka namin Mikella" Naalala ni Mikella ang sinabi sa kanya ng nanay ni Kasper.
"Sana maalagaan mo nang maayos ang anak ko"
Dagdag pa ng tatay ni Kasper.
"Wala po kayong dapat ipagalala. Hindi ko po hahayaang may masamang mangyari sa kanya."
Nang makarating na siya sa cafeteria ay nakita niya dun si Kasper na pinalilibutan ng tatlong lalaki.
"Alam ko na! Takot ka pala eh." sigaw ng isang lalaki.
"Takot? Ako? Bakit? Ako ba ung may dala pang dalawang alipores at hindi ako kayang harapin nang magisa lang?" Nakangising sabi ni Kasper.
"Kasper! Tanga ka talaga!" bulong ni Mikella sa sarili.
"Eh gago pala to eh-" Nang akmang susuntukin na ng isang lalaki si Kasper ay mabilis na tumakbo si Mikella palapit sa kanila. Humablot din siya ng isang tray na walang laman at ginamit ito bilang panangga sa suntok ng lalaki."Hoy! Sino ka bang babae ka at bigla ka na lang nakikisabat sa away ng mga lalaki?"
"Hindi ba sabi ng teacher bawal mag away sa loob ng school? Gusto mong ma suspend?"
"Pakialam ko? Kaya naman bayaran ng parents ko ung mga kupal na teacher dito"
Napangisi si Mikella.
"Walang kwenta"
"Anong sinabi mo?!" Nanlaki ang mata nito at dagliang tinapunan ng suntok na naiwasan ni Mikella. Sa kaniyang pagilag ay sinipa niya ito sa sensitibong parte ng katawan atsaka tinulak pahiga."Tara na," Sabi niya sabay hawak sa kamay ni Kasper.
Nang makalayo na sila mula sa cafeteria ay kinalas ni Kasper ang paghawak sa kanya ni Mikella.
"Bitiwan mo ko."
"At bakit na naman? Para bumalik ka doon at hamunin uli sila ng away? Hay nako, Kasper. Pag ako nalagot sa mga magula-" hindi na natapos ni Mikella ang kaniyang sasabihin nang biglang sumigaw si Kasper.
"Ginagawa mo lang naman ito dahil sa kanila Diba?! Dahil trabaho mo to! Dahil babayaran ka nila!"
"Hoy! Sumosobra ka na! Ginagawa ko yon dahil gusto kitang protektahan!"
"Hindi na ako bata!"
At padabog nang umalis si Kasper.
Wala nang nagawa si Mikella kung hindi ang bumalik na rin sa kaniyang classroom dahil malapit nang magsimula ang sunod nilang subject.Uwian.
Panglimang beses nang paikot ikot si Mikella sa field ng kanilang eskwelahan ngunit hindi niya pa rin mahanap si Kasper.
"Asan ba yung lalaking yun?" Bulong niya sa sarili. Bumalik siya sa loob ng school at pinuntahan ang section ni Kasper.
"Anong oras ba umalis si Kasper?"
"Sabi ko nga sayo! Kanina pa siya umalis. Nagcutting classes siya."
"Naku naman. Baka kung anong mangyari dun?"
"Ang laki laki ni Kasper may mangangahas bang gumawa nang masama dun?"
Hindi na Ito pinansin ni Mikella at lumabas muli siya.
Naisipan niyang baka nasa mall malapit sa school nila si Kasper kaya't nagtungo siya doon.
7:00 pm
Nang makalabas siya ng mall ay madilim na kaya't ma's tumindi ang pagaalala niya.
Nilibot niya na ang iba't ibang karenderya malapit sa kanila. Kahit ang mga kaibigan ni Kasper ay tinawagan niya na ngunit wala pa din ito.
Nag ring ang kaniyang phone at nakita niyang si Kasper pala ang tumatawag.
"Hello! Kanina pa kita tinatawagan! Buti naman at sumagot k-"
"Hello?" Napansin niyang hindi ito boses ni Kasper.
"Hello? Sino ito? Bakit mo hawak ang phone ni Kasper?"
"Ano po kasi. Ung lalaki pong may ari ng phone natagpuan ko lang pong nakahiga sa sahig. Mukha pong lasing siya tapos estudyante pa."
"Asan ka po?"
"Nasa police station po."
Agad na pumara ng tricycle si Mikella papuntang police station.
Nang makarating siya doon ay natagpuan niyang walang malay si Kasper sa isang sulok Habang ang mga police ay hindi lamang siya pinapansin.
"Kasper!"
"Dai! Mabuti naman at dumating ka. Iuwi mo na itong boyfriend mo mukhang nakainom eh."
"Salamat Kuya."
"Eto nga pala ung phone niya."
Tinawagan na ni Mikella ang driver nila upang sunduin sila sa police station.
Nang makauwi ay nagkamalay na rin si Kasper at pinilit niyang makatayo. Buti na lamang at wala pa yung mga magulang ni Kasper at kung hindi ay malalagot sila.
"Kasper! Magingat ka. Baka mapatid ka."
Inalalayan ni Mikella na makaakyat ng hagdanan si Kasper.
"Bakit ka ba kasi uminom, ha?"
"Dahil sayo."
"Sa'kin?"
"Para mapatunayan ko sayo na hindi ako bata."
"Hindi mo naman kailangan uminom para mapatunayan mong hindi ka bata.Sa ginawa mo ngang yan, mas lalo mo lang pinatunayan na isip bata ka pa din"
Nagulat na lamang si Mikella na hatakin siya bigla ni Kasper at itinulak pahiga sa kama.
Sumunod naman ito at pumatong sa kanya.
"Hoy! Kasper! Tumigil ka!"
"Tingnan natin kung isipin mong isip bata pa din ako." At hinalikan siya ni Kasper.

BINABASA MO ANG
She's his Babysitter
Romance"Hindi na ako Bata" "Pero bata ka pa din sa paningin ko." Lumapit si Kasper at hinawakan ang bewang ni Mikella bago siya hinatak papalapit. "Ah ganun? Pwes, kaya ba itong gawin ng isang bata sa'yo?"