Chapter 42

3.2K 138 1
                                    


Chapter 42
Loki Porter's POV;
"Bakit mo ginawa yun Loki hindi mo pinigilan si Jiro?" Tanong ni Yuan habang humihithit ako ng sigarilyo.

"Dahil yun din ang eksaktong gagawin ko kay Leon pag may gumawa nun sa taong pinoprotektahan ko." Bulong ko bago iyukom ang kamao ko.

"Wala na din akong balak ulitin ang ginawa ko dati." Dagdag ko na kinailing ni Yuan.

"Sang ayon ako kay Loki." Sabat ni Terrance.

"Sa tyurang yun ni Porter kanina kahit tayo papatayin nun dahil sa nangyari kay Suarez." Dagdag ni Jethro.

"Kinikilabutan pa din ako tangna." Mura ni Max bago naiinis na tapakan ang sigarilyo niya at tumayo para lumabas.

"Now I know kung bakit mo pinakawalan si Taki pumapatay pala ang halimaw na yun." Tatawa tawang sambit ni Terrance.

"Kaya kong makipagpatayan kay Jiro para kay Taki kung alam kong may pag asa ako." Sagot ko na kinatingin nina Yuan.

Flashback
Bata pa lang kami naiinis na ako kay Jiro napaangas niya at lagi siyang bukambibig ng papa ko dahil sa talino at talento nito.

Nadagdagan pa yun ng makuha niya ng ganun ganun na lang ang atensyon ni Taki.

Bata pa lang kami alam ko ng hindi simpleng kaibigan ko kay Taki kahit pareho kaming lalaki wala akong pakialam basta gusto ko akin lang si Taki.

"Okay lang ba si Jiro?" Nag aalalang tanong ni Taki kitang kita ko kung pano umiyak ito ng biglang mahimatay si Jiro kaya inis na inis ako dun na ako nakaramdam ng sobrang selos.

Yun din yung time na nakagawa ako ng bagay na pinagsisihan ko ng sobra sa edad kong pitong taong gulang muntikan na ako makapatay.

Kitang kita ko kung pano nahulog si Taki sa bangin na kagagawan ng step brother ko natakot ako takot na takot ako hanggang sa nakita ko si Jiro tumatakbo at walang pagdadalawang isip na tumalon sa bangin para sundan si Taki.

Naisip ko ng araw na yun kahit kailan hindi ko mapapantayan si Jiro sa kahit saang aspeto lalo na sa puso ni Taki at sa pagmamahal na kayang ibigay nito.

End of the flashback

"Pero hanggat si Jiro ay si Jiro Porter hinding hindi ko siya mapapantayan o matatalo sa kahit na anong aspeto lalong lalo na sa pagmamahal niya kay Taki." Dagdag ko bago tumayo at laklakin ang hawak kong beer at lumabas sa pinakabasement ng Black Chasers.

Nakalimutan ni Taki ang lahat tungkol samin pero nagawa niya pa din mahalin si Jiro kahit wala itong idea kung ano siyang klaseng tao.

Taki Suarez's POV;
Patuloy kang sa pag agos ang luha ko ng magising ako sa isang napakaraming panaginip.

Mga panaginip na pilit ko ng kinakalimutan.

"Taki." Si Jiro.

May bulto sa tabi ko pero sobrang labo ang labo.

"Taki." Ulit ni Jiro hanggang sa unti unting luminaw.

'Takiiiii!'

Napabalikwas ako ng bangon habang sapo ang dibdib ko ng parang bumalik ulit ako sa nakaraan na nahuhulog ako sa bangin at nakita ko si Jiro na tumalon at inaabot ang kamay ko.

"Tama na andito na ako." Napaangat ako ng tingin ng maramdaman ko ang mga palad ni Jiro sa pisngi ko.

"N-Naalala k-ko na." Bulong ko bago hawakan ang kamay ni Jiro sa pisngi ko.

"Ganito na tayo mula nung una." Ani ko bago hawakan ng mahigpit ang kamay ni Jiro at sumubsob dun habang umiiyak.

"Naalala ko na*sob* naalala ko na Jiro." Umiiyak na sambit ko habang nanginginig na napahagulhol.

"Kitang kita ko nahulog ako sa bangin takot na takot ako nun tapos nakita din kitang tumalon inaabot mo ako*sob*" ani ko ng bigla akong yakapin ni Jiro.

"Mula ng bigyan mo ng liwanag ang mundo ko Taki ikaw na ang naging dahilan ng paghinga ko kaya kung mamatay ka ng araw na yun mas mabuti pang sumama na ako." Ani niya na kinatigil ko.

"T-Tangna mo talaga *sob* seryoso ako dito tapos baban---." Naputol ang sasabihin ko ng paglayo ko nakita ko sa expression niya na hindi siya nagbibiro.

"J-Jiro." Bulong ko ng dahan dahan niya akong ihiga at tanggalin ang puting kumot sa katawan ko.

"Masyadong makasalanan ang katawan mo." Bulong niya bago marahang haplusin ang pisngi ko pababa sa leeg at dibdib ko.

"Kaya kung sino mang hahawak o titikim sayong iba pinadadala ko na sa impyerno." Ani niya na kinagilid ng luha ko ng pumasok sa isip ko yung nangyari.

"Jir---."

"Shh." Putol niya bago simulang halikhalikan ang bawat bahagi ng mukha ko pababa sa leeg ko.

"Buburahin ko ang mga marka ng hayop na yun sa katawan mo Taki." Ani niya habang nagigitgit na umangat at titigan ako sa mata.

"J-Jiro deserve ko pa ba ang katulad mo?" Naiiyak na tanong ko na kinalambot ng expression niya bago kuhanin ang kamay ko at itapat yun sa puso niya.

"Nararamdaman mo Taki?" Ani ni Jiro.

Ang lakas ng tibok niya katulad ng---.

"As long as ikaw si Taki Suarez at ikaw ang tinitibok nito...higit pa sa sarili ko ang kaya kong ibigay sayo." Ani ni Jiro bago ako siilin ng halik na kinaungol ko bawat parte ng katawan ko haplusin niya.

Yung haplos na parang isang kayamanang ayaw niya masira at magasgasan.

Sa dami ng pinagdaanan ko at sa mga sakit na nararanasan ko kahit kailan hindi nawala si Jiro.

Noon hanggang ngayon andiyan handa akong buuin at paulit ulit na damputin tuwing tinatapon at tinatapaktapakan ako ng ibang tao.

Handa akong protektahan sa makasalanang mundo at samahan ako sa impyernong kinasasadlakan ko.

The Mafia boss's AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon