Chapter 7
3rd Person's POV;
"Wait! Ito ang Dorm ko? Ang laki parang nasa isang hotel lang ako." Komento ng binata ng makapasok siya sa dorm niya daw."Parang ako ikaw nung napunta din ako hihi." Humahagikhik na sambit ng binata bago sundan papasok si Taki.
"Kumpleto naman dito pwede kang magluto may grocery naman dito pag naubusan ka ng stock tawag ka lang may telepono diyan kung gusto mo naman kumain may cafeteria sa baba o pwede ka ding magpadeliver." Ani ni Jun na kinanganga ni Taki dahil napakaexpensive kung titingnan lahay ng gamit sa loob ng kwarto at may room service pa.
"Yung uniform mo pala ayang nasa kama meron ka din sa closet mo pinahanda na talaga yan ni babe para sayo." Ani ni Jun na kinatingin ni Taki sa uniform na nakalatag sa kama.
Taki Suarez's POV;
'Ang ganda' Ani ko sa isipan ko ng makita ang uniform dati sa internet ko lang nakikita ang ganitong uniform na hindi ko iniexpect na makakapasok ako at maisusuot ko ang uniform na ito."Oo nga pala may idadagdag pa pala ako." Ani ni Jun na kinatingin ko.
"Bukod sa grupo ni Babe na kulay black ang uniform at may gold na logo sa bandang dibdib ng uniform nila. Iwasan mo din yung mga estudyanteng puti ang uniform na may silver na logo." Bilin ni Jun na kinakibit balikat ko.
"Wala naman akong balak makipaclose sa kahit na sino kaya lang naman ako nandito dahil sa iisang tao lang na hindi ko pwede lapitan." Bulong ko na kinatigil ko sandali.
Shit ka Taki babawiin ko na sana ang sasabihin ko ng paglingon ko nakangiti lang si Jun.
"Naiintindihan kita ganun din kasi ako tara na." Ani niya na kinagulo ng isip ko.
'Ganun din siya?'
"Iikot na kita sa buong school." Ani niya ng makalabas kami ng Dorm.
Ilang oras yata inabot namin para maikot ang bawat building na kinangingiwi ko tuwing may mga babaeng halos tunawin ako sa mga tingin nila.
"Dito tayo." Ani ni Jun ng makaakyat kami ng rooftop.
"Rooftop?" Ani ko bago siya lapitan sa railing kung saan kitang kita ang buong eskwelahan.
"May ituturo kasi akong mga building na hindi natin pwede puntahan kung walang permission ng Dean o ng prof natin." Ani ni Jun na kinatango tango ko.
"Yung building na yun na kulay itim ang mwebles yun ang building nina Jiro." Dagdag ni Jun bago ituro ang building na medyo malayo sa iba pang building na nasa kanlurang bahagi ng college department.
"Binubuo ang grupo nila ng mga tagapagmana ng isa sa mga kilalang notrious family." Ani ni Jun na kinatingin ko.
Nakahalumbaba ito sa railing habang nakatingin sa building.
"Ang pamilya din nila ang founder at bumuo ng eskwelahan na ito kaya pinagbabawalan talaga silang lumabas ng eskwelahan na ito hanggat hindi pa sila tapos sa pag aaral at wala pa sa legal age." Dagdag ni Jun na kinakunot noo ko.
"Kaya ba pinuntahan niyo nun sa Unit si Master?" Tanong ko na kinatingin niya.
"Hindi, wala naman kaming pakialam kung saan sumusuot si babe nagbabayad naman siya tuwing lalabas." Sagot niya na kinakunot noo ko.
"Bayad?" Ani ko na kinangiti niya.
"200 billion bawat labas niya ng eskwelahan in valid or valid reason isa yun sa rules." Sagot ni Jun na kinalaki ng sobra ng mata ko.
"Kaya nga nagtataka ako nung malaman ko kay Jairus na naglalabas pasok ng eskwelahan si Babe ikaw pala yung pinupuntahan niya." Dagdag ni Jun bago tumingin ulit sa building.
"Tapos na klase nila tingnan mo." Ani ni Jun na kinatingin ko.
"Si Master." Bulong ko ng makita ko siyang nasa pinakaunahan kasunod ang kakambal nito na may hawak na kung ano.
"Hinahangaan at pinagpapantasyahan sila ng mga kababaihan dito ganun din ng mga kalalakihan hindi ka naman na nagtataka kung bakit diba?" Ani ni Jun bago bahagyang ituro ang mga estudyanteng nasa baba na halos himatayin ng parang haring dumaan sa pagitan nila ang grupo ni Master.
Kung pagmamasdan mo silang mabuti walang tulak kabigin sa mga mukha nila katulad ng hindi mo talaga ieexpect na mag eexist ang mga tulad nila.
"Tinatawag ang grupo nila na Black Chasers na si Babe ang leader at si Jairus ang founder." Ani ni Jun ng mapaayos ito ng tayo ng may makita kaming mga estydyanteng nakaputi.
"White Fang." Dagdag ni Jun bago ituro ang mga kalalakihan na nakasalubong ng grupo nina Master.
May angking kagwapuhan din ito pero ang aura nila ibang iba sa presensyang meron kina Master.
"Binubuo sila ng mga Fucking Spoild Jerk." Ani ni Jun na mukhang inis na inis ito sa grupo ng mga nakaputing uniform.
"Galing din sila sa pinakayayamanan na pamilya pero ang existence nila nakapublic kung hindi sila model mga artista na kilala sa buong mundo kaya sobrang hahambog at yayabang nila." Ani ni Jun na may inis sa tono habang nakasimangot.
"Minsan na akong muntikan mapatalsik dahil sakanila at maparusahan si Jairus dahil sa pakikialam niya take note transferee pa ako ng time na yun." Dagdag ni Jun bago ako lingunin.
"Kaya nga sinabihan kita kung dapat may iwasan ka yun ay mamagitan sa dalawang grupong nasa gitna ng field, lalo na kay Babe dahil oras na may gawing hindi magandang magawa ang kambal maaring mabuwag ang Chasers kaya ingat tayo." Ani ni Jun bago ipatong ang baba niya sa Railing at pagmasdan ang grupuhang mukhang nagkakapikunan sa gitna ng field.
"Hindi pinapatulan ng Chasers ang White Fang dahil sa connection ng mga ito sa kani kanilang pamilya pero dahil sa mga siraulo ang mga yan wala silang ginawa kundi asarin ang mga Chasers kaya wag ka ng magtaka kung lagi kang maka encounter ng ganyang eksena." Dagdag pa ni Jun na kinatitig ko kay Master na nasa pagitan ng dalawang grupo kausap ang lalaking blond ang buhok.
Sa pagpasok ko dito ngayon ko lang nakita kung gaano kalayo ang agwat namin ni Master sa lipunan man o sa mata ng mga tao.
BINABASA MO ANG
The Mafia boss's Addiction
General FictionPrologue "I-Ikaw ba ang pinagkakautangan ng papa ko?" nauutal na tanong ng binata sa lalaking kasalukuyang nakatalikod sa pwesto niya. "I didn't expect na ipambabayad ka talaga niya?" Ani ng baritanong boses na nagbigay ng sobrang lamig sa katawan n...